33

4.1K 113 1
                                    

Jema's POV

"Kung hindi mo na kaya, Jema sumuko ka na." Sabi ni Cassy. Kanina ko pa sila kasama. Pag uwi ko ay saktong nagkasalubong kami. Nandito kami ngayon nila Mark sa kwarto ko. Nagpapahinga na kasi sila mama para hindi maingay dito kami nag usap usap. Lalo na't hindi ko pa nasasabi sakanila ang about samin ni Deanna.



May balak naman akong sabihin dahil kilala ko ang parents ko, alam kong matatanggap nila ako. Hinihintay ko lang ang signal ni Deanna na umamin kami. Si Deanna pa rin ang top priority ko dito sa relasyon namin.




Sila Cassy ang nagiging sandalan ko ngayon. Sakanila ko iniyak yung pain na dala dala ko kanina pa nung umalis kami biglaan nila Deanna sa bar. Inatake na naman ng takot at kaduwagan ang bb ko.


"Bakit kasi hindi mo sakanya sabihin na nasasaktan ka na?" Sabi ni Mark. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama ko habang sila ni Cassy ay nakaupo sa sofa bali katapat ko sila.





"Hindi ka ba nakikinig sakin? Ayoko nga kasi baka iwan niya ko. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Deanna di ba? To the point na kaya kong ibaba ang sarili ko sakanya para magstay lang siya. Kaya kong masak--"






"Hanggang kailan jema?" Napatigil ako ng putulin ni Cassy ang sinasabi ko. Itinigil ko na ang pagpupunas sa mga luha ko dahil useless naman, tuloy tuloy pa rin ang patak ng mga luha ko. Parang ayaw nilang maubos.





"Jema naaawa na ko sayo. Hanggang kailan mo ba kayang ihandle yang pain na yan? Noon pa yan ha. Bakit pakiramdam ko lalong lumala yang pain na yan ng naging kayo na?" Yumuko lang ako at patuloy na naiyak ng marinig ko yung sinabi ni Cassy.






"Given na si Deanna yung nagpapasaya sayo. Pero pakiramdam namin siya din yung reason ng pain mo. Yung tipong mas lamang yung pain kesa sa happiness. Nasan na yung jemang laging nakangiti tuwing kasama namin? Yung jemang laging masungit sakin. Kasi pansin namin everytime na magkasama tayo laging yung pain na pinagdadaanan mo kay deanna yung pinag uusapan natin. Lagi ka nalang umiiyak." Sabi ni Mark. Napatakip ko na ang mga palad ko sa mukha ko. Pinipigilan kong makagawa ng ingay dahil sa pag iyak ko.






"Guys, anong gusto niyong palabasin? Ibreak ko siya? Isang linggo palang nga kami e." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.







"Yun na nga e. Kabago bago niyo palang ulit ganyan ka na masaktan. What more pa kapag nagtagal na kayo?" Sabi ni Mark sakin. Seryosong nakamasid lang sakin si mark habang si cassy ay mababakas ko ang pag aaalala sa mga mata niya.







"Mahal ko siya. Mahal niya ko. Mahal namin yung isa't isa. Alam kong kapag nagtagal na kami mawawala na rin tong pain na to. Kaya ko pa naman tiisin e. Titiisin ko muna hanggang sa maging matapang yung bb ko." Nakatingin ako sakanila ng sabihin ko yun.



May tiwala ako kay Deanna na balang araw kaya niya ring maging matapang. Balang araw maipagmamalaki rin ako ni Deanna. Balang araw wala na siyang magiging pakialam sa mga matang nakamasid samin na pilit kaming huhusgahan. Balang araw matatanggap rin kami. Balang araw magiging malaya rin kami.







Deanna's POV

Lumipas ang Christmas at bagong taon na hindi kami nagkita ni Jema pero yung communication namin ay tuloy tuloy pa rin. Nakasama ko ang mga relatives ko nung christmas. May mga tita ako na nagtatanong sakin kung may boyfriend ba daw ako. At everytime na tinatanong nila yun ay nagkakatinginan kami ni Leny. Si leny ang kasakasama ko nung Christmas. Nalaman ko na 2 years na palang may girlfriend si Leny. Aabot kaya kami ng ganong katagal ni Jema?
















Dare or Consequenceحيث تعيش القصص. اكتشف الآن