chapter 35

35 4 0
                                    


°°><o><°°><o><°°
O'oh!
Hello readers...nandito na naman si Ate Shaim' bumabati sa iyo ng maaliwalas na umaga kung umaga ngayong binabasa mo ito!
Magandang tanghali,malamig na hapon at masarap na gabi!😁😁😁😁😁😁😁
Ano man ang oras ngayon at kung nasaan kaman,kung reader kita...voter at commenter ay taos puso akong nagpapasalamat sa iyo sa walang sawang pagsubaybay sa aking story...
Gusto ko lang pong ipabatid na hanggang chapter 40 lang ang lahat ng Murillon series!
Sana po nagustuhan niyo hindi man po ako kasing-galing ng mga sikat na author at idol ninyo,ay sobrang saya ko naman po sapagkat alam Kong nandyan parin kayo para basahin ang mga stories ko....

Maraming(10x) salamat po...
Love much all of you!😘😘💖💖💖💖💓💓💓💝💝💟💟💗💗💕💕

~~Ate Shaim'
~~SL works
~~shaimalubalang

Hallefah

"Oh my god!"

Wala sa loob na napatayo ako.

Ganon nalang ang panlulumo ko nang makita ko na nangingitim na ang bawat gilid ng cooking pan at malakas na sagitsit nito ang naririnig.

Natutop ko ang bibig ko ng nagmamadaling binuhusan ni Vicent ng tubig ang cooking pan.
Napalingon ako sa kanya at Hindi ko na napigil ang sarili kong mapahagulgol sa dibdib niya nang yakapin niya ako.

Pakiramdam ko napaka walang kwenta ko talagang babae dahil Hindi ako marunong magluto,paano nalang ang Plano Kong pagbawi Kay Vicent kung ganito ang kinalabasan?

"My Lady...tama na..OK lang kung Hindi ka marunong,bakit kasi ikaw pa ang gumawa. Ang daming katulong diyan sa labas na pwede mong utusan."

Mas lalong lumakas ang hikbi ko dahil sa sinabi niya,ayaw ko lang kasing tanggapin na masabihan akong Hindi marunong lalo pa't sa mahal ko na ito manggagaling!

Pero anong magagawa ko, iyon ang totoo eh!

Ang gusto ko lang marinig ngayon ay sabihin din niyang Hindi lang ako ang taong Hindi marunong sa kusina kundi pati siya.

Kaya inangat ko ang mukha ko mula sa pagkakasubsob  sa dibdib niya at hinuli ko ng tingin ang mga mata niya.

"Tell me Vicent na,pareho lang tayo,na Hindi karin marunong magluto..pls?"

Tumawa siya ng pagak na mas lalong nagpatindi sa disappointment na nararamdaman ko.

"My Lady...Hindi ko alam na ito lang pala ang magpapaiyak sayo,ang masunugan ng niluluto!"

Inis na inambahan ko siya ng suntok sa mukha dahil Hindi na niya napipigil ang malakas na paghalakhak.

Namumula na ang mukha niya sa pagpipigil pero Hindi na niya magawa.

Napapasimangot na ako ng todo ngayon dahil sa inis sa kanya.

"Walang nakakatawa Vicent-deman Murillon!"

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang babaeng nakilala kong magaling sa lahat at may pusong bato ay makikita ko ang luha dahil lang sa pagluluto!"

Natatawa paring ani niya.

"Damn you!"

Pakiramdam ko namumula na talaga ang mukha ko ngayon, kahit alam Kong binibiro lang niya ako ay hindi ko rin maitatangging nahihiya ako ng konti!

Pero konti lang talaga promise!

"Okay,okay my Lady...suko na ako wag ka ng magalit,now watch me!"

**********

Manghang napatitig nalang ako sa likuran ni Vicent na maliksing kumikilos habang nagluluto!

I can't believe this na marunong pala siyang magluto! At para bang expert na expert ah!

My gosh! Hindi na konti ang hiya ko ngayon...!!! Madami na!!!




SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن