16

4.6K 123 11
                                    

Jema's POV

"No phone please" Napairap ako kay Mark. Magkasama kami ngayon dahil monthsarry na nila sa sabado.

"Paanong surprise ba maganda para sa 2nd monthsary namin?" Tinitipa ni Mark ang ballpen niya habang nag iisip habang nakatingin sa planer na notebook niya.


"Ano bang kakornihan ginawa mo nung unang monthsary niyo?" Tanong ko habang nagcecellphone pa rin.



"Grabe ka naman! Anong corny dun? Ang sweet kaya! Ikaw pa nga nagsuggest nun tapos nakalimutan mo na!" Napatingin ako sakanya pero inirapan niya lang ako. Bakla talaga eh.




"Mabilis kasi akong makalimot." Baling ulit sa phone ko.




"Kaya pala. Kaya pala hanggang ngayon todo stalk ka pa rin kay Deanna." Tumingin ako sakanya ng masama ng matapos niyang sabihin yun.



"Bakit? Totoo naman kaya nga di mo matigil yang pagphophone mo ngayon kasi ganap na naman ni Deanna tinitignan mo. Masokista ka talaga. Trip mong saktan ng paulit ulit sarili mo. Hobby mo na yan." Aminado naman akong di ko maiwasan makita mga ganap niya sa life. Hindi ko napansin na araw araw ko na palang ginagawa yun hanggang sa nakasanayan na. Tinago ko na muna ang cellphone ko at umayos na ng upo paharap kay Mark. Nandito kami ngayon sa bahay nila.




"Hi guys!" Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Tumayo ako at nakipagbeso kay Cassy kaya agad namang natago ni Mark ang planer niya.




"Bakit di ka nagsabi na pupunta ka?" Sabi ni Mark pagkatapos niya humalik sa pisngi ni Cassy at hinila sa tabi niya. Possessive.





"Surprise to." Natatawang biro ni Cassy. Napangiti nalang ako sakanilang dalawa. Masyado silang nakakaumay tignan, nababadtrip ako sa pagiging cute nila together nakakamiss tuloy si Deanna. Mas cute kami tignan together.





"Dumating lang ako napasimangot ka na agad jema." lalo naman akong napasimangot at napairap sakanila.



"Hayaan mo yan hon, ganyan talaga kapag third wheel na broken kaya bitter pa." pareho namang silang natawa.



"Anong nakakatawa ha? Kapag kayo nagbreak tatawanan ko din kayo!" Irap ko sakanilang dalawa, inatupag ko nalang ulit ang pagstalk kay bb ko.




Nagchange siya ng profile picture.
'Nice nice' comment nung Samuel.
Nakita kong nagreply si Deanna kaya kiniclick ko.

'Thanks babe' with kiss emoji pa sa dulo. Ang sweet naman sarap itapon.




"Sabi kasing wag ng magstalk eh. Pairap irap ka tuloy dyan. Sakit no?" Agaw pansin ni Mark sakin. Tinago ko nalang ulit ang phone ko at binuhay ang tv nila umalis naman si Mark patungong kusina nila, sumandal ako at naghanap muna ako ng mapapanood.



"Akala ko tinigil mo na pangstalk sakanya?" Sabi ni Anne bago uminom sa juice na dala ni Mark.





"Sinusubukan ko naman. Kaso di ko mapigilan yung sarili kong icheck yung wall niya eh." Sagot ko habang naghahanap pa rin ng mapapanood.




"Nako hon, matagal pa bago matutong maglet go yan si Jema. Hangga't di pa sukdulan yung sakit na nararamdaman niyan gogora pa rin yan." Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang sa dala niyang biscuit at juice.






"Baka naman kapag hinayaan niyang masanay sa ganyang set up na paistalk stalk ay mamanhid siya sa sakit sa tuwing nakikita niya ang mga ganap kay Deanna." Napatingin ako kay Cassy dahil pinatay ko na ang tv dahil wala akong mahanap na magandang panoorin. Bumaling naman siya sakin.



" Jema try to save yourself again. hindi ka namin matutulungan kung ikaw mismo ayaw mong tulungan ang sarili mo." Binitawan ko muna ang pagkain ko sa mesa. Seryosong humarap ako kay Cassy.




"Ikaw ba, bakit di mo binitawan at sinuko si Mark noon? Bakit hindi mo sinave yang sarili mo sa sakit noon?" Hinihintay ko ang sagot niya habang nakatingin sa mga mata niya.




"Kasi alam kong worth it si Mark. Masaktan man ako at umasa man ako sa kakapush ko na mahalin niya ko, okay lang. Kasi mas better na tinary kong lumaban hangga't kaya ko pa yung sakit kesa sumuko agad ako ng wala man lamang ginagawa para makuha siya." Napahawak naman sa kamay ni Cassy si Mark. Kaya napatingin ako sakanilang dalawa at napangiti.





"Worth it din si Deanna." Sabi ko tsaka ako humigop ng juice.


"Worth it siya. Di man ako gumagawa ng paraan para makuha siya hindi ibig sabihin nun hindi siya worth it. Oo may nagmamahal na sakanyang iba, may nagpapasaya na sakanya, at may tao na siyang pinayagan na ipagmalaki siya at pinakilala niya sa parents niya Pero kahit na ganon para sakin still worth it pa rin si Deanna." Pareho silang nakatingin sakin. Nabuo ang katahimikan saming tatlo.





"Worth it pa rin siya kahit ang sakit sakit na." Dagdag ko pa para basagin ang katahimik samin. Ngumiti naman ako sakanila. Ngiti na pinapakita kong kaya ko pa. Okay pa ko. Hindi nila kailangan mag alala dahil kaya ko ang sarili ko.




"Bakit hindi mo subukan lumapit ulit sakanya? Maging magkaibigan ulit kayo. 6 na buwan na naman nakakalipas ng nag usap ulit kayo." Napailing naman ako sa sinabi ni Cassy.




"Natatakot akong mapalapit ulit sakanya. Pano kapag hindi ko napigilan na mahalin na naman siya ng sobra? Yung pakiramdam na gusto mo na naman siyang makasama lagi, makatext, mahawakan ang kamay niya at mayakap siya. Pano kapag di ko napigilan ang sarili ko?" Naiilang na tanong ko sakanila.






"Sino ba nagsabing pigilan mo ang sarili mo?" Napaangat ang tingin ko kay Cassy. Napabuntong hininga naman siya.




"Kung sinasabi mong worth it siya gumawa ka ng paraan. Kung totoong masaya na siya dun sa Samuel niya then take the consequence ng action mo tutal sanay ka na namang masaktan sagarin mo na. Pero kapag naconfuse na naman siya sa presence mo ibig sabihin may chance pa it's up to you nalang kung itatake mo yung risk na maging kayo ulit. Make your move jema."

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now