13

4.2K 102 1
                                    

Samuel POV

Ngayong araw alam kong magiging masaya si Deanna. After kong kumain ay nag ayos na ko para makapunta kila Deanna.


"Samuel" Palabas na ko sa gate namin ng mapalingon ako sa tumawag sakin.


"Pa, bakit po?" Nakangiting lapit ko kay Papa. Si papa nalang ang kasama ko dito sa bahay dahil kasama na ni Papa Jesus si Mama.




"Goodluck ha. Iparamdam mo sa mahal mo na special siya. Make her happy as long as you can." Tapik sakin ni Papa sa balikat. Support niya ko kay Deanna. Lahat kinukuwento ko kay Papa kaya open ako sakanya. Alam niya nangyayari sakin. At alam kong masaya siya kung ano man ang nangyayari ngayon.



"Thanks Pa. I love her. Ipapakita't ipaparamdam ko po hangga't pinapayagan niya ko." Nakayakap na sabi ko kay Papa.



"Pa, alis na po ako. Alam kong excited na si Deanna na makita ang mga idol niya. Bye po." Sabay hiwalay ko kay Papa. Nginitian ako ni Papa at tinunguan.




Nang makarating ako sa labas nila ay huminga muna ako ng malalim. 'Samuel ang goal mo ay mapasaya ang prinsesa mo.' Napangiti naman ako ng maisip ko na prinsesa ko siya. Nag iisang prinsesa ko.




"Tita, Good afternoon po." Bigay galang ko kay tita dahil siya ang nagbukas ng pintuan sakin.



"Good afternoon din hijo. Pasok ka muna." Sumunod ako kay tita sa sala. Naabutan namin dun si Tito na nanonood.




"Hijo, tara upo ka dito sa tabi ko." Sabi ni tito. Agad naman akong sumunod sakanya. Umupo agad ako sa tabi ni tito habang si tita naman ay umupo sa kabilang sofa.




"Anong oras mo iuuwi dito ang anak ko?" Baling na tingin sakin ni Tito.



"Before 8pm po sisiguraduhin ko pong nakauwi na dito si Deanna." Nakangiting baling ko kay tito at tita.



"Siguraduhin mo lang talaga Hijo kasi kapag lumagpas dyan sa 8pm na sinasabi mo wag ka ng magpapakita dito." Sana pala 9pm nalang sinabi ko. Tumungo tungo naman ako bilang pagsang ayon. Nakita kong paalis si tita patungo sa kwarto ni Deanna.



"Deanna! Andito na si Samuel. Bumaba ka na." Rinig kong tawag ni tita kay Deanna. Agad ko namang nakita si Deanna na nagmamadaling lumabas ng kwarto niya kaya napatayo na ko agad. Ang sayang makita na ganito siya kasaya na makita ka, pero alam ko naman dahil excited talaga siya. Nakakalungkot man isipin pero okay lang. Ang importante masaya siya.


"Ma! Alis na po kami." Tuloy tuloy na paalam ni Deanna kila Tita. Nauna ng makalabas si Deanna.


"Sige po tita, tito, alis na po kami." Nakangiting paalam ko sakanila.

"Mag iingat kayo ha. Ingatan mo yang anak ko." Tumungo naman ako kay tito. Nakita kong nag aabang na sa labas si Deanna.








"Aray!" Natatawang biro ko sakanya. Tuwang tuwa siya ng makapasok kami sa MOA. Kung pwede lang araw araw ko siyang ipunta dito para makita siya laging ganyang kasaya, kung pwede lang.

'Ma, yung prinsesa ko kasama ko po ngayon.' Nakangiting tingin ko kay Deanna habang nakatanaw naman ito sa mga players na naglalaro.





Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na kong ihatid siya sa kanila. Kung ako lang gusto ko pang patagalin ang oras na kasama siya pero kailangan kong tuparin ang iniwan kong salita sa Papa niya.






"Salamat" Ang gaan ng ngiting binitawan niya sakin.




"Di ba dapat ako yung magthank you?" Inabot ko ang kamay niya. Naramdaman kong nailang siya pero thankful ako na hindi niya hinawi ang kamay ko.




Thank you kasi pumayag kang sumama sakin ngayon. Sobrang nag enjoy ako na nakita kitang masaya habang tuwang tuwa na makita yung mga idol mo. Sobrang saya ko ngayon kasi ako yung kasama mo sa araw na to." Pagkatapos kong sabihin yun ay hinawi na niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kirot sa ginawa niya. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Bakit ba di pa ko sanay? Mas malala pa nga siya dyan noon. Kaya ko pa.




"Sige na. Gabi na. Uwi ka na." Tapik niya sa balikat ko. Daredaretso siyang naglakad pauwi sakanila. Walang lingon lingon. 'Samuel okay lang yan. Pinasaya mo siya.' isip isip ko habang nakatanaw sa bahay nila specifically sa kwarto niya na alam kong andun na siya dahil may ilaw na.




Tumalikod na ko at naglalakad na palayo kila Deanna ng may humawak sa braso ko.




"Hi." Nakangiting bungad sakin ng babae. Nakangiti nga ba talaga siya? Bakit parang ang lungkot lungkot ng mga mata nito? Dinadaya na ata ako ng nakikita ko. Ano bang pakialam ko sa babaeng to? Bakit parang ang lakas ng aura niya na nagsasabing ang lungkot niya kahit nakangiti ang labi niya.





"Sorry." Tinitigan ko siya. Napayuko siya kaya tumalikod na ulit ako at ipagpapatuloy na sana ang lakad ko ng bigla na siyang humarang sa harapan ko.





"Hmmm. Thank you." Sabi niya sabay talikod sakin at naglakad ng mabilis. Mga ilang minuto lang na pagtanaw ko sakanya ay nakitang sumakay na ito ng tricycle palayo.






'Thank you para san?' Nagtatakang pag iisip ko hanggang makauwi ako.



'Sino ba yun?'

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now