20

4.5K 120 6
                                    

Deanna's POV

"Himala wala akong Samuel na nakikita ngayon." Bungad sakin ni Mary ng magkasalubong kami sa hallway. Monday ngayon FS namin.


"May kailangan daw siyang puntahan." Kibit balikat kong sagot sakanya.



"Himala may inuna bago ikaw." Biro ni Mary.



"Sige na. Kita nalang tayo maya sabay tayo nila lyn maglunch ha." Paalam ko sakanya bago pumunta sa highschool building dahil dun ang FS ko, siya naman ay sa elementary building.











- - -
"Ang aga ng break mo." Sabi ni John bago umupo sa tabi ko. Nandito ako sa corridor ng elementary hinihintay ko sila nila Mary.



"12:20 lunch ng highschool. Bumalik ka na dun. Baka pagalitan ka." Taboy ko kay John dahil FS din niya kasama nila Mary pero mas gusto pa niyang tumambay dito sa corridor kesa magFS.










"Susunduin ka ba ni Samuel?" Tanong sakin ni Mary habang naglalunch kami.


"Hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi, siguro hindi." Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.



"Mayang uwian natin SM tayo?" Tanong ni Lyn habang naglalakad na kami pabalik sa school dahil patapos na ang break namin.



"5pm out natin. Negative ako." Sagot ni Mary. Bumaling naman sakin ang tingin ni lyn na naghihintay ng sagot.




"Sorry guys. May lakad na ko maya magkikita kami ng kaibigan ko." Sagot ko. Nagmessage kasi kanina si Anne na magSm kami pumayag naman ako dahil wala naman akong ibang lakad.




"Ikaw John?" Baling nito kay John pero nagsabi ito na may date daw siya. Kaya nakasimangot si Lyn bago ako humiwalay sakanila.



---
"Class, next week may quiz ha." Paalala ni Maam Elma bago kami palabasin.


"Deanna." Napalingon ako kay keveen ng tawagin niya ko. Si keveen kay kaklase ni Samuel sa educ tech 2.



"Bakit hindi pumasok si Samuel? Nakabili na ba siya ng book na kailangan namin?" Nagtatakang tiningnan ko siya.


"Hindi siya pumasok?" Tumungo sakin si Keveen.

"Hindi naman palaabsent si Samuel. Wala siyang sinabi sakin na hindi siya makakapasok ngayon. And wala din akong idea kung nakabili na siya ng book. Pero tatanungin ko siya kapag nagkausap kami." Nagpaalam naman agad si Keveen dahil nagmamadali siya at may next class pa daw siya.





'Babe, bakit di ka pumasok? okay ka lang ba?' sent! Sana nagsasabi kasi kung hindi papasok para hindi ako nag aalala.





Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko.

'Babae, san ka na? Dito na ko food court.' message ni Anne. Agad naman akong nagsend ng papunta na.






- - -

"Buti naman mag isa ka lang. Akala ko ihahatid ka na naman ng boyfriend mo hanggang dito." Umupo na ko sa harap ni Anne. Tuwing magkikita kasi kami ni Anne after class ay hinahatid ako ni Samuel.





Nagulat ako ng may biglang may naglagay ng milktea sa harapan namin ni Anne. Pagtingin ko sa taong naglagay ay nakangiti siya sakin.


"Hi, binili ka na din namin kasi sabi mo papunta ka na. Patabi ha." Nakangiting sabi ni Jema.



Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now