36

4K 120 7
                                    

Deanna's POV

"Any question class?" Pinagmasdan ko ang klase ko.

"Yes Chloe?" Isa siya sa mga student ko na likas na matanong. Sabi nila kapag matanong daw ang bata paglaki matalino kasi maraming alam.



"Teacher, kailangan po ba talaga namin aralin yan? Ang hirap hirap ng division." Hindi ko alam kung maaawa o matatawa ako sa tanong niya. Mga bata nga naman.




"Chloe need niyong matutunan ang basic operations sa math. Example di ba big girl ka na?" Tumungo naman siya. kaya pinag patuloy ko.


"Ikaw na ang bibili ng snack mo sa tindahan. Pano mo malalaman if right ang sukli mo kung hindi ka marunong magminus? Pano kapag marami kang binili na snack mo? Dapat marunong ka magtimes o magAdd para alam mo kung magkano ibabayad mo. At yung hirap ka na division is mahalaga rin para alam mo kung ilan lang yung kaya ng pera mo. Kunwari si mama mo binigyan ka ng 50 pesos sabi ibili mo lahat yun ng tinapay. 10 pesos isang tinapay. Ngayon magdidivide ka kung ilang tinapay ang kasya sa 50 pesos mo. Naintindihan mo chloe?" Napangiti naman siya sa pagpapaliwanag ko.


"Yes teacher." Napangiti naman ako. Natutuwa ako kapag alam kong natututo ang mga students ko. Meron fulfillment sa part ko as a teacher.




"Class did you understand?" Tahimik naman sila through out the discussion but the thing is hindi ko alam kung naintindihan ba nilang lahat o sadyang mga lutang sila. Pero ang mahalaga naman 75% ng mga student mo ay nakaintindi.





"Yes teacher!" Teacher Deanna. Dalawang taon na rin simula ng magturo ako dito sa isa sa mga private school dito sa San Pedro.






"Okay Class enjoy your Christmas vacation. See you next year." Pagkasabi ko nun ay nagkagulo na naman ang mga bata. Typical type of students.





"Teacher Christmas party na namin bukas! Yehey!" Sabi ng Renzo habang nililigpit ko ang gamit ko. Hinarap ko naman siya pagtapos kong mag ayos.






"Wow naman. Mag enjoy kayo sa mga palaro bukas ni Teacher Sarah ha." Si teacher Sarah ang class advisory nila. Pagkatapos nun ay nagtuloy na ko sa faculty.







"Hi Ma'am Deanna." Bating bungad sakin ni Ma'am Mary. Magkasabay kaming grumaduate at nakapasa sa LET exam. Nakakatuwa at magkasama rin kami sa work.



"Hello po mga Ma'am and Sir." Bati ko sa lahat ng papunta ako sa table ko.




"Anong mga balak niyo sa Christmas vacay natin? 20 days rin yun." Tanong samin ni Sir Allan isa sa mga science teacher namin. Nandito kami sa long table magkakasama.






"Pahingaaaaa. Mahaba habang pahinga sa wakas!" sagot ko sakanya.




"Sobrang pagod ba sa mga bata? Junior Highschool at elem kasi may tinuturuan ka. Ayaw mong bitawan yung elem?" Sabi ni Sir Allan. Grade 3 and 4 kasi ang hawak ko sa elementary. Sila ang last class ko, elem. Grade 3 ang pinakalast.



"Pagod talaga. Pero okay lang. Masaya namang turuan ang mga bata." Humaba na ang usapan namin halos lahat samin ay iisa lang ang plano. Magpapahinga.









- - -

"Hi Ma." Naabutan ko si Mama na nanonood ng tv. Housewife na siya ngayon. Si papa nalang ang nagwowork pagkagraduate ko. Pagkatapos ko magmano ay dumaretso na ko sa kwarto ko. Inayos ko ang mga gamit ko. Nag ayos na rin ako ng katawan ko.









"Ma, nasan si Papa?" Baling ko kay mama pagtabi ko sakanya dito sa sala.




"Nasa office pa. Malalate daw siya ng uwi. Mauuna na tayong kumain." Sabi ni mama ng ioff niya ang tv. Dumaretso na siya sa kusina kaya sumunod na rin ako.







"Christmas break niyo na?" Tanong ni Mama habang kumakain kami.

"Opo Ma. Sa 5 pa balik namin. 20 days break." Nang matapos si Mama ay hindi pa rin siya tumatayo sa inuupuan niya. Nakamasid lang siya sakin.






"Bakit Ma?" Naramdaman kong humugot ng malalim na hininga si Mama bago magsalita.




"Masyado mong binubugbog yang katawan mo sa work mo. Nagkausap na ba kayo ulit?" Napahinto ako sa pagkain at napaangat ang tingin ko kay Mama na nasa harapan ko.







"Ma." wala na kong balita sakanya.





"Anak, three years na. Sige na. Bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong makita ulit siya hindi yung puro ka work." Nakangiting sabi ni Mama sakin.





"Kaya nga! Baka naman kasi may iba na. Siya pa rin ba anak?" Napabaling kaming dalawa ni Mama sa bungad ng kusina dahil andun ang nagsalita, si Papa.






Pagkagraduate nagreview agad ako at kumuha ng LET exam. Thanks God at nakapasa naman ako sa unang take ko. Pagkabalita ko nun kila mama ay dun rin ako umamin. Takot na takot ako nung hindi ko nakitaan ng ngiti sila mama at papa nun. Napakaseryoso nila. Anim na buwan. Oo anim na buwan bago kami ulit nagkausap ng maayos. Humingi sila ng tawad kasi nahirapan silang tanggapin kahit na pansin naman daw nila noon pa. Mahirap pero kinaya ko yung takot umamin sakanila kasi ayoko ng mangyari yung noon. Na hindi ko kayang ipakilala ang taong mahal ko sa mga magulang ko. Ayokong dumating ulit sa point na mapagod ulit ang taong mahal ko kakahintay kung kailan ba ako magiging matapang.





"Pa, siya pa rin." Pinagmasdan ko ang reaksyon nila. Pareho silang nakangiti sakin. Ang gaan ng atmosphere namin. Ang saya.




"Ano pang hinihintay mo? Tapos ka ng kumain di ba? Puntahan mo na." Sabi ni Papa. Nagtataka naman ako habang inaayos ko ang pinagkainan namin ni Mama.





"Pa, pagod ako. Tsaka 7:32pm na o." Turo ko sa wall clock namin. Wala pa kong pahinga.



"Dun ka na matulog. Balita sakin ng Mama mo ay Christmas break niyo na. Sige na. Bukas ka nalang umuwi dito." Sabi ni Papa habang kumukuha ng pagkain.






"Pa, pinapalayas niyo na po ba ako?" Sabi ko pagkatapos ko magsupilyo. Natawa lang si Mama sa reaksyon ko.






"Parang ganon na nga anak." Napasimangot naman ako. Hindi naman napigilan ni Papa na tumawa rin kasabay ni Mama.





Unti unti nawala ang pagsimangot ko. Pinagmasdan ko silang tumawa at makitang maging masaya. Napansin naman nilang nakatingin lang ako sakanila kaya tumigil sila at tiningnan ako.








"Sige na anak. Puntahan mo na."

- - -
A/N: Fastforward na natin lahat guys. Sorry kung nagmamadali si author 😂

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon