Stage 34: Home

13.1K 596 111
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

VERY SOFT SPG AHEAD. PROCEED AT YOUR OWN RISK.

Enjoy!

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

Pakikay na winakli ni Chichi ang kulay brown (dyed) na buhok na hanggang balikat nang pumasok siya kinaumagahan sa gate ng Brgy. Tagpi Multigrade School kung saan siya nag-aaral bilang Grade 7 student.

"Heya girls~" Pitik pa ng bakla sa ere ng makita ang dalawan niyang babaeng classmate at kaibigan. "Bwesit.. first period pala natin si Mrs. Plat ano? Kalerkey~ first day na first day after Christmas break.. mukha niya kaagad bubungad sa'tin." Tukoy niya sa striktang guro nila sa Math na.. flat na nga ang likod, flat rin ang harap... aba'y flat rin ang ilong! Pero... naka-asawa pa rin ito ng Amerikano. Nga naman, ang mga foreigner, gusto ang mga hybrid o exotic na hayop. -.- Dasal lang nila wag matulad anak ng guro nila sa ilong ng ina.

Habang naglalakad sa hallway ng maingay at matao nilang school building, umiiwas si Chichi sa maliliit at gusgusin na mga batang estudyanteng naghahabulan. "Ano ba etech! Hangover pa sa kulit 'tong mga batang 'to!"

"Hi Chichi!" Sipol na tawag sa kaniya ng isang grupo ng mga lalake na Grade 8. Inirapan lang niya ang mga ito kasi halata namang nagpupustahan na naman ang mga mukhang bantay-salakay-gang na seniors.

Inayos niya ang pink na sling bag sa balikat niya (na suklay, pulbos, liptint. perfume, ballpen at isang notebook lang ang laman) at papasok na sana sa classroom nila nang mapuna ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa unahan ng hallway at pawang nakayuko sa mga cellphone nito at nagbubulung-bulungan. "Hmm? Ano meron?" Baling niya sa kaibigang si Blitz.

"Sa tingin ko... si Liam topic nila." Sagot nito.

Umigting ang tainga niya. "Liam?" Nagtatrabaho kasi ang kaibigan niyang si Isla sa idolong iyon. "Bakit? Ano meron? Na-aksidente uli?" Usap-usapan kasi ang sunod-sunod na mga balitang aksidente nito.

"Ay! Yan rin ang topic nila Nanay at mga kaibigan niya kaninang umaga." Singit ng isang kaibigan niyang si Pinky. "Narinig ko kasi nung bumili ako ng toyo."

"Na alin?" Magkasalubong ang kilay niyang nilingon ang mga kaibigan.

"Na may girlfriend siya." Sagot ni Blitz.

"Oo nga... si Mil ---"

"At hindi si Mildred." Putol ni Pinky.

Napakurap siya at tumaas ang isang kilay. "Aba'y sino ang malanding p*tang*nang yan ang humaharot sa Papa Liam koo?!" Dabog niya.

.

.

Humihithit ng sigarilyo si Junrey nang sigarilyo at tinapon sa basurahan sa may pintuan ng Guidance Office matapos siyang tawagan ng guro ni Chichi. Nadatnan niyang may kalmot sa mukha ang baklang anak at sira ang ilang oras nitong inaayos na buhok. Nakikipagtalakan ito sa kaaway na estudyanteng babae na nakaupo sa harap nito.

"BAKIT?! MASAMA BANG DEPENSAHAN ANG KAIBIGAN KO?!" Singhal ni Chichi.

"PELINGERANG BAKLA!!" Sigaw na sagot naman ng babae. "KAIBIGAN MO PALA ANG MALANDING PINAGSIKSIKAN ANG SARILI KAY LIAM?! HA! KAIBIGAN MO NGA TALAGA.. PALIKERA!!"

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now