31

4.4K 149 20
                                    

Deanna's POV

Nagsasapatos na ko ng mapalingon ako sa pintuan ko dahil may nakatok. Tinapos ko muna ang pagsasapatos bago pagbuksan ang kumakatok.


"Uy naligaw ka." Tiningnan niya ang kabuuan ko. paa hanggang ulo.



"San lakad mo? Wrong timing ata pagpunta ko." Sabi niya pag upo sa kama ko. Dumaretso naman ako sa salaminan ko at tiningnan ang ayos ko. Shirt, jeans, at white shoes. Okay na to.




"Tutal nandito ka naman tara samahan mo ko." Yaya ko sa nakamasid sa mga kilos ko na humiga pa sa kama ko.



Nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko ay agad ko namang tiningnan ang nagtext.

'Bb punta ko dyan?' Siguro tamad na tamad na to sakanila dahil sabado ngayon. Wala siyang work.


"Sino yan? Boyfie mo? Makangiti ha." Napasulyap naman ako sa nakaupo na sa kama ko. Napailing nalang ako sakanya. Binalik ko ang baling ko sa phone ko.



'B may pupuntahan ako ngayon e. Wag ka ng pumunta dito.' Pagkasend ko ay agad naman siyang nagreply. Bilis ha.



'San ka pupunta? Sama ako.'

'Wag na. Pahinga ka nalang dyan.'

'K. Ingat ka.'

Tinago ko na ang phone ko sa pocket ko at bumaling sa kasama ko dito sa room ko.

"Tara, samahan mo na ko." Tiningnan niya ko ng nakataas ang isang kilay sakin.


"Ayokong maging thirdwheel sainyo ni Samuel. Uuwi nalang ako. o di kaya punta nalang ako kay Dave." Kinuha ko na ang wallet ko at chineck kung wala na kong naiiwan.


"Samahan mo ko kila jema. Tsaka wala na kami ni Samuel. Tara na, maya na ko magpapaliwanag sayo. Tagal mong nawala e." Nakita ko ang pagkabigla sakanya.



"Paano? Ba--"

"Anne tara na. Maya na paliwanag ha." Hila ko sakanya para tumayo na. Nagpaalam na ko ng makita ko sila Mama sa baba at agad na lumabas ng bahay.





"Wag mo nga kong kaladkarin!" Hila ni Anne sa kamay niya sa hawak ko.



"Tsaka ano nga ulit yun? Nabingi ata ako. Break na kayo ni Samuel? Paano? Buti na tauhan ka no? Niloko ka ba? Tsaka ano yung kay Jema? Bakit natin pupuntahan si Jema?" Natatawang tiningnan ko naman siya. Mababakas kasi sa mukha niya yung pagtataka at pagkalito.








- - -

Pagbaba namin sa jeep ay hinigit ko siya sa bilihan ng pizza.

"Kanina ka pa higit ng higit ha. Hindi mo naman sinasagot mga tanong ko e." Tiningnan ko lang siya at nginitian. Nakuha ko naman agad ang order ko. Kaya agad ko niyaya si Anne na lumabas na.




"Atat na atat ha. Hindi naman halatang excited kang pumunta kila jema." Nginitian ko lang ulit siya kaya napakunot na ang noo niya dahil sa pagkainis.





Pagbaba namin ay nagdoorbell na ko sakanila. Hindi naman nagtagal ay agad na nagbukas ang pintuan nila. Gulat ang mababakas sa mukha niya.





Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now