40

6.1K 156 12
                                    

Jema's POV

Worth it lahat ng pain na naramdaman ko. Lahat ng sacrifices ko para saming dalawa. Lahat ng iyak na pinakawalan ko para sakanya. Wala akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko.

Kasalukuyan kaming nasa sala nila Deanna. Nasa iisang sofa lang kaming tatlo nila tita at deanna pero mas malapit ako kay tita habang si Deanna ay nasa dulo ng sofa. Kakatapos lang namin kumain ng dinner ni Deanna. Sinabayan niya ko kahit nakakain na siya kanina. Napagdesisyunan ko rin na dito muna matulog. Kumuha na pala siya ng damit ko kanina sa bahay bago siya umalis dun at nagpaalam na rin sa parents ko about sa pagtulog ko dito. Maparaan wong.




"Pst!" Nakaharap sakin si Deanna habang nasa dulo, ako naman ay nakaharap sa tv.



"Pst! Jema!" Napapasulyap naman ako sa tawag niya pero paghaharap ako ay ngingiti lang siya kaya binabalik ko sa pinapanood namin ang paningin ko.





"Mrs.Wong" Paulit ulit niyang sinasabi yan pero wala namang natingin sakanya. Pero pansin ko sa peripheral vision ko ay sakin siya nakatingin. Nandyan yung may kasama pang kulbit. Napapangiti naman ako habang nasa tv parin ang tingin ko.




"Mrs.Wong" Napapailing nalang ako ng nakangiti habang nakaharap sa tv.





"Ano ba yun nak?" Baling sakanya ni Tita kaya di ko na maiwasang matawa ng mahina habang nakatingin na kay Deanna. Nakatingin na rin sakanya sila Tita at tito.





"Ma, hindi naman ikaw yun e." Kakamot kamot pa si Deanna sa batok niya.




"E ako lang naman ang Mrs. Wong dito ha?" Nginunguso naman ako ni Deanna.



"Nak, Ms.Galanza yan. Pakasalan mo muna para maging Mrs. Wong. Napakaadvance mong mag isip nak." Nakapout na tumingin sakin si Deanna. Lalong lumawak tuloy ang ngiti ko.





"Di ba Mrs. Wong na kita? Jema di ba? Asawa na kaya kita. Sabihin mo kila mama na asawa na kita." Hindi ko napigilang lumapit sa pwesto niya at umupo paharap rin sakanya.




"Araaaay!" Sabi ni Deanna ng kurutin ko ang pisngi niya. Nakakagigil. Natatawang binitawan ko naman ang pisngi niya.





"Mashaket." Sabi niya habang hinihimas ang mga pisngi niya.



"Sorry po. Ang cute mo kasi e." Sabi ko habang hinahawakan ang pisngi niya.



"Tignan mo oh." Taas ko ng mga kamay ko. Pinakita ko sakanya ang mga daliri ko.




"Wala pang singsing yan oh. Ibig sabihin hindi mo pa ko Misis." Natawa ako lalo ng makitang napasimangot siya.


"E sa napanaginipan ko kinasal na daw tayo. Tapos asawa na kita. Tsaka sabi mo hindi PA kita misis. Dun rin tayo mapupunta." Nangmarealize niya yun ay ngumiti na siya sakin ng malawak. Narinig ko namang natawa samin sila tita at tito kaya napabaling ang tingin namin sakanila.






"Nako nak. Nasobrahan ka ata sa tulog kanina kasi nagkulong ka ba naman sa kwarto mo. Sige na at masyado ng gabi. Matutulog na kami." Sabi ni Tita ng tumayo na siya. Sumunod naman si Tito sakanya. Bago pumasok si Tito sa kwarto nila ay bumaling pa siya samin ni Deanna.




"Nak, Ms. Galanza pa yan ha. Pinapaalala ko lang sayo." Biro ni Tito bago pumasok sa kwarto nila. Kami nalang ni Deanna ang nandito sa sala nila. Naririnig ko namang bumubulong bulong siya. Kaya hindi ko maiwasang matawa.





"Mrs. Wong ka na kaya. Mrs. Wong. Mrs. Wong." Rinig ko na bulong niya. Hinayaan ko muna siya at pinatay ko na muna ang tv nila. Tiningnan ko rin kung nakalock na ba ang mga pintuan nila bago ako bumalik sa harapan ni Deanna na kanina pa nakatingin sakin habang hinihimas ang mga pisngi niya.




"Baby, masakit pa?" Tumungo naman siya sakin. Hinawakan ko ang mga kamay niya na nakahimas sa pingi niya. Yumuko ako patungo sakanya at hinalikan ang magkabilang pisngi niya. Umangat naman ang tingin niya sakin ng nakatayo na ulit ako sa harapan niya.





"Masakit pa." Sabi niya.

"Gagaling na yan. Kiniss ko na e." Nakangiting sabi ko sakanya. Umiling naman siya.



"Dito sa mga pisngi ko gagaling na." Sabi niya habang tinuturo pa ang mga pisngi niya.

"Pero dito may masakit rin." Dagdag pa niya bago ituro ang labi niya. Childish act of Deanna Wong.




"Gaanong kasakit?" Sakay ko sa kalokohan niya. Pinakita ko rin na parang concern ako.




"Sooooobrang sakit. Kailangan ata ng maraming kiss." Tila nag iisip na sabi niya. Natatawang tinalikuran ko naman siya. Patungo na ko sa kwarto niya. May work pa ko bukas.





"Mrs.Wong" Habol na sabi niya ng makapasok na ko sa kwarto niya.







Deanna's POV

Pagpasok ko sa kwarto ay nakahiga na siya. Hindi pa to tulog dahil kakapasok palang rin niya ng sumunod ako.

Sumampa na ko sa kama. Napatingin siya sakin.


"Humiga ka na rin. Matulog na tayo." Sumunod naman ako. Umunan siya sa braso ko bago yumakap sakin.





"Jema. Mahal kita." Sabi ko habang nakatingin sa ceiling. Naramdaman ko naman humigpit ang yakap niya.




"Alam ko Deanna. Alam ko." Kusa namang napangiti ako sa narinig ko. Kung yung iba nanaisin na makarinig ng 'Mahal din kita' pero ako sapat na sakin yung malaman na alam niyang mahal ko siya.


Nakakatakot dumating sa punto na hindi mo na alam pano iparamdam sa taong mahal mo na mahal mo siya, yung tipong kahit anong gawin mo para sakanya hindi pa pala sapat para masabi niya na 'hindi ko maramdaman'. Sa tagal na ng unang marealize kong mahal ko si Jema, sa dami na ng napagdaanan namin, sa mga taon na magkasama kami at magkahiwalay. Natatakot ako na sa iba na siya maging masaya.


"Deanna." Napalingon ako sa gawi niya. Naramdaman kong hinawakan niya ang mga pisngi ko.





"Anong iniisip mo? Bakit ka umiiyak?" Sabi niya ng matapos niyang punasan ang pisngi ko. Tinitigan niya ko. Magkatitigan kami. Mahal ko siya.






"Paano kapag dumating yung araw na hindi ka na masaya sakin? Iiwan mo ba ko?" Naramdaman kong pumatak na naman ang luha ko. Bakit ang drama ko? Bakit kapag ganitong masaya na ulit kami hindi ko maiwasang makapag isip ng ganito.


Iiwan mo ba ko ulit?





"Kung dumating man sa puntong hindi na ko masaya sayo." Mapait na ngumiti ako sakanya ng marinig ko yun.




"Hindi ko alam kung magstay pa ko. Kaya naman tayo nagstay sa relationship kasi napapasaya tayo ng taong kasama natin di ba? Dun palang sa makita palang siya masaya na tayo. Yun yung tinatawag nilang pagmamahal. Para mo na ring tinanong sakin na pano kapag dumating sa punto na hindi na kita mahal, iiwan na ba kita?" Masakit sa puso yung ganitong pag uusap pero sa panahong ito, ito yung gusto kong pag usapan namin. Ito yung gusto kong marinig sakanya, yung totoo.





"Deanna, magstay ka ba sa relationship na hindi ka na masaya? Sa relationship na wala ka ng maramdamang pagmamahal?" Darating pala sa punto na ayaw mo ng pakinggan yung gusto mong pag usapan.





"Jema. Tulog na tayo. May pasok ka pa bukas." Pumikit na ko kasabay ng huling patak ng luha sa mga mata ko ngayong gabi.






Naramdaman ko namang pinunasan niya ulit yun ng palad niya.



"Wag ka na ulit mag iisip ng ganyan Deanna. Goodnight."

Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon