chapter 1

118 7 0
                                    


This is a work of fiction.
names, characters, events, places, businesses and incidents are only a product of author's imagination.

Whichever the similarities at the real life are purely coincidental and a fictitious manner.
No part of this story can reproduce into another story without knowing by the author.

********

This is the first story of Murillon series. I hope you like it Lalabs!

Sorry for some grammatical errors, please comment if you want to.. And im gladly appreciate it.. Don't hesitate to vote..because it will be the most important thing you'd giving me.

Thank you Lalabs!!

SL works

Murillon series #1

Vicent-Deman Murillon w/ Elena-rose Villan


Chapter 1

Vicent-Deman

Kasalukuyang inaani ang aming malawak na palayan. Kaysarap pagmasdan ang daang-daang trabahador na sama-samang nagtatrabaho.

Nakatayo ako ngayon sa lilim ng napakalaking punong mangga na siyang nagsisilbing silungan ng maraming trabahador.

Nakatayo ito sa gitna ng aming palayan at sinadyang pagawaan ng maraming mga bangko at lamesa na gawa sa kahoy.

Hindi na ako nag-abalang magpagawa ng kamalig dahil sapat na ang malagong mga sanga at makapal na dahon ng punong-manggang ito para silungan at ang malawak na espasyo na magkakasya ang kahit limang daang Tao.

Napakalinis dito sa lilim ng puno dahil mayron akong itinalagang tagapaglinis upang Hindi makadama ng pandidiri ang mga trabahador ko habang silay kumakain.

Kaya Kong kumuha ng kahit na ilang rice harvester para mapadali ang proseso ng pag-aani, pero kailanman ay Hindi iyon sumagi sa isip ko,dahil ayaw Kong mawalan ng hanapbuhay kahit isa man sa lahat ng mga trabahador ko na alam Kong umaasa sila sa pagtatrabaho sa Murillon farm.

I am Vicent-Deman but not a demon.

Mahal ko ang Murillon farm at kuntento na ako dito. Sa katunayan nga ay wala na akong mahihiling pa.

"Vicent my son!"

Nagulantang ako,at natigil ang malalim Kong pag-iisip,when I heard that very gentle and loving voice of my mom.

"Donya Reditha! Don Deman! Magandang umaga ho sa inyo!"

Bago pa ako makasagot ay
Magalang na bati nina Laila at Elna sa mga magulang ko na kararating palang.

Ngumiti si mom sa kanila at pinaghanda na sila ng miryenda ng mga trabahador.

"Dad..Mom..bakit nag-abala pa kayo, kaya ko narin naman dito sa farm."

Kunot-noong wika ko.

"Hijo...may sasabihin lang ang Daddy mo,sige Deman mag-usap na kayo at tutulungan ko lang sina Laila."

Umalis na si Mom kaya kami nalang ni Dad ang naiwan.

"Have a seat Dad.."

Iginiya ko si Daddy sa mahabang upuang naroon para makaupo.
Umupo naman ako sa tabi niya.

"Son..wala kana ba talagang balak pamahalaan ang Murillon Agri buy&sell o Murillon pawnshop o kahit na anong business natin sa bayan para maiba naman ang lungga mo?"

Biglang kumirot ang sentido ko sa pinagsasabi ni Dad.
Here we go again...

Magtatalo na naman ba kami sa bagay na ito?

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. At sigurado akong Hindi na maipinta ang mukha ko.

"Dad?! You already know my reason right?"

"But Vicent...you're turning into 27..pero wala ka paring seryosong relasyon! Kailan ka maghahanap ng babaeng pakakasalan mo? Ni Hindi mo binibigyang pansin ang mga desenteng mayayamang dalagang pinapakilala ko sayo! Ibinuburo mo nalang ang sarili mo dito sa farm,porke't agricultural ang tinapos mo ay wala ka ng pinagkaabalahang iba...."

"Dad. I love this farm..at wala akong pakialam kung tatanda akong binata. Hindi ko na kailangan ang alinmang letseng pagibig na tinutukoy mong yan! Lalo pa't iyang mga babaeng napakabulgar at parang tuko kung makakapit sa akin? My god dad! Ayaw Kong manipulahin ng kahit sino kaya I really don't want to involved yet!"

Hindi na mailarawan ang disappointment sa mukha ni Dad ngayon.

Ayaw ko naman siyang saktan at biguin ng ganito pero naiisip ko palang ang mga babaeng inirereto niya sa akin na halos wala ng mga damit para lang matawag na sexy,hot or whatever that compliment is..and most of all ay para mapansin lang ng isang Vicent-Deman Murillon! Ay parang naaalibadbaran na ako.

"Look Vicent,your mom and I are getting older,gusto narin naming magkaapo at masigurong may magtataguyod sa mga negosyo natin pagdating ng panahon..."

"I know dad,pero sa ngayon ay wala pa akong nakikitang dapat Kong alayan ng aking pangalan,those damn women's are doing not good things just to please by the others. And that the reason why I don't like them Dad...."

Marahas na napabuga ng hangin si Dad.

Nakita Kong papalapit narin ang mga mga trabahador para sa kanilang miryenda.

Inabala ko na ang sarili ko sa pagtulong kina mom sa paghahanda ng mga pagkain.

Si dad naman ay nabaling na ang atensiyon sa pakikipagbiruan sa mga matatandang trabahador.

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now