Epilogue

6.9K 199 30
                                    

Jema's POV

Kung dumating man sa punto na hindi mo na alam kung itutuloy mo pa ba o hindi na, isipin mo agad kung bakit mo ba sinimulan. Kung worth it pa ba ang lahat.




Ilang beses kaming bumitaw sa relasyon naming dalawa pero alam naming pareho na never kaming sumuko sa isa't isa. Hindi madedefine ng 'relationship' ang pagmamahal mo. Hindi porque single ka hindi ka na nagmamahal. Relationship is just a label. Minsan nga mas matatag pa ang mga single kesa sa in a relationship kasi ang mga single kaya nilang magmahal kahit walang kapalit. Yan ang natutunan ko, kaya kong mahalin si Deanna kahit walang kasiguraduhan.





Hindi ako takot ipakita sa mundo kung sino ang mahal ko. Kung hindi nila kami matanggap wala akong magagawa dun dahil hindi naman kami pinanganak para iplease sila. Hindi namin kailangan ang approval ng mundo, respeto lang.






"Baby, Merry Christmas." Sabi niya habang nakayakap sa likuran ko at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Nandito kami sa bahay na napag ipunan ko. Two storey house. Tatlo ang kwarto. Dalawa sa taas at isa sa baba. Kumpleto kami kasama sila Mama at Tita.











"Baby, Merry Christmas din." Sabi ko pagkaharap ko sakanya.






"Nak, matutulog na kami. Bawal saming matatanda ang napupuyat." Sabi ni Tita. Pagtingin ko sa wall clock ay 12:15am na.






"Sige Ma, Goodnight at Merry Christmas. Sa inyo rin Tita." Sabi ni Deanna sa mga magulang namin. Naiwan naman kaming dalawa dito sa sala namin.




"Punta na rin tayo sa kwarto?" Pinagmasdan ko muna siya bago tumungo. Ako na ang humila sakanya papasok ng kwarto namin. Nasa taas ang kwarto namin habang sa kabilang kwarto ay nandun sila Mama at Papa, at sa baba naman na kwarto ay nandun sila Tito at Tita.








"Deanna." Tawag ko sakanya pag upo namin sa kama. Bumaling naman siya sakin at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.







Kinuha ko ang regalo ko sakanya sa bulsa ko. Iniabot ko sakanya.






"Parang alam ko na to. Magpropropose ka ba?" Biro niya sakin habang nakatingin sa hawak niya na box na may ribbon.




"Buksan mo na muna." Sabi ko sakanya. Inayos ko ang upo ko, hinarap ko siya. Nakangiting binuksan niya ang gift ko sakanya.






"Sabi na e. Singsing." Sabi niya ng nakangiti pagkuha niya at hinarap pa sakin. Kinuha ko ang singsing na hawak niya at sinoot sa ring finger niya.







"Alam natin pareho na matagal tagal pa bago kita mapakasalan. Pag iipunan ko muna." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.






"Singsing. Gusto kitang bigyan ng singsing para malaman nilang taken ka na. Hindi man kita mapapakasalan dito sa Pilipinas, gagawan ko ng paraan na mapakasalan ka sa bansang legal tayong magpakasal." Sinabi ko yun habang nakatingin sa singsing na soot na niya ngayon habang hawak ko ang kamay niya. Sa kanya naman ako ngayon bumaling.






"Mahal kita Deanna. Mahal na mahal kita. Sumuko na yung tadhanang paghiwalayin tayong ulit, napagod na ata ang kulit daw kasi natin. Pero kung sakali mang dumating ang panahon na paglaruan na naman tayo ng tadhana sana makayanin natin ulit. Kung dumating man sa puntong hindi na kita mapasaya at malaman kong may iba na, a--" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.




"Mrs. Wong hindi mangyayari yun." Nakangiting sabi niya sakin.



"Mrs Wong ka ng Mrs Wong dyan e di pa nga tayo kasal e." Yumuko siya at tiningnan ang kamay naming magkahawak.





"Darating rin yung panahon na makakasal tayo, inaadvance ko lang yung tawag." Sabi niya pag angat ng tingin niya sakin.



"Pero yun nga, mabalik tayo dun sa sinasabi ko. Kung sakali lang naman Deanna. Kung sakaling hindi ka na masaya at may iba na, alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Kasayahan mo yung priority ko. Isusupport kita sa taong kayang ibigay ang kasiyahan mo." Ang sakit pala na harapan mo mismo sinasabi to sa taong mahal mo.





"Walang iba yun kundi ikaw. Ikaw ang kasiyahan ko Jema." Naramdaman kong pinupunasan na niya ang pisngi ko.




"Pero kung dumating rin sa punto na sa iba mo na mahanap yung kasiyahan mo. Dumating sa punto na mag iba na yung mga gusto mo sa buhay. Dumating sa punto na iba na ang gusto mong buhay." Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto ko siyang patigilin pero hindi ko magawa.






"Jema, asahan mo. Hindi kita pipigilan, hindi ko nanaising maging hadlang ako sa kasiyahan mo. Kasi tulad mo, kasiyahan mo rin ang priority ko." Nakita kong may pumatak na luha sa mata niya pero umiwas agad siya ng tingin at bumaling sa cabinet niya. Tumayo siya at may nilabas siya na regalo. Nakita kong tumaas ang kamay niya sa pisngi niya habang nakatalikod siya sakin. Umiiyak ang baby ko. Binaba na niya ang kamay niya at hinawakan ulit ang regalo niya bago humarap sakin.









"Wala na kong maisip na iregalo sayo, may kwintas na tayo, may shirt, may bracelet, at relo. Kaya sana ito magustuhan mo rin." Sabi niya sabay abot sakin. Malambot. Parang alam ko na to.






"Pikachu!" Pagbukas ko ay medium size na stufftoy. Nakangiting bumaling naman ako sakanya habang yakap yakap ang regalo niya sakin.






"Thanks." Sabi ko sakanya na nakangiti.


"Ang cute cute ni pikachu!" Sabi ko ng hinarap ko sakin si pikachu.

"Higa ka na rin." Sabi niya pagkahiga niya sa kama. Sumunod naman ako at humiga sa braso niya habang yakap yakap si baby pikachu.



"Kapag di mo ko kasama at mamiss mo ko yakapin mo lang yang si pikachu substitute ko yan kapag nagkataon. Inispray ko rin dyan yung pabango ko." Sabi niya habang nakatingin kay pikachu na yakap yakap ko.






"Hindi naman kailangan ng substitute. Hindi ka naman mawawala di ba? Magiging Mrs. Wong pa ko e." Sabi ko ng tignan ko siya. Nakatitig lang siya sakin habang nakangiti.






"Naman. Hindi ako mawawala. I love you Mrs. Wong." Pinagmasdan ko siya. Pakiramdam ko kabisadong kabisado ko na ang mukha niya sa pagtitig ko sakanya.






"I love you too Mrs. Wong." Lumapit pa ko pataas sa kanya para maabot ko ang labi niya.




Isang halik para mapangiti lalo ako.

Isang halik para maging maganda ang pagtulog ko habang yakap ang taong handa kong makasama habang buhay.



Wakas!
- - - -

A/N: Ikaw na nagbabasa nito, salamat po! Thanks sa pagbabasa hanggang dulo. Thanks sa votes at comments niyo. 💞

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now