12

4.5K 120 1
                                    

Deanna's POV
Lumipas ang mga araw nakauwi na sila Mama at Papa after ng team building nila sa Isabela. Umuwi na din si Anne sa bahay nila. May pasalubong pa sila Mama para kila Anne at Jema. Si Anne nalang daw magbibigay kay Jema dahil hindi na ulit nagpakita sakin si Jema. Hindi na siya bumalik ng bahay ng umalis siya.



Wala na kong balita sakanya dahil hindi naman namin napag uusapan ni Anne si Jema.



"Deanna! Andito na si Samuel. Bumaba ka na." Katok sakin ni Mama. Nagpakilala si Samuel kila Mama at nagpaalam na liligawan daw ako. Pumayag naman ang parents ko. Tumutol ako pero patuloy pa rin siya sa pagdalaw dito sa bahay kaya natuwa sakanya sila Papa. Isang buwan na simula ng nagpakilala si Samuel sa magulang ko.



Nagkaroon kami ng usapan ni Samuel kaya pinapansin ko na ulit siya. Hinahayaan ko na siya.








*Flashback

"Deanna may bisita ka. Bumaba ka dito." Katok sakin ni Mama. Nandito ako sa kwarto ko habang nagsusurf sa internet.



Narinig ko na umalis na si Mama. Saturday ngayon. Napasimangot agad ako ng makita ko kung sino ang kausap nila mama sa sala.



"Nandyan na pala si Deanna." Sabi ni mama kaya naman lahat sila napatingin sakin.



"Anak, kay aga aga nakasimangot ka na agad niyan. Tara na at kumain baka gutom lang yan." Sabi ni papa.



"Hijo tara sumabay ka na samin maglunch." Baling ni Papa kay Samuel bago pumunta ng dining area. Sumunod naman agad si Mama.




Napatingin lang ako kay Samuel at sumunod na din kila Mama. Naramdaman ko namang tumayo na siya at sumunod na din sakin.




Pagtapos namin kumain ay bumalik na ko sa sala at nanood. Mga ilang minuto lang ay nakita kong papalapit na si Samuel.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko bago pa siya makaupo sa tabi ko. Sa pinapanood ko pa rin ako nakatingin.





"Deanna." Narinig kong sabi niya pero pinanatili ko pa rin ang tingin ko sa pinapanood ko.




Naramdaman kong napabuntong hininga siya.


"Pormal akong nagpaalam sa parents mo na balak kitang ligawan." Napatingin ako sakanya ng walang emosyon.



"Ang lakas ng loob mo no? Di ba sinabi ko ng ayoko! Hindi ka ba talaga marunong makaintindi! Kapag sinabi kong A YO KO, means AYOKO! WAG KANG MAKULIT!" May diin sa bawat salitang binitawan ko sakanya habang nakatingin sakanya ng masama.




Nakita kong nabigla siya. Nakita kong nasaktan siya. Napakatransparent niyang tao. Kapag masaya siya mapapansin mo. Kapag malungkot siya mapapansin mo. Kapag nasasaktan siya mapapansin mo. Pansin ko naman na seryoso siya. Na sincere siya sakin pero hindi ako handa. ayoko.





Napaiwas siya ng tingin sakin. Pinipigilan niyang umiyak sa harapan ko. Nanginginig yung panga niya. Umiwas ako ng tingin sakanya at binalik ang tingin ko sa pinapanood ko.



"Bigyan mo naman ako ng chance. Last na to, promise. Dalawang buwan lang. Kahit dalawang buwan lang Deanna. Nakikiusap ako, hayaan mo kong ligawan ka. Hayaan mo kong makasama ka ulit. Sobrang miss na kita Deanna." Umiiyak na siya habang nakayuko. Nanginginig na ang balikat niya.


Bakit ba ayaw niya tumigil? Bakit ba may mga taong hindi marunong sumuko? Bakit may mga taong gustong sumugal kahit alam nilang sa umpisa palang talo na sila?




