Eight

5.1K 139 6
                                    

Deanna's POV

"Kumusta?" Sabi ni Anne. Andito kami ngayon sa kwarto ko kakatapos lang namin maglunch at kakaalis lang nila Papa.

Napatingin ako sakanya. Nasa kama ko siya habang nakaindian sit. Habang ako andito sa couch ko nakaupo.

"Okay pa ba puso mo?" Dagdag pa niya.



Pumikit nalang ako at sumandal sa couch. Pinakiramdaman ko ang puso ko. Okay pa naman. Siguro.



Pumunta nalang ako ng sala at iniwan sa kwarto si Anne. Pansin kong nakatingin siya sa kilos ko bago ako lumabas ng kwarto. Para niya kong binabasa.


Ayokong mabasa niya ko. Ayoko pati siya ay maaapektuhan sa maaari niyang makita na ako lang ang nakakaramdam. Ayokong may madamay na tao. Okay ako, yun dapat ang ipakita ko. Okay ako.



Nanood nalang ako sa sala namin. Palipat lipat ng channel. Nangwala naman akong makitang interesado inoff ko nalang ang tv.

Ang hirap pilitan. Minsan talaga okay rin tong mag isa ako. Pakiramdam ko nakakahinga ako, pero bakit parang ang bigat?



"oh" pagmulat ko may panyo na nakatapat sakin. Pagtingala ko, malungkot na mata ang nakikita ko.



"kunin mo na. Malinis yan wag kang mag alala. Umiiyak ka na oh." Tsaka ko palang napansin na basa na pala ang mga pisngi ko.


Masyadong malalim na ang naiisip ko. Masyado ng masakit. Panahon na siguro para maglet go. 3 years. Sapat na siguro yung tagal na yun para maramdaman ko yung pain na iniwan ko siya. Masyado ko ng kinulong yung puso ko sa nakaraan. Panahon na para kumawala. Panahon na para patawarin ko ang sarili ko.


Naramdaman kong pinupunasan na ang mga luha sa pisngi ko. Natuyo na.



"Deanna, tama na." Napamulat ako, at sa pangalawang pagkakataon mga mata na naman niya ang unang sumalubong sakin.

Nakapantay na siya sakin.


"Deanna." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Naramdaman kong nagside hug siya sakin sabay sandal.


"Okay lang ako." Ngiti ko sakanya sabay sandal ko din sakanya.



- - -

"Deanna"

"Deanna gising na." Nakaramdam ako ng tapik sa braso ko.

"Deanna naman eh! Gutom na ko!" Pagrereklamo ni Anne, narinig ko na padabog siyang umupo sa couch. Pagtapos niya ko samahan magdrama kanina ay nakaramdam kami ng antok kaya natulog muna kami.


Kinapa ko ang cellphone ko, pagtingin ko sa time ay 6:03pm na pala. 3 hours na tulog, not bad.



pabangon ko ay nakasimangot na nakatingin sakin si Anne.

"Bakit?" natatawa kong tanong sakanya habang inaayos ko ang kama ko.


"hmp! ewan ko sayo." Sabi niya sabay labas ng kwarto ko.


Paglabas ko nakita ko si Anne na nanonood na ng tv sa sala. Dumaretso na ko sa kitchen para magluto ng dinner namin.




"Anne tara na! Luto na!" Sigaw ko kay Anne dito sa dinning table. Nahanda ko na ang kakainin namin.


"uy dahan dahan lang naman." Natatawang sita ko sakanya. Pano ba naman kasi lunok nalang at ng lunok yung ginagawa niya. Tuloy tuloy ang subo eh.



Dare or ConsequenceWhere stories live. Discover now