24

4.4K 105 9
                                    

Jema's POV

Madalas na kaming magkita ni Deanna dahil sinabihan ko siya na kapag kailangan niya ng kasama lagi niya kong yayain. I'll make sure na may oras lagi ako sakanya kapag kailangan niya ko.



'Jema free ka?' text sakin ni Deanna. Kasalukuyan akong nasa work ngayon. 3pm palang at 5pm pa ang out ko.


"Huy!" Napaangat ang tingin ko sa harapan ko.

"Tulala ka na naman dyan. Ang dami mo ng trabahong nakatambak. Kilos kilos. Wag mong sabihing mag a-undertime ka na naman. Nako ha. Bibingo ka na kay boss." Sabi ni Ericka kaharap ko ng cubicle. Nawarningan na kasi ako.



Napabuntong hininga naman ako ng mapatingin ulit ako sa phone ko. Ano irereply ko?







- - -
Deanna's POV

Minuto minuto ako natingin sa phone ko habang nagkaklase si Sir Aves sa Trigo namin. Last class ko na to. 4pm ang out ko at 3:35pm na wala pa rin akong natatanggap na reply mula kay Jema. Alam naman niya ang schedule ko dahil hiningi niya sakin before yun.



'Baka busy' Isip isip ko.



'Pero sabi niya anytime na gusto ko ng kasama itext ko lang siya.' Kontra ko naman sa una kong naisip.

'Pero may work yun baka busy talaga.' Syempre priority niya yung work niya kesa sakin. Malungkot na tumingin ulit ako sa phone ko.


"Wala talaga." Bulong ko bago Tinabi ang phone ko at nakinig na kay Sir.









Uwian na. Tiningnan ko ulit ang phone ko habang nakaupo pa rin. Napabuntong hininga naman ako ng wala akong mensaheng natanggap sakanya. Nasanay na naman ata ako sa presence niya.


"Uy Deanna." Napaangat ang tingin ko kay Ivy na nasa harapan ko na ngayon at nakabag na siya.

"Hindi ka na naman ba susunduin ni Samuel?" Kung nasanay ako sa presence ni Jema, nasanay naman ako sa absence ni Samuel. Mag iisang buwan na, na laging may inaasikaso si Samuel. Napansin kong magsimula yun ng magbonding silang magkakaibigan. Iniiwasan naman niyang sabihin sakin kapag nagtatanong na ko about sa inaasikaso niya, kaya hindi ko na pinipilit iopen. May tiwala ako sakanya pero minsan hindi ko maiwasang manghinala kasi madalas na siyang mawalan ng oras sakin katulad ngayon. Nagpaalam na naman siya na hindi ako maihahatid kasi may aasikasuhin siya after class niya.



Monthsary namin kahapon hindi tulad ng mga nakaraang monthsary namin na effort na effort siya ngayon simpleng kumain lang kami sa bahay at sandaling celebration lang kasama sila Papa at Mama dahil umalis din agad siya dahil may kailangan daw siyang puntahan. Pinigilan ko siyang umalis kahapon pero umalis pa rin siya.


"May inaasikaso siya." Sagot ko bago tumayo.



"Maayos pa ba kayo? Pansin kasi namin na parang nagbago siya sa pakikitungo sayo. Lagi nalang walang time sayo. Wala naman siguro siyang iba di ba?" Tiningnan ko si Mary nang sabihin niya yun.

Pumasok din naman sa isip ko na baka may iba si Samuel pero ineerase ko agad kasi malabo. Sinabi niya saking sigurado na siya sakin. Bakit pa siya magkakaroon ng iba kung ako na talaga ang nakikita niya sa future niya? Kaya malabo yun.


"Busy lang siya. Yun lang yun." Sabi ko sabay lakad palabas ng room namin. Ramdam ko namang nakasunod sila sakin sa likuran ko.






Paglabas namin ng school ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil magkakaiba na kami ng way. Magkatulad ng way si Mary at Ivy. Kami naman ni John ang magkasabay.






