Three

6.1K 141 3
                                    

Deanna's POV

Dalawang linggo na ang lumipas ng magkita ulit kami ni Galanza.


"Deanna!" Pagtingin ko sa harapan ko papunta sakin si ate Rhian.





Si ate Rhian ay kaklase ko. Education din ang course niya.







"Ikaw palang?" Tanong niya sabay linga linga.






"Opo. Punta na tayo ng room?" Tumungo siya sakin kaya tumayo na ko at dumaretso na kami sa room.
















"By next week midterm niyo na. Sinabi ko na ang coverage ng exam niyo. Pag aralan niyo nalang. Then after exam magprepare na kayo para sa demo niyo." Tumungo kami pagtapos niya mag explain.






"Class dismiss." Sa wakas tapos na ang klase. Exam week na namin next week kaya magiging busy na ulit.







Biglang nagvibrate ang phone ko.

1 message received

Jema





"Tapos na klase mo?" text niya sakin. Matapos ng pagkikita namin sa SM ay bumalik na ulit ang communication namin.





Alam niya ang sched ko at ganon din ako, alam ko ang sched niya sa work. Madalas niya din ako iupdate sa mga lakad niya. Lagi nga ata. Lagi siyang may text. Inaraw araw yung Goodmorning/ Goodnight. Kaya ako eto nasasanay na naman. Sinasanay na naman niya ko for the past 2 weeks. Gusto ko mang umiwas kaso kapag di ako nagrereply sakanya sa isang buong araw ay tatawag ng tatawag yan sa gabi para lang malaman kung okay lang daw ba ako.






Tinanong ko na siya noon kung bakit niya ginagawa na naman ito. Itong sinasanay ako.






*Flashback

Pauwi na ko, magkasama kami ni Jema ngayon dahil ihahatid daw niya ako hanggang savemore ng san pedro. Imagine guys galing kaming Sm Sta.Rosa pero nagpupumilit siya na ihahatid daw niya ako hanggang San Pedro.


Habang nasa jeep kami sa unahan kami nakasakay.

"Jema di mo naman kailangan gawin to. Gagabihin ka pa tuloy." Nafrufrustrate na sabi ko sakanya. Kasi naman 5:30pm na. 2pm palang magkasama na kami dahil may kasunduan kami na magbonding ngayong sabado. Free siya dahil hanggang Friday lang ang work niya. Monday to Friday. Ako naman ay 1 ang tapos ng klase ko.


"Paulit ulit ka naman Deanna eh! Sabing okay lang. Hayaan mo nalang ako, okay?" Tumingin nalang ako ng daretso sa jeep at tumahimik.




"Galit ka?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Pinaglalaruan niya ang kamay ko habang nakasandal sakin.



Ganitong ganito kami before. Nung kami pa. Kahit naguguluhan ay hindi naman ako nagsasalita. Hanggang sa bumaba na kami ay hawak niya pa rin ang kamay ko.





"Sorry na." Sabi niya habang nakatingin sa kamay namin habang nag aabang naman kami ng masasakyan niyang jeep pauwi.



"Inaalala lang naman kita. Kita mo 6:15pm na. Delikado na kapag inabot ka ng 7pm sa byahe." Sabi ko sabay tingin sakanya. Habang siya ay sa kamay pa rin naming nakatingin.



"Bakit mo pa kasi kailangan gawin to?" Frustrated na sabi ko sakanya. Akala ko okay na kami. Bakit parang yung kilos niya bumabalik sa dating kami?



"Hayaan mo nalang ako ha. Please, dito ako masaya." Sabi niya habang nakatingin sakin. Sakto namang may humintong jeep sa harapan namin na paCabuyao na.






"Iingat ka ha. " Nakangiti niyang sabi at agad siyang sumakay sa jeep. Niwala pa kong nasasabing mga salita bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. Tinanaw ko ang jeep na kinasasakyan niya, malayo na.

*End of Flashback

Hindi ko na siya nireplyan. Hindi dapat ako masanay. Bawal to.





"Deanna, uwi ka na?" Tanong sakin ni John. Tumungo ako.


Kaklase ko namin siya nila ate Rhian. Madalas kami magsabay ni John dahil same lang ang dinadaanan namin pa uwi.




"Exam na agad next week no? Grabe bakit ang bilis ng oras?" Nagtatakang tanong niya. Sabay na kaming naglalakad ngayon pauwi.




"Ayaw mo nun, nasa middle na tayo ng sem. Next niyan ay bakasyon na di mo mapapansin dahil mabilis lang ang paglipas ng araw." Humaba pa ang usapan namin na more on sa school stuff lang. Hanggang sa hindi namin namalayan na pabayan na pala kami.





"Ingat ka. Bye." Paalam niya sakin.


"Ingat din John, bukas nalang ulit." Naghiwalay na kami ng daan pauwi.




Patulog na ko ng biglang tumutunog ang cellphone ko.




May tumatawag.










Anne

"Hel--"

"Babae! Bakit hindi ka daw nagrereply kay Jema!? Ako tuloy yung kinakulit. Nag aalala na sayo yun! Tumatawag din daw siya sayo di mo sinasagot!" Bungad na sermon sakin ni Anne.




"Sorry nakasilent kasi phone ko kanina." Pagkatapos ko kasing mabasa ang text ni Jema sinalent ko muna phone. Kailangan kong umiwas.






"Kayo na ba ulit?" Mababakas sa boses ni Anne ang pagtataka.




"Hindi." Natatakot ako na baka bumalik yung dapat tapos na. Dapat wala na.




Natahimik sa kabilang linya.







"Sige na tutulog na ko. Goodnight Anne. Bye!" Dagdag ko agad bago pa siya makapagsalita ulit ay pinatay ko na ang tawag.





Once is enough.



Okay na ko.

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now