Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐
🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥
Kinahapunan, matapos tanggapin niya ang alok na magtrabaho bilang assistant ni Liam, napagpasiyahan niyang balikan ang barong-barong niya para kunin ang natitira gamit. Pero laking gulat niya nang pagbaba sa tricycle, malinis na ang bakanteng lote at may malaking tarp. na may sulat "Private Property of Miller Estate Corp."
'Huh? Miller? Binili ng Smith&Miller? Ano meron rito at napag-interesang bilhin ng isang malaking kompanya?' Himutok niya at nilapitan ang isa sa mga engineer na nagmamando ng mga karpintero. "Excuse me po..."
Lumingon sa kaniya ang may-edad na engineer na nakasuot ng safety hard hat at orange jacket. "O?"
"Ah.. ako po ang may-ari ng.." Napatingin siya sa dating kinatatayuan ng barong-barong niya. "..ng bahay diyan dati. Ewan ko po kung naabutan niyo pero --"
"Ah, ikaw si Macatuto?"
"O-opo.."
"Bilin kasi ng amo namin na iligpit mga gamit mo." Sumipol ito at may sinenyas sa isang trabahante.
'Amo?' Palaisip niya. Amo?? Tumingin siya uli sa tarp. 'Miller Estate Corp... malamang Miller amo nito.' Inalog niya ang memorya. 'Wala akong kilalang mayamang tao maliban nalang kay Boss Martin.' Patungkol niya sa drug lord sa kabilang barangay.
"Heto." Lahad ng lalake sa isang paper bag.
'-.- Syet. Ganito talaga ako ka hirap na lahat ng ipinundar ko, kasya lang sa isang paper bag.' Sigurado di na nito sinalba ang unan niya na ginawa mula sa ginunting na balot ng mga junk foods at yung karton na higaan niya. Niyuko niya ang loob ng bag: Nag-iisang family picture niya kasama ang mga magulang, picture ni Coco Martin, ang kaniyang Ducasse magazine, at ang Nestle Ice Cream na tupperware kung saan may 300pesos. "Sir, ito lang po ba?"
"Yan lang ang nakikita naming pwedeng isalba. Yung mga damit, tinapon---"
"Tina-- ano?! Mga pamana yun ni Aling Bebang!!!"
"Pero miss--"
Umandar na naman init ng kaniyang ulo. "SINO BOSS NIYO HA!!!"
"Hoy, Isla!"
Napalingon siya sa kaibigang si Loloy.
-----
Inis na umiinom siya ng softdrinks sa isang plastic habang nakitambay sa tindahan ni Aling Nena. Bwesit na napakamot siya sa sombrerong puti na suot. "Kainis!!"
YOU ARE READING
Loving the Nation's Idol
רומנטיקה"POVERTY IS NOT HINDRANCE TO SUCCESS!" Sigaw ni Islanda bilang panimula niya sa sinalihang barangay beauty pageant. Iyon ang katagang memoryado na halos 7.2 Billion na populasyon sa mundo. Ginamit na sa slam/autograph book, naisulat na ng maraming...