Prologue

15K 196 28
                                    

Deanna's POV
Ang bilis ng oras, pakiramdam ko kakarating palang niya at ngayon kailangan na niyang umalis agad.


Hawak ko ang kamay niya habang naghihintay kami ng masasakyan niya. Uuwi na siya. Aalis na siya.



Bakit ang sakit? Bakit pakiramdam kong mawawala na naman siya?



Habang nag aabang ng masasakyan niya, nakatingin ako sa mga paparating na jeep. Nararamdaman kong sakin siya nakatingin.



Cabuyao

Nakita ko na ang jeep na sasakyan niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Ayoko pa siyang umalis. Pero alam kong wala akong karapatan para magdemand na magstay pa siya.



Sino ba naman ako? Ako lang naman ang ex girlfriend at slash bestfriend niya.



Huminto na ang jeep. Lumuluwag na ang hawak ko sa kamay niya. Handa na ulit siyang pakawalan.

Tumingin na ko sakanya ng nakangiti.

"Sakay ka na. Ingat ka okay?"

"Bakit ka naiiyak?" tanong niya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Ha? Pinagsasasabi mo dyan. Sakay na. "



"May nakikita akong pawis dyan sa mga mata mo, pinipigilan mo lang pumatak." Biro niya. Pero sa totoo lang totoo naman. Naiiyak ako. Natatakot na baka matagalan bago magkita ulit kami.




"Palalagpasin ko yang jeep. Hintay pa tayo ng isa." Seryoso na pagkakasabi niya habang nakatingin sakin habang ako umiwas ng tingin. Gusto ko siyang yakapin.


At tuluyan nang umalis ang jeep.



"Tawid tayo." sabi niya.

"Bakit? Hindi ka pa uuwi?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Ngiti lang ang sinagot niya.

"Tara na!" Sabay higit sakin patawid.



May humintong jeep sa harap namin. Daredaretso lang siya na sumakay at dahil hawak niya ang kamay ko nahigit ako at ngayon andito kami sa harapan ng jeep nakasakay.



"Kuya dalawa pong SM munti." Sabi niya sabay abot ng bayad kay kuyang driver.



May pagtataka man sakin pero mas pinili ko nalang manahimik hanggang sa makarating kami sa SM.



"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Arcade?"

"Sige. Okay." Medyo naguguluhan ako. Akala ko kailangan na niyang umuwi kanina.




"Tara dun tayo sa basketball." Masayang pagkakasabi niya. Kailan nga ba ang huli naming laro sa arcade? Tagal na. 4 years ago pa. Nung panahong kami pa.





Agad naman siyang bumili ng token.  At higit sakin papuntang sa basketball. Binigyan niya ko ng limang token.


Magkatabi kami ng ring.


"Start?" Tanong niya habang nakangiti. Tumungo ako at nginitian din siya. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na kung nakikita ko siyang masaya. Masaya na ako ang kasama.


Hanggang sa tig isang token nalang ang matira samin.


"Laro tayo. Kung sino may mas mababa ng score may dare." Dahil sa sinabi niya napatingin ako sakanya.

"Kapag di sinunod yung dare may consequence." Dagdag pa niya.

"Sige." Pagsang ayon ko sakanya.

"Okay. Game?"

"Game!"




Umabot kami pareho ng round two. Ang score ay 87-81.

"Tara dun tayo sa foodcourt. Upo tayo." Yaya niya sakin. Magkatabi lang naman ang foodcourt sa pinaglaruan namin.


Magkatabi kaming umupo sa mahabang upuan. Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Pakiramdam ko namiss ko agad ang kamay niya.



"Deanna" Tawag niya sa pangalan ko. Napatingin naman ako agad sakanya. Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

Bakit pakiramdam ko ang seryoso ng magiging dare niya sakin?



"Dare. I dare you to be my girlfriend again." Daredaretsong sabi niya habang nakatingin sakin at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ko.



Pakiramdam ko nalunok ko ata ang dila ko. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka masaktan lang ulit kami. Natatakot ako na masaktan ko ulit siya.


"Ayaw mo?" Mula sa seryoso napalitan ng malungkot na expression ang mukha niya.


Gano na ba ako katagal na hindi nakasagot sakanya?

5 minutes?


"Deanna" Nakayukong tawag niya sakin. Konti konti na ding lumuluwag ang hawak niya sa kamay ko. Kasabay nun ang panghihina ko. Emotionally nanghihina ako. Gusto kong umiyak. Napakaiyakin ko naman.


"Natatakot ako." Mahinang sabi ko. At tuluyan na ngang naghiwalay ang mga kamay namin.


Dumaan ang katahimikan samin. Walang gustong magsalita.

Nasasaktan ako habang nakatingin sakanya ngayon. Nakayuko pa rin siya. Ramdam ko na ang bigat ng atmosphere samin ngayon. Parang biglang nagkaroon ng wall sa pagitan namin. Nasasaktan ako. Nasasaktan ko na naman siya.


Humarap siya sakin.

"Choose. I dare you to be my girlfriend or take the consequence that I am going to be your girlfriend." Nakangising sabi niya sakin.



"Jema" Wala akong masabi kundi ang pangalan niya. Ilang beses ba ko magiging speechless ng dahil sakanya?





"Dare or Consequence?" Dagdag pa niya.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now