chapter 38

37 5 0
                                    


Hallefah

When we finally sat down at their dining room ay nakahinga ako ng maluwag.

Mahaba-habang kwentuhan kasi ang pinagdaanan namin ni Vicent dahil nabigla daw ang mga parents niya lalo na ang mommy niya.

Buti pa ang Dad niya kasi napansin Kong may clue na ito tungkol sa mga nangyari.

And as usual.. Madalang lang akong magsalita sa harap nila pero nakikinig ako sa bawat detalye ng mga pinag-uusapan.

At dahil kilala na ako ni Vicent-deman ng buung-buo ay siya na ang sumasalo sa bawat tanong kung Hindi naman ito masyadong personal.

Para kaming sumailalim sa interrogation techniques kaya laking pasalamat ko na ngayon dahil at last ay natapos narin.

I like his mother dahil kahit masyadong matanong ay mukhang makakasundo ko dahil magaan ang loob ko sa kanya.

In other way,gustong-gusto Kong titigan ang mukha niya.. She is so beautiful kahit pa nasa mid 40's na siya. Her egg shape face and a pointed nose are very attractive, and her dark pair of lovely eyes na para bang laging ngumingiti. napakakinis parin ng kutis niya na talagang Hindi ka magsasawang titigan ang kabuuan niya.

For me malaki ang pagkakahawig ni Vicent-deman sa kanyang ina.

His dark pair of tempting eyes,a pointed nose and thick eyebrows obviously heritage from his mother, but his lips and perfect shape of face,pati ang male aura and everything about his characters are from his father even the way he speak and walk.

"Hija...from now on,feel free to talk to me. Wag kang mag-aalangang magsumbong sa akin kung may kabulastugang ginawa itong si Vicent ha..."

Kusa akong napangiti dahil kaylambing ng boses ng kanyang ina na para bang hinahaplos ng tinig nito ang puso ko.

"Salamat ho...pero mukhang matino naman po ang anak ninyo."

Napangiti narin ito,siguro nahawa narin sa ngiti ko.

"Alam mo hija,kaya siguro nabihag mo ang pihikang puso nitong unico hijo namin kasi napakaganda mo...Hindi ko masisisi si Vicent kung bakit ayaw ka na niyang pakawalan,minsan lang akong makatagpo ng babaeng tulad mo na magaan ang loob ko kahit sa unang pagkikita pa lang."

Hindi ko inasahan ang tahasang komento niya tungkol sa akin kaya pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko kaya napayuko ako at pinagdiskitahan ko nalang ang pagkain sa Plato.

Samantala sina Vicent at ang kanyang Ama ay tahimik lang na kumakain at Ewan ko ba kung nakakarelate sila sa usapan namin ni Donya Reditha.

Hindi na ako sumagot at kiming ngumiti nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Ilang sandali pa ay natapos narin kami sa lunch, nagpasya kaming Umalis na ni Vicent-deman para asikasuhin ang nalalapit na kasal namin. Ngunit Hindi pumayag sina Don Deman at Donya Reditha.

Kailangan ko daw magpahinga para iwas stress,sila na daw ang bahala sa lahat.

"Anyway Reditha,ipaubaya mo nalang sa kanila ang pag-asikaso sa wedding gown ni Hallefah baka Hindi mag match ang taste niyo."

Wika ni Don Deman sa Asawa pero mariing tumutol ang huli.

"Leave it to me Deman, wag mo ng panghimasukan ang tungkol doon. Matagal ko ng naiplano ang lahat Hindi pa man nakakahanap ang anak natin ng pangangasawain ay nagpagawa na ako ng wedding gown para sa papalaring babae,at ikaw iyon Hallefah..."

Wika niya at bumaling sa gawi ko,nasa sala kami ngayon at nakaupo kaming apat sa tig-iisang sofa.

Lihim akong nasiyahan sa isiping ako ang pinalad na magiging Asawa ni Vicent-deman.

"And hija,don't worry sigurado akong magugustuhan mo iyon. That gown was very special and you deserve to have it."

Malawak ang ngiting lumapit siya sa akin at iginiya ako papanhik sa kanilang bahay.

Medyo nagtaka rin ako kasi akala ko lalabas kami at pupuntahan ang designer na pinagawa niya pero taliwas ang inaasahan ko sa nangyari.

Hindi nalang ako umimik at sumunod na ako sa kanya.

Habang sakay kami ng elevator ay panay ang kwento niya ng iba't-ibang pangyayari sa kanilang buhay pati ang pag-uugali ni Vicent-deman.

Kailangan ko daw siya makilala talaga para Hindi na ako mahirapang mag-adjust kung makasal na kami.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya kahit pa alam ko sa sarili Kong lubusan ko ng kilala ang mapapangasawa ko,dahil lingid sa kaalaman nila ay matagal na kaming magkasama ni Vicent-deman.

Maski ang elevator na sinasakyan namin ngayon ay nagawa parin niyang ikwento kung bakit ipinagawa.

"Our bedroom is at the 4th floor,and because me and Deman are getting older kaya naisipan ni Vicent-deman na imbes na maghagdan kami ay pagawaan nalang ng elevator para Hindi na kami masyadong mapagod. Marurupok na daw ang mga buto namin ng Dad niya kaya't Hindi na namin deserve na magpakapagod pa ng husto."

Wika ni Donya Reditha na sinamahan pa ng mahinang tawa.

When we reached at the 4th floor  ay sabay na kaming lumabas ng elevator at tinungo niya ang isang pinto sa dulo.

After she unlocked the door we get inside.

Lumapit siya sa isang bagay na nakatayo at nababalutan ng malaking  pulang tela.

Inalis niya ang telang iyon kaya tumambad sa paningin ko ang isang puting gown na nakasuot sa mannequin.

Lihim akong napalunok habang pinagmamasdan iyon.

Yeah..Donya Reditha is right,this is a special or should I say more than that...

Naisip ko kung noon lang nangyari ito,noong ako'y isang señorita pa at nabubuhay pa ang mga magulang ko,at kumikinang pa sa kayamanan ang palasyo namin ay worthed sana ang ganito ka expensive na gown para sa akin...

but now...magkakaroon lang ito ng halaga dahil sa tunay na pagmamahal ko Kay Vicent-deman.

Mapakla akong napangiti at lihim Kong pinahid ng palad  ang luha Kong Hindi ko namalayang tumulo na pala.

"Bakit hija...may Hindi ka ba nagustuhan? Sabihin mo lang at baguhin natin."

Wika niya sa akin nang mapansin niyang Hindi ako umimik at nakatitig lang ako sa napakagandang gown.

Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.

I open my mouth to say my thank you for her pero walang tinig na lumabas sa aking lalamunan.

Pero siguro nabasa niya ang ibig Kong sabihin kaya ngumiti siya at niyakap ako.

"Hallefah...ako dapat ang mag pasalamat sa diyos dahil biniyayaan niya ang anak ko ng isang tulad mo...kaya mula ngayon ay Mama at Papa na ang itawag mo sa amin hmm.."

Tumango nalang ako at gumanti sa yakap niya..

Now..napagtanto Kong Hindi ako nagkamali sa pagpili Kay Vicent-deman.... Hanggang sa pamilya niya.





SL works


Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now