Missing Page: Margaret x Elaine (Part II)

8.9K 460 55
                                    


Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

Enjoy!

📖📖📖📖📖📖📖📖📖📖  

BRGY. TAGPI

Uminom si Pablo ng beer at nakatingin kina Junrey at Rene na abala sa plano nitong kidnap-for-ransom. Niyuko niya ang litratong hawak. Litrato diumano ito ng prinsesang dudukutin nila. Maganda ito at maliit ang mukha. May malabo itong freckles sa pisngi at ilong na nagpapatingkad sa dugong bughaw nito. Her short red-hair added the sharpness in her eyes.

"Okay ka lang ba sa trip ni Rene, Pabs?"

Nilingon niya ang kaibigang si Jerome na kasalukuyang humihithit ng sigarilyo. "Bakit?" Nasa isang abandonadong tren sila kinaumagahan para sa pag-pa-plano sa krimen.

"Ang dukutin ang isang prinsesa?" Binuga nito ang usok pataas. "Di ba't parang buong bansa na ang kakalabanin natin pag ganun?"

Di sumagot si Pablo. Hati ang opinyon niya sa gusto ni Rene. Sabi ng puso niya'y wag kasi masama. Sabi ng utak niya'y yayaman siya at kahit papaano'y may pagkakaabalahan siya para naman mapawi ang kalungkutan niya sa pagkawala ng anak. Tsaka... ngayon pa ba siya makokonsensiya 'eh nagnanakaw na sila at nagtutulak ng droga?

Tinungga niya uli ang hawak na botelya ng beer. Tiningala niya ang kalangitan... parang may nagbabadyang ulan 'ata. Nagkukumpulan kasi ang makakapal at itim na ulap....

Tiningnan niya uli ang dalawang kaibigang excited na excited sa pagpa-plano.

Bukas raw agad nila gagawin ang krimen.

Di kaya sila nito mabulilyaso sa bilisan nilang pagpapasiya?

📖📖📖📖📖📖📖📖📖📖

MILLER'S MANSION

Sa mansion ng mga Miller, nakatayo sa tabi ng kama ni Elaine si Charlotte habang tinitingnan ng doktor ang anak na babaeng nakahiga sa kama.

"Mom, I'm sorry." Tumingala si Isaac sa kaniya na nakaupo sa kama ng kapatid.

"Shhh..." Gulo niya sa buhok ni Isaac. "It wasn't your fault."

Earlier, while Charlotte is busy preparing for their flight later at the afternoon, the suspended Isaac played and chased Elaine inside the huge mansion. When they shortly stopped for a break, Elaine suddenly collapsed. Inatake na pala ito ng asthma nito. Masama kasi rito ang sobrang laro lalo na't hinahabol pa nito ang hininga. Isaac felt guilty about what happened especially the doctor suggested that Elaine should rest for the day.

Charlotte then cancelled their scheduled flight. Mas importante sa kaniya ang kasulugan ng anak. Di rin natuloy ang meeting ni Isaac kasama si Elijah sa guidance counselor nito sa eskwelahan kasi nag-alala rin si Eli sa kalagayan ng bunso nila. He contacted the best doctor just for his little princess.

Tumayo ng maayos ang doctor matapos pakinggan ang paghinga sa natutulog na si Elaine. "She'll be alright, Mrs. Miller. Pag siya'y nagising mamaya... painumin mo muna siya ng dalawang basong tubig tsaka chest rub for few minutes. Just to stabilize her lungs."

Charlotte nods as thanks to the doctor who faced Elijah standing at the door. Nag-usap ang dalawa at tumingin sa direksyon nila.

Lumuhod si Charlotte sa sahig at dinama ang noo ni Elaine. Binalingan niya ang tahimik na si Isaac. "Isaac, it really wasn't your fault." She pinches his jaw. "Smile for me."

Loving the Nation's IdolOnde histórias criam vida. Descubra agora