29

5.1K 132 36
                                    

Deanna's POV

"Deanna." Ibang boses na ang narinig ko na kumakatok sa pintuan ko. After ng break up namin ni Samuel ay either si Mama o si Papa ang tumatawag sakin.



"Deanna. Pabukas netong pintuan." Kahit wala pa kong gana ay tumayo ako at nagtungo sa pintuan ko.



"Ilang araw ka na daw nagkukulong dyan sa kwarto mo." Salubong niya sakin pagbukas ko ng pintuan ko.



"Dalawang linggo na." Sigaw ni Mama galing sa sala namin. Kaya napabaling dun ang tingin namin pareho pero agad naman niya ko sinamaan ng tingin pagkatapos niya marinig yun. Bumalik naman ako sa kama ko at dumapa habang iniwanan kong bukas ang pintuan ko.




Pumasok siya. Tumigil siya sa paglalakad sa gilid ng kama ko ngayon, nakatayo.


"Deanna."



"Jema, anong ginagawa mo dito?"




"Wala lang. Naisipan ko lang puntahan ka. Masama?" Napangiti ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang ulit siya nakita last na yung kasama ko siya nung nagmcDo kami. Nung panahong nagbulag bulagan ako sa nakita ko, si Samuel. Samuel? Dalawang linggo na kaming wala. Hindi ko alam kung brokenhearted ba ako dahil mahal ko siya o dahil nanghihinayang ako dahil akala ko siya na?



"Huy." Napatingin ako sa kanya na kasalukuyan nakaupo na dito sa gilid ng kama ko.


"Tulala tayo ha? Anong iniisip mo?" Pinagmasdan ko siya. Napatingin ako sa kamay niya unconsciously hinawakan ko ang kamay niya. Natawa naman ako ng maramdaman kong nabigla siya. Inintertwine ko ang kamay namin. Hanggang ngayon pakiramdam ko fit na fit yung kamay niya sa kamay ko.



"Huy okay ka lang ba? Anong trip mo sa kamay ko?" Napabaling sa mukha niya ang tingin ko. Nakangiti siya at hindi ko naramdaman ang pag ayaw niya sa hawak ko.




"May work ka di ba? 2pm palang ha." Nag indian sit nalang ako kaya ngayon magkaharap na kami. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.



"Leave. Ikaw hanggang kailan pasok niyo?" Napabaling siya sa kamay naming magkahawak marahil dahil pinipisil pisil ko ang kamay niya. Natatawa tuloy akong pinagpatuloy yun.





"Itigil mo nga yung pagpisil. Nilalamog mo kamay ko e." Natawa ako kaya sinamaan niya agad ako ng tingin kaya tinigil ko na pero hindi ko pa rin binibitawan.




"Last day na namin kanina. Christmas Break na namin." Pinisil ko ulit ang kamay niya. Akmang ilalayo na niya sakin ang kamay niya kaya hinawakan ko ng mas mahigpit.




"Inaantok ako deanna." Humihikab na sabi niya. Umusog naman ako ng half sa kama ko para yung half sakanya.





"Go. Sleep." Utos ko sakanya. Humiga naman siya ng walang pagrereklamo maliban nalang sa kamay niya na hawak ko. Hinihila niya kasi sakin.



"Si Jema napakadamot. Pahawak lang e." Nakapout na sabi ko sakanya.



"Wag ka ngang magganyan. Di tatalab sakin yan. Bitawan mo na ko. Gusto kong matulog." Patuloy niyang hinihila ang kamay niya sakin.



"Matagal na kitang binitawan ha? 3 yrs na di ba? Mag 4 yrs na nga ata e." Natatawang biro ko sakanya na ikinatigil ng paghila niya sa kamay niya. Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Maling biro ang nabitawan ko, patay.





"Uy, biro lang yun. Sige tulog ka na nga." Binitawan ko na ang kamay niya. Humiga nalang din ako sa kama ko at dumapa patalikod sakanya. Deanna naman kasi e. Maling biro self. Maling mali. Tsk tsk.






Dare or ConsequenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon