38

4.9K 142 19
                                    

Deanna's POV

Nagising ako ng nagreact ang katawan ko ng mapanaginipan kong nahulog ako. Napamulat agad ako ng mata sa pagkabigla. Kalaunan ay nakaramdam ako ng pagkangalay. Napatingin ako sa kaliwang side ko. Nakaunan sa braso ko si Jema habang nakayakap sakin.



Madilim pa. Anong oras ba ako nakatulog?


Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya naman dahan dahan kong tinatanggal ang pagkakayakap sakin ni Jema. Pero hindi ko nagawa dahil pati ang hita niya ay nakasampa sakin.







"Nauuhaw na ko." Mahinang sabi ko habang pinagmamasdan siyang matulog. Hindi ako makakainom kung hindi ko siya gigisingin.




"Jema" Mahinang Tapik ko sa braso niyang nakayakap sakin. Inulit ulit ko yun hanggang sa maalimpungatan siya. Pagmulat ng mga mata niya ay nakatingin lang siya sakin. Hindi pa rin niya tinatanggal ang katawan niyang nakayapos sakin.




"Nauuhaw ako." Nakakailang ang pagtingin niya sakin. Pagsabi ko nun pansin kong sa labi ko siya nakatingin.


Sa pagkailang ko sakanya ay sinubukan kong tumayo pero hindi niya ko hinayaang makawala sa yakap niya. Kaya napabaling ulit ang tingin ko sakanya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sakin.






"Jema nauuhaw ako." Ulit ko pa sakanya.


"Ako rin." Sabi niya. Hindi ako nakareact agad ng maramdaman ko ang labi niya. Naopen naman ang labi ko kaya agad niyang pinasok ang dila niya. Ilang minuto rin ang tinagal ang halik na yun.



"Je..ma" Hindi pa ko nakakarecover ng masabi ko ang name niya dahil sa pagkagulat.



"Deanna. I want you." Naramdaman kong naglalakbay na ang kamay niya sa loob ng damit ko.













(A/N: sorry po hindi ako marunong gumawa ng spg. Mag imagine nalang kayo guys. Peace ✌🏻️)









- - -

Jema's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Nakapikit na kinapa ko sa table ko ang alarm ko at pinatay. 5:30am na pero parang ayaw kong bumangon. Pakiramdam ko antok na antok pa ko.





Naramdaman kong gumalaw ang kama, tsaka ko naramdaman na kinulong ako sa yakap ng katabi ko. Minulat ko ang mga mata ko. Pinagmasdan ko ang nakapikit na Deanna Wong sa tabi ko.





Pinigilan ko kagabing halikan siya sa labi niya dahil tulog siya at baka kung san mapunta pa. Pero ng ginising niya ko at sinabing nauuhaw siya. Nauhaw rin ako. Ang lapit lapit niya nun sakin ng sabihin niya yun kaya nawala ako sa katinuan at nagpaakit sa labi niya. Hanggang sa pareho naming nasatisfy ang uhaw namin.









Napadako na naman tuloy ang tingin ko sa labi niya. Pinagmasdan ko ang katawan namin. Nakabalot sa kumot. Nakakalat ang mga damit namin. May nangyari nga. Hindi panaginip ang lahat.







"Jema." Nakatingin siya sakin ng mapatingin ako sakanya. Gusto ko yung ganito. Yung kahit pagod ako sa work pero bago ako matulog siya yung makakasama ko. Paggising ko siya ang mabubungaran ko. Ganitong buhay ang gusto ko. Buhay kung saan siya ang kasama ko.






"Anong iniisip mo?" Tanong niya sakin habang nakayakap pa rin. My clingy wong.


"Bakit gusto mong malaman?" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya. My happy pill.



"Nakangiti ka kasi e." Sabi niya sabay halik rin sa pisngi ko. Lalong lumawak ang pagkakangiti ko.




"Ang ganda kasi ng umaga ko. Kasing ganda ng katabi ko ngayon." Sabi ko sakanya. Nakita kong napangiti siya.




"Kilig ka?" Dagdag ko pa habang nakatingin sa mata niya. Agad naman siyang yumakap sakin at sumiksik sa leeg ko. Naramdaman kong hinahalik halikan niya ko dun.





"Mas maganda ka." Sabi niya pagtigil niya sa paghalik halik. Pero nakasiksik pa rin siya sa leeg ko.





"Todo makayakap ha. Namiss mo ko?" Tanong ko sakanya ng maramdaman kong hinigpitan niya ang yakap sakin. Yung pakiramdam na ayaw ka na ulit niya mawala. Gusto ko to. Yung magpakulong sa yakap niya. Yung madikit sa balat niya. Yung maramdaman ang tibok ng puso niya na sumasabay sa tibok ng puso ko, nagiging isa kami.




"Totoo to di ba? Yakap talaga kita? Baka kasi nananaginip lang ako dala ng pagkamiss ko sayo. Jema, totoo to di ba? Kapag pumikit ako pagmulat ko makikita pa rin kita di ba? Mahal na mahal pa rin kasi kita. Lumipas man ang mga taon. Yakap mo pa rin yung hinahanap hanap ko. Boses mo pa rin yung gusto kong pakinggan. Ngiti mo pa rin ang gusto kong masilayan." Inangat niya ang tingin niya sakin. Nilevel niya ang mukha niya sakin. Kinalas niya ang pagkakayakap sakin. Hinawakan niya ng kamay niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang di ko namalayang pumatak na pala. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko.





"Ikaw pa rin ang gusto kong makasama sa bukas ko. Ikaw pa rin." Nagtuloy tuloy lumandas ang mga luha ko. Hindi dahil sa nasasaktan ako kundi dahil sa sobrang kasiyahan. Ako pa rin. Nalayo man kami ng ganong katagal, ako pa rin. Wala man kasiguraduhan ang pagbitaw ko sakanya noon pero hanggang ngayon ako pa rin. Ako pa rin yung gusto niyang makasama.


Umupo ako sa kama ko sumunod naman siya. Magkaharap kaming umupo sa kama ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Jema, say something please." Bumitaw ako sa hawak ko sa kamay niya at lumapit pa sakanya. Hinawakan ko naman ngayon ang pisngi niya na dinadaluyan ng mga luha niya. Napapikit siya sa paghawak ko. Deanna. My Deanna Wong. My baby. My happiness. My past. My present. And definitely My future.





"I love you My Deanna Wong." She's crying but smiling at a same time. She's happy. I feel it.




"Love, wag ka na ulit aalis. Wag ka na ulit susuko. Wag ka na ulit bibitaw. Wag mo na ulit akong iiwanan." Sabi niya ng hawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya.





"Promise baby wong, last na yun. Wala ng bibitaw. Wala ng susuko. Wala ng mang iiwan." Pinunta niya sa labi niya ang kamay ko at paulit ulit na hinalikan. She's my everything.



"Jema, okay na ang lahat. Ipapakilala na kita sa kanila. Maipagmamalaki na kita sakanila. Hinding hindi na kita itatago pa. Tapos na yun baby. Tanggap na nila ako. Tanggap na nila tayo." Sabi niya habang pinagmamasdan namin ang isa't isa.





Alam ko baby, alam ko.


- - -

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now