28

4.8K 110 32
                                    

Deanna's POV

Nagising ako ng marinig kong bumukas ang pintuan ko. Nakatalikod ako sa pintuan ko kaya lumingon ako agad at nabungaran ko si Anne.



Tuloy tuloy naman siya sa pagpasok at umupo sa couch ko. Tinignan niya ko ng seryoso at tumayo ulit. Lumapit siya sakin. Umupo naman ako sa kama ko. Nag indian sit ako. Habang nakatanga sakanya na papalapit sakin. Wala pa ko sa wisyo dahil kakagising ko lang.





"Araaaaay!" Bulaslas ko ng makaramdam ako ng batok niya. Tinignan ko siya ng masama pero poker face lang ang tingin niya sakin bago bumalik sa couch.







"Bakit ka nandito? Nambabatok ka pa!" Ang sakit sakit ng batok niya. ang aga aga naalog ata utak ko.





"Bakit hindi ka pumunta kila jema?" Nakaramdam naman ako ng guilty dahil sa tinanong niya. Sinubukan ko namang itext si Jema kagabi kaso wala na pala akong load. Kaya di ko siya nabati.





"Nagkasabay kasi kayo ng yaya ni Samuel." Nakayukong sabi ko.





"Tsk! So yun na yun? You didn't go there because of your 'oh so called boyfriend'." Naggesture pa siya sa kamay niya ng quotation sign sa 'oh so called boyfriend'.





Anong ineexpect niya? na uunahin ko si jema? malamang yung boyfriend ko muna bago ang iba.





"Bumawi ka naman kay Jema. Yayain mo siya tutal dun ka naman magaling. Lagi mo lang siya naaalala kapag mag isa ka lang." nagulat naman ako sa sinabi niya. Ganon ba yung tingin niyang trato ko kay Jema?







"Dumaan lang ako dito para batukan ka at sabihin yun. May pasok pa ko." tuloy pa niya sa sinasabi niya bago lumabas ng kwarto ko. Narinig ko nalang sa labas ng kwarto ko na nagpaalam na siya sa parents ko.





Mga isang minuto pa ko tumulala bago pumunta ng cr para maghilamos. Bumaba agad ako naabutan ko naman sila Mama na nanonood ng TV siguro kakagising palang rin nila. Nagpapahinga muna sila bago maligo dahil may pasok pa rin sila.



"Good Morning Ma, Pa." Napatingin naman sila sakin at binati din ako pabalik.


"San ka pupunta?" Tanong ni Papa ng palabas na ko.


"Papaload lang Pa. Sandali lang to. Balik agad ako." Sabi ko sabay alis agad.



Yayayain ko si Jema. Bestfriend pa rin ang turing ko sakanya kaya kailangan kong bumawi.




May past man kami, she still my bestfriend after all. Nagstay pa rin kami sa isa't isa kahit mag ex kami. Masaya ako na nasave namin yung friendship.



Pagbalik ko sa kwarto ko ay tinext ko na si Jema then naligo na ko.




Pagkatapos ko maligo ay nilapitan ko agad ang phone ko. Wala pa rin siyang reply.

Tulog pa kaya yun?

Gusto kong bumawi sakanya. Gusto ko siyang itreat.



Pagkatapos ko mag ayos ay may kumakatok sa pintuan ko. Pagbukas ko ay nabungaran ko ang bulaklak na hawak ng taong nasa likuran nito. Nakatago ang mukha niya sa bulaklak. Agad naman ako napangiti ng makilala ko ang taong may hawak ng bulaklak.

"Hi" Nakangiting bungad niya sakin pagbaba niya ng bulaklak. Kahapon lang kami magkasama pero nandito ulit siya. Bumabawi nga talaga.



Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now