14.5

4.5K 102 2
                                    

Deanna's POV

"May tanong ako Deanna." Agaw pansin sakin ni Anne habang naglalakad kami papunta sa kanila. Dun muna kami tatambay dahil mag isa lang siya sakanila.



"Seryoso ka na ba kay Samuel?" Napatingin ako sakanya ng itanong niya yan. Ng malaman niyang kami na ni Samuel ay hindi siya natuwa. Hayagan niyang sinasabi at pinapakita na ayaw niya kay Samuel para sakin.




"Hindi ko naman siya sasagutin kung hindi ako seryoso." Nakatingin ako sa dinadaanan namin. Dalawang buwan na kami ni Samuel. Sinagot ko na siya 1 week pagtapos ng birthday ko. Tuwang tuwa sila Papa lalong lalo na si Mama dahil may boyfriend na daw ulit ako. Ang tagal daw nila naghintay para dun.




"Hindi kaya naprepressure ka lang? Kasi naghahanap na ng boyfriend mo yung mga taong nasa paligid mo? Hindi kaya nagpapadalos dalos ka lang." Gusto kong umiwas sa tanong niya pero natamaan talaga ako. Naprepressure nga ba ako?




"Deanna, hindi ko kasi maramdaman na mahal mo siya. Taliwas sa sinasabi mo yung mga kinikilos mo. Iba kasi eh. Ibang iba." May pag iling pa na sabi niya habang binubuksan yung gate nila.





"Panong iba?" Tanong ko ng makapasok na kami sakanila.




"Iba ka kapag si Jema ang kasama mo. Dun kitang kita ko na mahal na mahal mo siya noon. Pero dito sa bago mo, hindi ko maramdaman yang pagmamahal na sinasabi mo." Natahimik ako sa sinabi niya. Tumayo naman siya at pumunta ng kitchen nila.





Pagbalik niya ay may juice at snacks na siyang dala.





"Ano bang nangyari sainyo ni Jema? Alam kong matagal na kayong tapos pero hindi ko kasi alam bakit kayo nagbreak." Nakatingin siya sakin habang kumakain ng nova.




"Nagsimulang masira yung relationship namin ng naguluhan ako, ng natakot ako."



Flashback

Nandito sa bahay si Sarah at Jema. Magkatabi kami ni Jema habang nasa katapat namin si Sarah na gumagawa ng worksheet. May binabalance kami na account para sa accounting namin. Practice set ang sinasagutan namin. Every end ng sem may practice set na pinapasagutan ang department namin na kailangan maipasa bago mag end ang sem.



"Pano to?" Turo ko sa isang account. Hindi ko alam kung anong account ang ilalagay. Sumilip ako sa gawa nila.




"Ganito." Sabay turo ni Jema sa ginawa niya. Mas lalo akong lumapit sa kanya at hindi naiwasan na humawak ang kaliwang kamay ko sa bewang. Nakasanayan na namin na ganito kami kaclose kasi kami naman. Ganito kami sa school. Ganito din kami kapag nagdadate. We're secretly in relationship, but our action speaks out at all. Kaya maraming nanghihinala, nagtatanong, nagdududa. Pero ni isa wala kaming inamin o sinagot. Naconfuse sila sa mga kilos namin na halos magPDA na pero ganon talaga kami kashowy sa isa't isa.





Nangmapansin niyang nakahawak ako bewang niya ay tiningnan niya ko at natawa siya.




"Bakit?" natatawang sabi ko pa sakanya sabay lapit pa na mahihiya na ang hangin na pumagitna samin.





"Wala. Pagtapos mo isulat dito, dito naman sa isa. Ito invoice account to." May pinapakita pa siya at tinuturo turo. Tumutungo tungo naman ako.





Kapag kami magkasama nawawalan ako ng pakialam sa paligid ko. Focus ako sakanya. Kaya noon habang magkasama kami may tumatawag na pala sakin na kaibigan ko hindi ko napansin kasi wala akong naririnig at nakikita kundi si Jema lang. Weird man pakinggan pero maniwala kayo totoo. Yung kapag masyado kang masaya sa taong kasama mo para sayo siya lang nakikita at naririnig mo.






Pagtapos naming gumawa ng practice set ay 5:34pm na kaya hinatid ko na sila para umuwi.




"Ma, uwi na daw sila." Kuha ng pansin ko kila Mama dahil andito din sila sa sala.




Lumingon naman sila ni Papa at ngumiti sa mga kasama ko.



"Alis na po kami, salamat po." sabi ni Jema at Sarah. Habang nakatayo at ready ng umalis.




"Sige ingat kayo." Sabi nila Mama.



"Hatid ko lang sila." Paalam ko at sabay sabay na kami lumabas ng bahay. Habang naglalakad ay nakaalalay ako sa bewang ni Jema. Nakasanayan na.





"Dun sakayan. Sakay na kayo." Turo ko sa may pila ng tricycle samin.




"Bayan po." Sabi ko sa tricycle kaya sumakay na si Sarah.



"Text mo ko kapag nakauwi ka na, iingat." Paalala ko kay Jema. Ngumiti siya at tumungo sakin bago sumakay.







Pagbalik ko sa bahay ay nanonood pa rin sila Mama ng tv. Pataas na ko ng hagdan ng tawagin ako ni Mama. Nakaisang hakbang palang ako.






"Tomboy ka ba?" Tanong ni Mama na kinabigla ko. Kinabahan ako. Natakot ako. Parang anytime maiiyak ako sa takot. Shit! Self relax!






"Hindi! Ano ba yang tanong na yan!" Padabog na pagrereklamo ko. Ayokong ipahalata na totoo. Naggalit galitan ako sa naging tanong ni Mama. Parang pinakita kong nainsulto ako. Kaya dumaretso ako sa kwarto ko.





Dito ko narealize na hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang panindigan si Jema. Paano ko ipagpapatuloy tong relasyon namin kung naduduwag ako na masaktan ko yung family ko, naduduwag ako sa magiging reaksyon nila at mga salitang bibitawan ng family ko tungkol sa relasyon namin ni Jema.


'Napakaduwag mo Deanna.' Umiiyak na pagkausap ko sa sarili ko.






Nangmahimasmasan ako ay lumabas ako ng kwarto ko.





"Sinasabi ko sayo tomboy ata yan!?" Halata ang pandidiri sa salita niya ni Mama. Naririnig ko sila dito sa taas kahit mahina lang ang pag uusap nila.



"Hindi. Nagkaboyfriend yan noon." Sagot ni Papa. Yup nagkaboyfriend ako noong 4th yr highschool ako pero bata pa daw kami kaya pinaghiwalay kami ni Papa. Sinabihan nila akong ibreak yun, bilang masunuring anak sinunod ko sila. Ayokong madisappoint sila kaya sinunod ko. Natatakot akong magkamali. Hanggang ngayon takot pa rin ako.






Hindi ko na pinakinggan ang pinag uusapan nila at bumalik na sa kwarto ko. Masakit na pamilya mo pa ang unang huhusga sayo. Sila pa mismo ang unang mandidiri sayo.









Nagulo ang isip ko. Na pati ang relasyon namin naapektuhan.





"Samahan mo ko kila Jema." Pakiusap ko kay Anne. Tinitingnan ako ni Anne.



"Anong balak mong gawin?" Tanong niya na parang kapag nagkamali ako ng sagot ay hindi siya papayag.



"Hindi ko alam." Umiiling na sabi ko habang nakayuko.


"Gusto ko siyang makita." Tiningnan ko siya ng nakikiusap. Tumungo naman siya bilang pagsang ayon.





Nang makarating kami kila Jema ay parang gusto kong umiyak. Naguguluhan na ko. Mahal na mahal ko si Jema pero hindi niya deserve to. Hindi niya deserve yung tinatago. Hindi niya deserve yung tinatanggi. Ang tanga tanga ko para guluhin yung tahimik niyang mundo. Hindi deserve ni Jema yung masaktan.





Kung magstay pa ko, lalo ko lang siya masasaktan.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now