Nine

5.3K 157 2
                                    

Deanna's POV
After namin manood ay nagsipagready na kaming matulog. Si Anne naman ang katabi ko ngayong gabi. Habang si Jema ay sa sofa naman.



"Goodnight guys!" Sabi ni Anne sabay hilata na sa kama ko.



"Goodnight!" Sabi ni Jema habang nag aayos pa sa sofa. Susubukan kong maging hanggang kaibigan nalang ang maramdaman ko sayo. Hanggang dito nalang.




"Goodnight!" Sabi ko habang nakapikit na.

'Deanna may bukas pa to make yourself feel better!' Cheer ko sa sarili ko.



- - -

Monday na! Maaga akong nagising dahil may Field Study ako ngayon. 7-3pm ang time ko dun, tamang tama makakaiwas ako kay Jema dito sa bahay.



"Oh Deanna agang magising ha." Papalapit na sabi ni Anne. Andito ako ngayon sa Dining table at hinahanda na ang almusal namin. 6:12am na kailangan na magmadali para di malate.



"Tamang tama dating mo Anne. Patapos na ko dito, pakitawag naman si Jema para makakain na tayo. Maaga pasok ko now 7am." Sabi ko kay Anne habang nag aayos ng pagkain namin.


Narinig ko naman na papalayo na ang mga hakbang niya. Mga ilang minuto lang ay may nandito na sila.
Nagsimula na kaming mag almusal.



"Anong oras uwi mo?" Tanong ni Anne. Habang patuloy na nakain. May work sila ni Jema.


"Mga 6pm na ko makakauwi 7-3pm ko field study at 3-5pm ko naman Principles of learning. Sa school na ko maglalunch." Sabi ko habang patuloy rin sa pagkain.


"Kayo? May work kayo ha." Sabay tingin ko sakanilang dalawa. Ngayon ko lang napansin na nakaligo na pala si Jema dahil basa pa ang buhok niya.



"5pm pa out ko. Mga 6pm na din ako makakauwi." Sabi niya habang tutok sa pagkain.


"Ganon din ako. Pareparehas pala tayo. Sa fastfood nalang ako bibili ng pangdinner natin." Sabi ni Anne. Tapos na kong kumain kaya nilagay ko na ang pinaggamitan ko sa lababo at hinugasan ko na din.


Pagtingin ko sa phone ko ay 6:40 na.

"Guys una na ko." Lapit ko sakanila sabay beso. Nagmamadaling kilos ko.


"Bye guys. Ingat!" Sigaw ko bago lumabas ng pintuan. Sakay agad ako sa tricycle at pinadaretso ko na sa school para di na ko maglakad pa.





Pagdating ko ng school ay 6:56am na kaya madali akong pumunta sa faculty para maabutan ang cooperating teacher ko.


"Bakit ngayon ka lang?" Salubong sakin ng Cooperating teacher ko na si Sir Chen. Buti nalang palabas palang siya ng faculty.



"Sorry po sir." Sabi ko sabay sunod na sa lakad niya papunta sa unang klase niya ang Grade 8 Gumamela.





Nakatayo ako habang nag oobserve sa strategy na ginagamit ng cooperating teacher ko sa pagtuturo. Minsan naman ay uupo kapag may vacant seat. Hanggang sa maglunch time ganon ang field study namin. Nakasunod kami sa cooperating teacher namin, minsan kapag uutusan kami sa pagsusulat sa board, sa pagbabantay sa mga students, sa pag aattendance, o sa pagpapaquiz nila ay kami ang gumagawa. Nilalagay na kami sa field na tinatake namin.



Bumaba na ko at dumaretso sa tapat ng Grade 2 Emerald dahil ang mga kaklase ko ay dito naassign. Si Mary, Ivy, at John. Sila ang kasama ko sa Field study 2. Sila ate Rhian, Joy, at Issa ay Field study 3 and 4 na every tuesday at thursday. Irregular student ako kaya nagiging kaklase ko sila ate rhian na 3rd year na at sila Mary na 2nd year palang.



Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now