Napahinto ako ng lakad ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. Paglinga ko sa likuran ko ay nakita kong nakatingin siya sakin habang hinahabol ang hininga niya. Tinitigan ko lang siya hanggang sa maging steady ang hininga niya.



Kinulbit naman ako ni John kaya napatingin ako sakanya.


"Una na ko?" Tumungo naman ako sakanya at ngitinian siya kaya tumalikod na siya sakin at umalis na. Tiningnan ko ulit ang taong nakahawak pa rin sa braso ko.




"Ang bilis niyo maglakad. Tinatawag kita di mo ko naririnig kaya tinext kita di mo naman hawak phone mo. Wala tuloy akong choice kundi habulin ka." Binitawan na niya ako pagkatapos niyang sabihin yun.


"Akala ko kasi busy ka, di ka kasi nagreply sakin kanina." Nginitian niya ko sabay hawak sa kamay ko at sinimulan niya maglakad kaya sumunod ako sakanya.



"Alam mo namang hindi kita matitiis di ba? Sabi ko sayo text mo lang ako kapag gusto mo ng kasama. Malakas ka sakin." Sabi niya habang patuloy kaming naglalakad. Napangiti nalang ako matapos kong marinig yun.

- - -
Jema's POV

Nandito kami ngayon sa McDo ni Deanna dahil nagyaya na siyang kumain, nagutom daw siya sa klase niya kanina.

Hinihintay nalang namin ang order namin habang nakaupo kami.

Minadali kong tapusin ang work ko kanina pero may natira pa ring papers sa table ko. Hindi na naman ganon karami kaya ko na namang tapusin bukas yun di nalang siguro ako magbrebreak sa work bukas para matapos lahat ng yun. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko ng iinform si Deanna na pupuntahan ko siya buti nalang pagdating ko ay nakita ko siya sa malayo nakakalabas lang ng school nila.




"Jema." Napatingin ako kay Deanna ng marinig ko siya. Nakatingin siya sakin na parang binabasa ako.


"Hindi ka pa ba kakain? Parang ang lalim ng iniisip mo hindi mo ata namalayan na nandito na food natin." Napatingin namana ako sa table namin. Nakaready na nga. Bukas na nga sa balot ang rice ni Deanna habang yung akin nakabalot pa.



"Sorry." Sabi ko sabay ayos ng food ko.


"Kung ayaw mong kumain okay lang naman. Akin nalang." Natatawang biro niya sakin. Natawa rin tuloy ako. Malakas talaga siyang kumain hindi ako magtataka kung kaya niya din ubusin ang sakin.


"Baliw." Sabi ko sakanya bago magstart sa pagkain. Hindi na siya sumagot dahil nagsisimula na siyang kumain.








Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami. 4:48pm na pala pagtingin ko sa phone ko.



"Deanna san tayo next?" Baling na tanong ko sakanya. Para namang wala siyang narinig ng tumingin ako sakanya ay nakakunot ang noo niya at titig na titig sa harapan namin. Sinundan ko kung san siya nakatingin. Nabigla ako ng makita kong nandito siya. Hindi niya ba napansin na nandito din kami? Malamang hindi. Hindi naman niya magagawang subuan ang babaeng kasama niya kung alam niyang nakatingin sakanya si Deanna. Bumaling ulit ako kay Deanna. Nakita kong kinakalikot niya ang phone niya.





"Shit! Sino yun? Akala ko ba may inaasikaso ka lang?" Bulong bulong niya pero sapat lang para marinig ko habang nakatingin sa phone niya.





"Bakit ayaw mong magreply!?" Tinititigan ko siya habang nakabaling pa rin sa phone niya. Kitang kita yung inis at sakit sa expression niya ngayon. Kitang kita ko na nasasaktan siya at pinipigilan niyang maiyak dahil may nakikita na kong namumuong luha sa mga mata niya.




Umangat ang tingin niya sakin kaya kitang kita ko ngayon ang pagpipigil niya sa mga luha niya.



"Jema. Uwi na tayo."

Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now