"Deanna, please. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam bakit hindi ko mapigilan. Hindi ko alam. Basta ang gusto ko lang ipakita sayo, iparamdam sayo. Kaya please, hayaan mo kong sumugal dito. Hayaan mo kong sumugal dito kahit alam kong sa simula palang talo na ko. Hayaan mo namang magtry ako." Tumingin siya sakin ng may pilit na ngiti. Ngiti na makikitaan mo ng malungkot na mga mata. Matang lumuluha sa harapan mo. Matang nakikiusap.



Napabuntong hininga nalang ako.





"Dalawang buwan lang. Pagtapos nito please lang. Tigilan mo na ko." Sabi ko sakanya sabay tayo at dumaretso na ko sa kwarto ko. Hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya.

*End of flashback

"Ma! Alis na kami." Paalam ko kila mama at papa bago lumabas ng gate. Narinig ko namang nagpaalam na din si Samuel.



"Excited ka na ba?" Tanong ni Samuel sakin habang nakasakay kami.



Tumungo tungo ako sakanya habang nakangiti. Madalas kami magsama ngayon ni Samuel. Kahit sila Ivy ay nagulat ng sabay kami pumapasok at hinahatid niya ko pauwi. Pinaliwanag ko nalang sakanila yung dalawang buwan na hiningi ni Samuel.



"Nasan yung ticket natin?" Natatawa naman siya sakin. Excited kasi ako. Mapapanood ko na ng live sila Bea de leon! Mygooood! I'm a fan! SOLID ATENEO FAN to!





"Here" kinuha ko naman at tinitigan. Nakakatuwa. First time to! Yung ilibre ka ng ticket para sa game ng volleyball sa UAAP! Hindi kasi ako pinapayagan na manood ng live dahil malayo. Pero ngayong linggo pinayagan ako kasi kasama ko naman daw si Samuel. Hindi naman halatang boto sila kay Samuel.






Nang makapasok kami sa MOA Arena ay nagwawarm up na ang mga players.


"Aray" natatawang sabi ni Samuel. Pinaghahampas ko siya kasi kinikilig ako sa tuwa na nakikita ko ngayon yung mga idol ko. Bea, Jia, Alyssa, Jho, and the rest of the team ateneo.




"Tama na. Namumula ka na oh" Sabay turo niya sa mukha ko. Namumula kasi ako kapag sobrang tuwa ko. Tinigilan ko na naman siyang hampasin at pinagmasdan na ang ateneo. Kalaban nila ang UP.











Nanalo ang Ateneo(bias si author) umabot ng 5 sets ang game. Ang ingay sa MOA pakiramdam ko mabibingi na ko kanina sa ingay, pero sobrang saya ko na nakikipagsabayan sa ingay nila tuwing nakakapuntos ang ateneo.












"Salamat" Sabi ko pag uwi namin. Nandito kami sa tapat ng gate ng bahay. 5pm na kami umalis ng MOA pagtapos ng game ay kumain pa kami. 7:45pm na ngayon dahil din sa traffic.





"Di ba dapat ako yung magthank you?" Nakangiting sabi ni Samuel. Sabay abot sa kamay ko.


"Thank you kasi pumayag kang sumama sakin ngayon. Sobrang nag enjoy ako na nakita kitang masaya habang tuwang tuwa na makita yung mga idol mo. Sobrang saya ko ngayon kasi ako yung kasama mo sa araw na to." Ngumiti ako sakanya sabay bitaw sa hawak niya.





"Gabi na. Uwi ka na. Ingat." Tinapik ko siya sa balikat. Pumasok na ko sa bahay. Nakita ko sila Mama na nakaupo sa sala namin habang nanonood. Nakatingin sila sakin pagpasok ko sa gate. Nakangiti sila. Ngumiti lang din ako at nagpaalam na, na magpapahinga na ko sa kwarto ko. Tumungo lang sila kaya dumaretso na ko sa kwarto ko para mag ayos at magpahinga.




'Masaya ako Samuel pero iba yung saya kapag si Jema ang kasama ko.'

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now