23

4.1K 109 7
                                    

Deanna's POV

"Babe." Tawag niya paglapit niya sakin. Napaangat naman ang tingin ni Jema samin kasi nakatutok siya kanina sa phone niya.


"Babe si Jema nga pala friend namin ni Anne." Baling ko kay Samuel to Jema.



"Jema si Samuel boyfriend ko." Baling ko naman kay Jema to Samuel.



"Hi Jema." Nginitian naman ni Jema si Samuel.



"Upo ka." Sabi ni Jema kay Samuel. Umupo naman siya sa tabi ko.



"Anong gagawin mo dito? Sumunod ka pa." Baling ko kay Samuel.





"Wala lang. Gusto kitang ihatid mamaya kapag pauwi ka na. Pambawi ko na din sa mga promises ko na hindi natupad tuwing may lakad tayo tapos biglang may kailangan akong asikasuhin. Sorry." Nginitian ko siya na nagpapakitang okay lang. Tapos na naman yun. Wala na akong magagawa. Kapag nagalit baka makasira lang yun ng relation namin. Gusto ko din naman magwork to.




"Thirdwheel here!" Napalingon kami kay Jema na winewave pa ang right hand niya samin.



"Sorry naawkward ka ba?" Baling sakanya ni Samuel.



"Hindi okay lang. Sanay na kong maging thirdwheel kasi mga kaibigan ko in a relationship din." Ngiting sagot sakanya ni Jema.




"Single ka?" May pagkabigla na tanong ni Samuel kay Jema. Tumungo tungo naman si Jema.




"Talaga? Maganda ka, di halatang single ka." Dagdag pa ni Samuel. I agree, maganda naman talaga si Jema lalo na't lagi pang nakasmile.


I wonder bakit pa siya pinakawalan ni Mark at ang mas nakakapagtaka pa mukhang closefriend niya yung gf ni mark ngayon. Maayos siguro ang hiwalayan nila kaya nasalba nila yung friendship.




"Kaya mo siguro napasagot si Deanna dahil magaling kang mambola no?" Biro ni Jema. Natawa naman kami ni Samuel.




"No po. I guess kasi napapasaya ko yung kaibigan mo kaya niya ko sinagot. And also kasi hindi ako sumuko kahit paulit ulit niya kong binusted before. Basta naman mahal mo hindi mo susukuan di ba?" Bumaling sakin si Samuel habang sinasabi niya yun. Nginitian ko naman siya.




"Siguro. Pero darating din siguro sa point na kailangan mo ng bumitaw at sumuko kahit gaano mo pa kamahal kapag hindi mo na talaga kaya. Kapag pakiramdam mo durog ka na at hindi mo na makilala ang sarili mo." Napabaling kami ng tingin kay Jema. Napatingin ako sakanya kasi parang may laman yung mga sinabi niya. Pero agad ko ring binura yun sa isipan ko. Malabo naman na yung past namin tinutukoy niya kasi pareho na kaming okay. Dapat pareho na kaming okay.

"Charot lang!" Natatawang sabi ni Jema kaya napangiti naman ako.

"Makatingin kayo sakin para akong isang bugtong na hindi niyo alam ang sagot." dagdag pa niya.




"Ang deep kasi ng sagot mo. May pinaghuhugutan?" biro ni Samuel sakanya.


"Mema lang yun." Natatawang sagot ni Jema.


"Parang familiar ka sakin? Nagkita na ba tayo before?" Out of nowhere na tanong ni Samuel kay Jema. Tinitigan naman mabuti ni Samuel si Jema.



"Alam ko na! Ikaw yung nagthank you sakin nung pauwi na ko. Alam ko galing kami nun ni Deanna sa MOA kasi nanood kami ng Favorite team niya. Then pagkahatid ko kay Deanna bigla kang sumulpot at nagthank you. Ang weird mo nun. Bakit ka nagthathank you nga pala?" Ikinabigla ko ng malaman ko yun. Si Jema nagthank you kay Samuel noon? Eh nihindi nga sila magkakilala before.





"Ha? Hindi ko matandaan yun. Sure ka bang ako yun? Baka nagkakamali ka lang." Nabaling naman ang tingin ko kay Samuel na nag iisip.


"Hmm siguro nga baka nagkamali lang ako. Madilim na rin kasi nun. Sorry napagkamalan kita." Nahihiyang Napakamot pa sa batok si Samuel.




"Okay lang." Nakangiting sagot ni Jema.





"Babe I'm sorry to say this pero okay lang ba kung mauna na ko? May nagtext kasi kailangan kong puntahan." Napalingon naman ako kay Samuel na kasalukuyang nakatingin sa phone niya. Kakadating lang niya alis agad? Akala ko ba nabawi siya?



"Ha? San ka naman pupunta?" Nagtatakang baling ko sakanya. Napansin ko namang nag aalangan siya magsabi ng umilaw ulit ang phone niya at tumingin ulit dun. Tumayo na siya agad.


"Sorry babe magpapaliwanag ako pero wag muna ngayon ha. I really need to go." Sabi niya sakin. Then bumaling naman siya kay Jema.




"Jema nice meeting you. And ikaw muna bahala kay Deanna ha. Una na ko." Hindi na niya hinintay ang sagot namin at nagmadali na siyang umalis. Nagtatakang nagkatinginan kami ni Jema.




"Bakit nagmamadali yun? Halos mamutla na boyfriend mo kanina bago umalis." Nagkibit balikat naman ako.


"Hindi naman ganon yun bigla bigla nalang naalis at nagmamadali pa. Nagpapaalam yun ng maayos at hihintayin muna ang sagot ko bago umalis yun noon. Pero this past few days parang ang weird niya. Pero baka may importante lang talaga siyang inaasikaso." Naguguluhang baling ko sakanya.



"Mas importante pa sayo?"

- - -

Jema's POV

'Galing mo talagang magpretend Jema! Harap harapan na ha! Live pa! Proud of you, self!' Cheer ko sa sarili ko.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now