19

4.1K 96 2
                                    

Samuel POV

"Sorry natraffic ako." Natigilan ako sa narinig kong boses. No. Hindi pwede. Wag kang titingin sakanya, impossible!



"Guys wait lang order lang ako." Narinig ko nalang na paalis na ang mga hakbang niya. Napaangat ang tingin ko sa mga kasama ko.



"Bakit siya nandito?" Hindi ko maiwasang mainis sakanila. Kasama ko si Anton at Justin.

"Oh bakit ang sama ng tingin mo sakin?" biro na sabi ni Anton. Ng makita niyang hindi ako natutuwa ay bumuntong hininga siya at humarap sakin.





"Pre, naghiwalay ba kayo?" Lalo akong nainis sa tanong niya.

"Pre, bigla siyang nawala! Para sakin tinapos na niya yung samin ng oras na iniwan niya ko!" Naiinis ako sa kanila bakit siya nandito. Anong gusto nilang mangyari?


"Para sayo." Napaangat ang tingin ko kay Justine. Ng nakita niya kong nakatingin sakanya ay wala siyang nagawa kundi ituloy ang sasabihin niya.



"Pre, alam naming hindi mo alam bakit ka niya iniwan. Pero di ba dapat hinintay mo muna na bumalik siya para maging malinaw ang lahat bago mo siya pinalitan?" Umiling ako sakanya. Minsan lang kami mag usap ng ganito at alak ang madalas naming hawak pero ngayon nakakatawang isipin na mcfloat ang nasa harapan namin.


"Meron ng iba?" Napatingin ako sa bagong dating na umupo sa tabi ko. Sa harapan namin nakaupo sila Anton at Justin.



"Pre, alam namin na kailangan niyong nag usap. Sige alis na kami." Hindi ako nakaangal para akong naging bato sa kinauupuan ko.




Nabalot kami ng katahimikan. Walang gustong magsalita.


'Kailangan kong umalis dito.'

Patayo na ako ng hinawakan niya ang braso ko na ikinatigil ko. Napatingin ako sakanya na sana ay hindi ko nalang ginawa. Nakaramdam ako ng pangungulila ng matitigan ko ang mga mata niya. Mali to. pero nakaramdam ako na gusto ko siyang yakapin, gusto kong umiyak sa harapan niya. Gusto ko siyang sumbatan sa sakit na naramdaman ko ng iniwan niya ko bigla.


"Please, pakinggan mo ako." Napaupo ako ulit sa tabi niya. Natatakot ako sa nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako ng mapatingin ako sa mga mata niya kanina. Pakiramdam ko nahuhukay niya yung pagmamahal ko sakanya na dapat ay wala na.



"Bakit hindi mo ko hinintay?" Napaangat ang tingin ko sakanya. Nakita kong pumatak ang luha niya pero agad din niyang pinahid.



"Dalawang taon ka nawala. Pagkatapos ng 4th anniversary natin bigla ka nalang nawala. Isang taon, Rosher isang taon ako naghintay sayo. Hindi pa ba sapat ang isang taon para bumalik ka?" May hinanakit na sabi ko sakanya. 1st love ko siya. 4 yrs parang natapon lang ng iwan niya ko. 6 yrs na sana kami, nakaramdam ako ng panghihinayang sa relasyon namin.
Pagkatapos ng isang taon kong paghihintay sakanya ay napagdisisyunan ko ng magmove on at dun ko na nakilala si Deanna.






"Hindi pa kasi pwede." Kahit hindi ko alam ang dahilan niya ay napangiti nalang ako ng malungkot sa naging sagot niya.



"Matagal na kong sumuko satin." Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang yun ay nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko na lalo pang dumoble ng marinig ko ang mga hikbi niya. Tumayo na ko at tuluyan ng umalis.










----

"Oh bakit ka nandito?" Bungad na tanong sakin ni Deanna ng buksan niya ang gate nila. Hindi ako sumagot, niyakap ko siya. Naramdaman ko naman na niyakap niya ko pabalik.


"Hinintay kita kanina." Bulong niya sakin.

"Sorry." Bulong ko pabalik.



"Kumusta bonding niyo?" Tanong niya pagkatapos kumalas sa yakap namin. Alam niya kasama ko ang mga kaibigan ko kanina dahil nagpaalam ako sakanya. Nginitian ko lang siya sabay hawak sa kamay niya.


"Ang sweet mo. Siguro may ginawa kang kasalanan no?" Pareho kaming natawa sa biro niya. Umiling ako sakanya.


