Stage 37: Pandora's Box (Part II)

9.4K 519 117
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

PANDORA'S BOX - is an artifact from Greek Mythology -- it was said to be a box that contains secrets or curses that once open will bring destruction to the world.

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

Masayang-masaya si Mary na kaharap na niya ang apong di man niya kailanman nakita noon. Nasa loob na sila sa bahay at nakaupo sa sala habang binigyan ni Lizbeth ng maiinom si Islanda.

Islanda. Isla.

Tinitigan niya ang dalaga na ngumiti kay Lizbeth at nagpasalamat.

Her name, it may not be real, still has a Scottish touch in it. Isla means island. Islanda means beautiful island. Parang hinaplos ang dibdib niya sa kaligayahan. Islanda inherits Helena's red hair... and they might not have talked to each other a lot when they met earlier, she can also sense on her Helena's optimistic and stubborn personality.

"Isla." Tawag niya sa apo.

Tumingin sa kaniya ito.

Huminga siya nang malalim. Seeing her granddaughter is too much to take in. She can't contain her happiness. Uminit ang sulok ng kaniyang mga mata. "S-Sorry.."

"Okay lang po ba kayo?" Alo ni Isla.

Lumapit naman sa kaniya si Nelson at nagbigay ng panyo. She nods at him and utters her thanks. Tiningnan niya uli ang apo. "I'm sorry... I-I'm j-just so happy."

.

.

Nagsalubong ang kilay ni Isla. 'Sino ba 'tong matandang ito?' Tiningala niya ang mama ni Liam na nakatayo sa tabi ng kinauupuan niyang sofa. Lizbeth's face seems to be... sad.

"How are you? You've grown very beautifully..." Patuloy ng matanda.

Pilit siyang ngumiti at sumimsim sa hawak niyang mug ng gatas. 'Kilala ba niya ako?'

"Y-You can understand English, right?"

Tumango si Isla.

Inabot ng matanda ang kamay niya. "I miss you, Margaret..."

Parang napaso siyang hinila ang kamay niya mula rito. Mabilis na tumibok ang dibdib niya. 'M-Margaret...'

> "Margaret..." Ani nang baritonong boses sa memorya niya. Lumuhod ang pigura ng lalake sa harap niya.

> "Hindi, Margaret." Sagot ng Tatay Pablo niya sa katanungang anak ba siya nito.

Nag-alalang tumingin sa kaniya ang babae. "Isla, t-this may sound so sudden ---- "

Tumayo si Isla. Di pa rin kumalma ang nagririgodon niyang puso. "Ma-makakaalis na po-po kayo."

Naguguluhan si Mary na halatang di alam kung anong sinabi ni Isla saka tumingin kay Lizbeth. Pati rin si Lizbeth ay nagulat sa reaksiyon ni Isla.

"What do you m-mean ---- " Tumayo si Mary.

Parang naninikip ang dibdib ni Isla sa alon-alon ng emosyong nararamdam. "A-Andun po ang labasan.. " Diretsong nakatingin si Isla sa kawalan habang tinuro niya ang pintuan.

Loving the Nation's IdolWhere stories live. Discover now