Seven

5.1K 125 6
                                    

Jema's POV

"Alis ka na Jema? Di ka ba muna kakain dito?" Tanong sakin ni Anne. Nagsasapatos nalang ako at gorabels na ko.


"Hindi na Anne. Nagchange yung oras ng pagkikita namin eh. Mas napaaga. Sabay nalang daw kami kain ng lunch." Sagot ko sakanya pagtapos ko magsapatos. Tumayo na ko at ready ng umalis.


"Sayang si Deanna pa naman nagluluto ng ulam natin." Sabi ni Anne sabay upo sa couch habang nagcecellphone.




"Alis na ko ha." Paalam ko kay Anne sabay labas ng room ni Deanna. Naabutan ko sila tita sa sala na nanonood ng tv.


"Tita, tito, alis na po muna ako. Babalik po ko maya." Sabi ko sabay mano sakanila.


"Mag iingat ka. Kayo na muna bahala kay Deanna." Sabi ni tito.

"Sige po, kayo din po mag iingat sa team building niyo. Mag enjoy po kayo dun, kami na po bahala kay Deanna." Sabi ko kay tito. Then dumaretso na ko sa kitchen dahil andun si Deanna nagluluto.



"Deanna alis na ko.After dinner nalang ako balik ha." Humarap naman sakin si Deanna at ngumiti bago tumungo. Lumapit ako sakanya para magbeso.




"Ingat ka." Sabi niya.




- - - -

"Jema." Sabi ni Mark pagkita sakin sabay pinaghila ako ng upuan sa tapat niya.

"Kanina ka pa? Sorry medyo natraffic ako." Ngimiti lang siya at umupo na din.


Nag order na siya.




"Sine tayo?" Yaya niya pagtapos naming kumain.

Sino nga ba si Mark?

*Flashback

"Bakla ka! Bakit ang tagal mo?" Reklamo ni Mark. Lalaking lalaki pero pusong babae.


"Paki mo ba? Buti nga pumayag ako na samahan ka dito eh." Pagsusungit ko sakanya sabay upo sa harap niya.


Nandito kami sa Giligans.



"Bakla naman eh! May problema na nga ako sinusungitan mo pa ko!" Pag iinarte pa niya.


"Ano na naman ba yun? Wag mong sabihin na about kay Cassy na naman yan." Si Cassy is yung babaeng gusto sakanya ng parents niya, Go with the flow naman si Cassy kasi gusto niya din tong si Mark.

Nagpout naman si Bakla at tumungo tungo pa.

Hays. Ayaw nalang kasi lumadlad para hindi na siya ginugulo ni Cassy.



"Sir eto na po order niyo."


"Buti naman naisipan mo na mag order habang wala pa ko. Gutom na ko. Kaina na muna tayo." Sabi ko pag alis ng crew.





"Bakit parang wala kang gana kumain? Halos ako na umubos ng mga inorder mo?" Pagkuha ko ng atensyon niya pagtapos kong kumain.



"Ano na ba kasi gagawin ko? Kapag 25 na daw ako at wala pa kong girlfriend na pinapakilala sakanila pag uusapan na daw nila ang kasal namin ni Cassy. Bakla pano na!?" May papunas punas luha pa ang gaga.



"Magladlad ka na nga!" Sabay irap ko.



"Bakla ka! Gusto mo ba talagang itakwil ako ng parents ko! Nag iisang anak lang ako."


"Takot ka hanggang ngayon? Duwag ka pa rin? Take the consequence. Magtiis ka!" Sabi ko sabay tayo.


"Tara na! Gusto ko pumunta ng Nuvali tara! Magandang mag emote dun!" Biro ko sakanya sabay hila sa kamay niya.


Konting byahe nalang naman. Andito kami ngayon sa Sm Sta.Rosa.







Nandito na kami ngayon sa nuvali nasa dulo kami malapit sa rent ng mga bike nakaupo sa damuhan.



2pm na buti nalang at makulimlim lang ang panahon.



Hanggang ngayon tahimik pa rin si Mark. Sumandal ako sakanya.


"Bakla, hanggang kailan ka matatakot?" Bulong ko sakanya. Halata naman na ang pag amin sa parents niya yung pinoproblema niya.




Ako out na ko sa parents ko. Alam nila yung naging relasyon namin ni Deanna. Tinanggap kami ng parents ko. Kaso sa side ni Deanna magbestfriend lang ang alam saming dalawa. Wala e, takot hinaluan pa ng pagiging duwag niya para ipaglaban kung anong meron samin. Ayoko na ng tagong relasyon, mahirap. Para kaming magnanakaw na kailangan bawat kilos hindi ipahalata yung love namin sa isa't isa.



"Bakla, ipakilala kaya kita bilang girlfriend ko?" Napatingin ako agad sakanya. Habang siya hanggang ngayon parang nakatulala pa rin. Malayo ang tingin na malalim ang iniisip.



"Dali na bakla!" Sabay tingin niya sakin na parang anytime iiyak na.



"Bakla ayoko lang talaga kay Cassy, promise bakla magpapakalalaki na ko. I'll try!"


Kapag kaya pumayag ako sa gusto ni Mark maging okay na din ako. Malay natin magwork.

*end of flashback

After nun pinakilala na niya ako sa parents niya bilang girlfriend. Tuwang tuwa naman ang magulang niya.



At ngayon ay 3 months na kami. Monthsarry namin ngayon kaya may padate si mayor.



"Mas gusto kong pumunta ng Nuvali at magbike." Sabi ko sabay pacute sakanya.




"Tara na! Para namang matitiis kita." Sabi niya sakin habang nakangiti.



Ganito yung gusto ko. Legal. Hindi kailangan magtago. Pero bakit pakiramdam ko, pilit lang lahat?



Nung 1st time lang ulit namin magkita ni Deanna after break up, bakit nakaramdam ako ng selos ng may kachat siyang iba. Na hindi ko dapat maramdaman dahil may Mark na sa buhay ko.

Nanghindi ako nirereplyan ni Deanna bakit di ko napigilan pumunta sakanila at makita siya. Bakit di ko mapigilan hawakan ang kamay niya? Bakit di ko mapigilan yakapin siya? Na dapat kay Mark ko ginagawa. Dapat kay Mark ko nararamdaman.




Pakiramdam ko kulang pa rin ako.


Bakit kahit ito yung tama sa paningin ng lahat, pakiramdam ko ito yung mali?

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now