"Sige na umuwi ka na. Gabi na oh. 8:15pm na. Delikado na kapag lalo ka pang ginabi sa daan." Lumapit pa ko sakanya at niyakap ulit siya. Ang swerte ko dahil may Deanna sa buhay ko.


"Sunduin kita bukas ha, sabay tayo papasok bukas." Sabi ko sakanya pagkalas ko sa yakap namin. Ngumiti siya kaya tumalikod na ko at umalis na.



May natanaw akong kotse sa labas ng bahay namin. Pamilyar ang kotse. Pagpasok ko sa bahay ay nginitian ako ni Tita ng makita ako.


Lumapit ako kila Tita cherry at tito Ruel para magmano. Magulang sila ni Rosher.


"Good evening po." Bati ko pagkatapos ko magmano kay Papa. Pinaupo ako ni papa sa tabi niya kaya sumunod ako.


"Gusto ka nilang makausap." Baling sakin ni Papa. Napatingin naman ako kila tita. Kinakabahan ako sa pag uusapan namin baka makaapekto to sa relasyon namin ni Deanna.



"Hijo kumusta ka na?" Alam kong may gusto silang sabihin pero hinayaan ko nalang sila mag open.

"Okay lang po. Kayo po?" Masyadong tahimik ang paligid namin at ramdam kong mabigat ang atmosphere namin ngayon.




"Dadaretsuhin ka na namin hijo. Kumusta na kayo ni Rosh?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napayuko ako.




"Mahal mo pa ang anak namin?" Hindi ako nagsalita dahil alam kong masasaktan sila kapag sinagot ko yun. Dahil kahit ako hindi ko alam ang isasagot ko.




"Hijo, nakikiusap ako bumalik ka sa anak ko." Nabigla ako sa sanabi nila. Bakit nila ginagawa to?


"Sorry po, may mahal na po akong iba." Hindi ko alam ang naging reaksyon nila dahil umiwas ako ng tingin bago sabihin yun.



"May stomach Cancer si Rosher." Kinatigil ng paghinga ko ang narinig ko kaya napaangat ako ng tingin kila tita. Hindi ko mahanap ang boses ko. Malungkot na ngumiti sakin si Tita.


"Pumunta kami ng States para dun ipagamot si Rosher. Hindi namin alam na sumusuka na pala siya ng dugo noon kaya pala lagi siya mahina at namumutla. Isang araw naabutan namin siya sa kama niya na nakadapa at hawak ang tyan niya habang umiiyak sa sobrang sakit. Pinacheck up namin siya dito sa Pilipinas tungkol sa nararamdaman at dun namin nalaman na may cancer na pala siya." Bakit hindi ko napansin noon? Halos araw araw kami magkasama. Bakit hindi niya sinabi?



"Pinilit namin siya pumunta agad sa states hangga't bago palang ang sakit niya pero nakiusap siya samin na pagkatapos nalang daw ng anniversary niyo. Gusto naming sabihin sayo pero ayaw niya ipasabi. Ayaw niya na mag alala ka sakanya. Hindi mo na ba mahal ang anak ko?" Napaangat ang tingin ko kay tito na kinabigla kong makitang umiiyak siya. Pati si tita umiiyak na din.

"Pagpunta namin sa states nirecommend ng doctor na magpasurgery si Rosher pero takot siya. Sinabi niya na gusto niya muna magpachemotherapy baka kayanin pa daw mawala tutal stage 1 palang naman. Isang taon namin siya pinachemo pero lalo lang lumalala, stage 2. Napagdesisyunan naming ipasurgery na siya. Hinanda namin siya ng tatlong buwan dahil sobrang nanghina ang katawan niya sa chemo. Pagkatapos ng surgery niya nakiusap siya samin na pagrecover ng katawan niya gusto ka niyang makita. Gusto ka niyang balikan dito. Pumayag kami kasi alam namin na emotionally kailangan ka niya. Kanina nakita namin siyang umiiyak sa kwarto niya. Pinagsisisihan daw niya na umalis siya. Hindi namin alam ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Alam niyang kailangan niya bumalik sa states para magpachemo ulit pero ayaw na niya. Alam naming ikaw ang dahilan. Kailangan niya magpachemo para maalis ang natitirang cancer cell niya sa katawan. Pero ayaw na niyang lumaban ulit. Hijo, nakikiusap ako kailangan ka ng anak namin ngayon. Samahan mo naman siyang lumaban."

Dare or ConsequenceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant