Two

6.3K 163 16
                                    

Deanna's POV

Nginuso ko si Anne.

"Anong nginunguso mo dyan? Gusto mo ng kiss?" Ngumuso din pabalik sakin si Anne.

hmp!

"Hindi pa rin kayo nagbabago. Ang kulit niyo pa rin." Natatawang sabi ni Jema.



Wala naman talagang nagbago.



"Bakit ikaw nagbago na?" Tanong ni Anne.


"Hindi ko alam. Nagbago na ba ako?" Sabi ni Jema habang nakatingin kay Anne.

Napatingin naman sakin si Anne. Sa paraan ng tingin niya sakin parang ako yung gusto niya sumagot kay Jema. Kaya umiwas ako ng tingin sakanya.


"Para sakin wala namang nagbago kahit isang taon na tayong di nagkikita. Ikaw pa rin yung Jemang  kakilala ko." sabi ni Anne. Sabay hawak sa kamay ni Jema na nasa table.


"Ikaw pa rin yung Jemang kaibigan ko." Nakangiting sabi ni Anne.




"Pasensya na ha. Naging busy kasi. Alam mo na may work." Sagot ni Jema.

"Medyo madrama yung pinag uusapan natin." Natatawang sabi ni Anne.


"Bili lang ako ng zagu. Gusto niyo rin?"



Umiling lang ako. Ganon din si Jema.


"Ayaw niyo ha. Sige bili lang ako. Wait lang."


Kami nalang ni Jema ang naiwan.






Katahimikan.







Katahimikan.






Katah---


Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Paglingon ko kay Jema nakatingin din siya sakin. Tumingin ako sa kamay ko, hawak na niya.


Shit! Tumatakbo na naman ang tibok ng puso ko. Ang bilis! Parang nagmamarathon.


Anong ginagawa niya? Hindi naman kailangang hawakan.



Iiwas ko na ang kamay ko ng bigla niyang hinigpitan ang hawak. Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Anuna Jema? Anuna Deanna anong ginagawa mo? Layo! Iwas!







"hmm. Je--"





"Namiss ko to." Putol sakin ni Jema habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.





oooooh-kay.



"Guys, sorry natagalan." Bigla kong hinigit ang kamay ko kay Jema.



"Guys, okay lang kayo? Anong meron dyan sa gitna niyo at dyan kayo nakatingin?" May pagtatakang tanong ni Anne.



"Restroom lang ako." Agad akong tumayo at dumaretso sa restroom.


Nandito na ko sa loob ng cubicle.






'Self anuna? Hawak lang niya nagwawala na agad si heart. Akala ko ba mind move on na di ba? Heart makicooperate ka naman.'



Nagvibrate ang phone ko. Pagtingin ko si Anne nagtext. May dalawang message si Anne.

"Babae asan ka na? Para kang ewan. Bilisan mo kakain na tayo."

"Gutom na si Jema."


Nagmadali na kong lumabas ng restroom at bumalik kung nasan sila.


Dare or ConsequenceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant