17

4.2K 99 1
                                    

Deanna's POV

"Surprise!" Pinagmasdan ko ang nasa lapag na mga rose petals. Sinundan ko ng tingin hanggang sa makita ko ang table for two.

"Babe, nagustuhan mo ba?" Napalingon ako sa paligid namin. Ang romantic. Nagkalat ang mga petals at red balloons. Nasa close area kami ng isang restaurant, parang private event lang ang ginagawa dito.



"babe?" Napalingon ako kay Samuel.


"Ang ganda." nakangiting sabi ko sakanya. Naramdaman kong napayakap siya sakin sa likuran. Backhug.

"Happy 3rd monthsary babe." Bulong ni Samuel sakin. Kinalas na niya ang yakap sakin pero naramdaman ko namang may nilagay siya saking kwintas. Hinawakan at tiningnan ko ang kwintas.


"Singsing?" Nabigla ako ng makita kong singsing na ang nakalagay sa kwintas na pendant. Humarap sakin si Samuel at hinawakan ang mga kamay ko.



"Deanna, sigurado na ko sayo." Biglang kinabahan ako ng sabihin niya yun. Masyadong mabilis para makasigurado na siya na ako na talaga.


"Yang singsing na yan simbolo yan ng kasiguraduhan ko sayo. Kapag stable na tayo. Kapag tapos na tayo mag aral. May trabaho na tayo at may ipon. Papakasalan na kita." Hinila ko ang kamay ko sa hawak niya. Nakita kong gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. Pero iniwas ko agad ang tingin ko at naglakad ako papunta sa table namin. 20 yrs old palang kami. Masyado siyang mabilis at padalos dalos.





"Tara na, nagugutom na ko." Lumingon ako sakanya ng makaupo na ko. Ngumiti naman siya sakin at nagtungo na sa harap ko.






"Thanks sa gift mo. Sabi ko naman sayo hindi mo na ko kailangan bigyan ng regalo tuwing monthsary natin. It is not my thing." Sabi ko sakanya pagtapos namin kumain.



"Sabi ko rin naman sayo di ba, nung 1st monthsary palang natin na hayaan mo kong iparamdam at ipakita sayo kung gaano kita kamahal. Yung pagbibigay ko sayo ng gift is kagustuhan ko yun. Kaya babe, hayaan mo nalang ako." Nung 1st monthsary namin ay binigyan niya ko ng human size na stufftoy. 2nd monthsary ay binigyan niya ko ng relo.

Niwala pa ko nabibigay sakanya. It is not my thing to give, except to one person. Jema is always an exception. I know na tapos na ang part ko kay Jema pero  I have this feeling na ayaw ko lang gawin sa ibang tao yung bagay na ginawa ko sakanya.






"Nagkagirlfriend ka na ba before?" Tanong ko after namin kumain.



"Yup. Nagkagirlfriend na ko before, isa." Sagot niya tsaka tinitigan ang wine niya. May rights naman siguro akong alamin yung past niya.


"Gano kayo katagal?" I'm just curious.



"4 yrs." Nakangiting baling niya sakin. 4 yrs? Wow.


"If it's okay to ask. Anong nangyari? Like four yrs, ang tagal nun. Ang hirap tumagal ng four yrs It means mahal niyo talaga ang isa't isa." The way I talk to him is like I'm not his girlfriend but a friend. Hindi naman sa lahat ng oras kailangan mong magpakagirlfriend minsan maganda din sa relationship yung para kayong magkaibigan.




"She left me without any warning." Umiwas siya ng tingin pagkasabi niya. Dahil napakatransparent ng emosyon ni Samuel ay madali siyang basahin. Nasaktan siya. And I guess hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya.



Pareho kami na pumasok sa isang relasyon na hindi sigurado. Gusto niyang ipakitang okay na siya. Na ako na talaga. Pero somehow I know na may part pa rin sakanya ang ex niya.




"Anong inisip mo ng iniwan ka niya?" Now I have this feeling that I want to know his past.


"Iniisip ko noon na baka nagkulang ako kaya bigla niya kong iniwan. Na baka hindi na siya masaya. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko na siya mahanap." Pareho kaming natahimik sa sinabi niya.




"Kaya mo ba to ginagawa? I mean yung ganito. Pakiramdam ko sobrang effort mo. Iniisip mo ba na baka iwan din kita?" Yumuko siya.




"Sorry. Ayoko kasing iwan mo din ako. Mahal kita deanna. Mahal na mahal." Nakita kong nababasa na ang nasa tapat na table niya, umiiyak siya.









Tumahimik siya. Emotionally drained na siguro siya.



"Babe, I think we need to go home na. It is 6:47pm already." Basag ko sa katahimikan namin sabay tayo. Sumunod naman siya saking tumayo.












---

"Happy monthsary babe. Thank you again for this." Sabi ko sabay hawak sa kwintas.


"Happy monthsary again babe. Sige na, pasok ka na muna sa gate niyo bago ako aalis." Sabi niya sakin kaya pumasok na ko sa gate namin.




"Ingat." Sabi ko bago siya tumalikod.





"Kumusta celebration niyo?" Bungad sakin ni Mama ng makapasok ako sa bahay. Kakalabas lang nila sa kitchen ni Papa. Satingin ko ay kakatapos lang nilang kumain.





"Okay lang Ma. Taas na po ako." Sabi ko. pumunta na ko sa kwarto ko pagkatapos akong ngitian ni Mama.






Nakahiga na ko sa kama pagtapos ko mag ayos. Surfing lang sa internet.



Nagpop out ang mga message ni Samuel sakin.

'Babe, nakauwi na po ako.'

'Babe, may lakad ako kasama mga kaibigan ko. Okay lang po ba? pero di pa alam kung kailan.'

Bakit kailangan pa kong tanungin? Kaibigan niya yun. Ano namang pagbawalan ko siya?


'Okay lang.' Sent ko sakanya. Tinabi ko na sa mesa ang phone ko.













- - -
"Ano na deanna? Nasan na ba ang boyfie mo?" Nakasimangot na tanong sakin ni Anne habang kinakalikot ang phone niya. Palinga linga naman ako dahil hindi pa ko tinetext ni Samuel kung asan na siya.



Nandito kami ngayon ni Anne sa food court ng Sm Sta.Rosa. Nagsabi si Samuel sakin na susunod daw siya dahil may bibilin siyang book.





"Hindi ko alam. Wala pangtext eh." Tinitigan ko nalang ang phone ko. Nakailang text na ko sakanya wala pa ring reply.








"Nako ha! Kaka3rd monthsary niyo palang kahapon tapos MIA na agad yang boyfriend mo." Hindi ko nalang pinansin si Anne dahil naiintindihan ko naman kung bakit siya nagrereklamo na kasi mahigit 30 minutes na kami naghihintay kay Samuel.


Last text niya sakin ay 11am pa na nagsasabing 2pm siya susunod dito para may oras kaming magkaibigan na magbonding since 10am naman kami nagkita dito ni Anne. Pero 2:34pm na wala pa siya.







"Hi." Napatigil ako sa pag iisip kung itetext ko si samuel ng marinig ko ang boses na yun.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now