22

4.1K 101 5
                                    

Deanna's POV

Sa wakas makakakain na ko!

"Lawak ng ngiti natin Deans ha." Bumaling ako sa kaharap ko at ngumiti ng mas malawak pa. Feeling ko eto yung tinatawag nilang ngiti abot tenga.



"Gutom na kasi talaga ako. Buti nalang pala free ka. Si Anne kasi nasa work daw siya kaya di niya ko masasamahan. Yung mga kaklase ko naman may mga lakad kaya di ko na nayaya." Sabi ko bago nagsimulang kumain.



"So option lang pala ako." Napatigil ako sa pagkain at napatingin sakanya na kasalukuyang inaayos ang kakainin niya.


"Hala hindi naman sa ganon Jema. Gusto rin kitang kasama kaya tinawagan kita. Sorry kung ganon labas sayo. Promise hindi yun ganon." Sabi ko pagkatapos ko uminom ng tubig para madefend ang sarili ko. Masaya ako kapag kasama ko si Jema kaya gusto ko siyang kasama.


Nginitian naman niya ko bago kumain. Kaya talo talo muna kami. Walang kibuan hanggang sa matapos kaming kumain.

"Bakit hindi nga pala yung boyfriend mo niyaya mo?" Tinapos ko muna ang pagpupunas sa bibig ko bago sumagot.


"May dalawang subject pa siya e. Pero susunod naman daw siya dito. Tamang tama papakilala kita." Kay Anne ko palang kasi napapakilala si Samuel noong nanliligaw palang ito kasi madalas sa bahay si Anne.




Pumunta kaming karaoke hub at dun kumanta ng kumanta si Jema. Pinipilit niya kong kumanta kaya kumanta ako ng dalawang song lang and yung mga remaining na oras namin ay sinulit niya. She really love to sing. Isa sa mga passion niya.



Pagkatapos namin sa karaoke hub ay tumambay na kami sa food court.



"Ano nga pala pinunta mo dito? Trip mo lang gumala?" Baling ni Jema sakin at binalik ang tingin sa cellphone niya.

"Nope. May binili akong book." Sabi ko sabay labas din ng phone ko.



"Deans tingin ka dito." Napaangat ang tingin ko sakanya. Nakita kong nakatapat sakin ang phone niya malamang nagvivideo to o namimicture. Tinago ko yung mukha ko sa phone ko.




"Deans alisin mo. Picturan kita dali." Natawa nalang ako sakanya pero nakatago pa rin ako. Nakita ko namang binaba na niya ang phone niya.




"Nakakainis ka naman. Picture lang e." Nakasimangot na sabi niya na lalo kong ikinangiti.



"Jema, tingin ka. Smile." Napaangat naman ang tingin niya sakin at nakitang nakafront ang camera ko at nakaready na kong magpicture kami together. Agad naman siyang nagsmile kaya kinilick ko na.





"Patingin ako." Sabay lahad ng kamay niya sakin. Agad ko namang inabot sakanya ang phone ko.

"Hihi. Ang cute natin. Send mo sakin sa messenger ha." Tumungo naman ako ng ibalik niya sakin ang phone ko.



"Andaya mo kapag sa phone mo okay lang. Pag sa phone ko ayaw mo. Maganda pa rin naman tayo kahit dito sa phone ko no." Napailing nalang ako habang nakangiti sakanya. Ang gaan talaga kapag kasama ko siya lalo na't okay na kami.


Tumunog ang phone ko kaya nabaling dun ang tingin ko.

'Babe, Sm Sta.Rosa ka pa po?' Agad ko namang nireplyan.

'Opo. Tapos na klase mo?' Sent!

'Yup. Puntahan na kita dyan. Send mo nalang sakin kung san ka specific. See you babe.' Agad ko namang sinend kung nasan ako at sinabihan siya na mag ingat. Sana magkasundo sila ni Jema. Si Anne kasi ayaw kay Samuel.


- - -
A/N: Para sa mga napaasa sa Author's note ko kanina. Nakabawi na ko ha. hahahahah

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now