chapter 25

45 4 5
                                    


Elena-rose

"Saan tayo pupunta Vicent?"

Takang tanong ko sa kanya. Nandito na kami sa garahe ng kanilang mansion.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng garage,may apat na kotseng naroon na iba-iba ang model. Sa bandang dulo naman ay tatlong matataas na motor.

Isa doon ang laging ginagamit ni Vicent-deman tuwing pinupuntahan niya ako sa headquarter ko para kumbinsihin na ipagbili ko sa kanya ang loteng nabili ko na.

How hardihood he was!

Nabili na nga ng tao,bibilhin pa!

Gosh!

But that was belong to our past,this time kung gugustuhin pa niyang bilhin iyon kahit pa napatayuan ko na ng building para sa sisimulan Kong business dito ay Hindi ko na iyon ipagdadamot sa kanya.

Narealise ko kasing Hindi siya masamang tao,utang ko sa kanya ang buhay ko kahit pa nagmamatigas ako noon...he loved me and I love him so much!

Kung Hindi nga lang dahil sa gulo ng personal kong buhay ay Hindi ko na gugustuhing lumayo pa sa kanya.

Napabuntung- hininga ako. Kung minsan Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang plano kong paglusob sa kampon ni Talfon.

Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako,pero pinipilit Kong alisin ang mga agam-agam na iyon. Matagal na akong sumasabak sa misyon bilang leader ng Red bandits pero nagtatagumpay ako, maliban lang sa huling misyon ko Kay Mr. Abuava na nakabangga namin ang Blue warriors.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala ako sa naroong mga motor.

Nang mabaling ang tingin ko sa kaliwang bahagi ko ay namataan ko ang isang XRM motor.

Napasinghap ako at agad Kong nilapitan iyon.

Parang maluluha ako nang hawakan ko iyon at umupo ako.

I miss you my redee...!

Usual ko sa isip.

Napagtanto ko kung gaano ko namiss ang magpatakbo ng motor at maging Malaya sa lahat...

Redee ang tawag ko sa motor ko na ito, siya ang katuwang ko sa lahat ng misyon ko,saksi ito sa lahat ng nangyayari sa buhay ko kaya mahal na mahal ko.

Akala ko nawala na ito sa akin dahil walang nababanggit si Vicent na naiuwi rin pala niya.

Thanks to him! He is really my saviour!

"Namiss mo ang motor mo?"

Napatuwid ako ng upo nang buhat sa likuran ko ay nagsalita si Vicent.

Tinuyo ko ang namuong luha sa mga mata ko bago humarap sa kanya.

"Salamat Vicent-deman! Kung Hindi dahil sayo ay wala na ang lahat ng mayron ako."

"Sssshh..enough that thank you's,ginawa ko ang mga bagay na iyon dahil mahal kita,nothing else.."

Lumamlam ang pagkakatitig niya sa mukha ko, kaya napangiti nalang ako.

"Let's go?"

Untag niya sa akin.

Tumango ako at umayos ng pwesto sa motor ko.

"Hep! Hindi ka magmo-motor my Lady..."

Pigil niya sa akin ng akmang iistart ko na ang motor.

Kumunot ang noo ko,nawala tuloy ang excitement na nararamdaman ko.

"Why? I want to ride my Redee Vicent-deman."

"No,Hindi pwede my Lady..remember the posters?"

Nalaglag ang balikat ko nang matukoy ko ang gusto niyang iparating. Yeah I admit that he has a point. Kaya nagpatianod nalang ako nang igiya niya ako patungo sa isa sa mga kotse niya.

Nakasakay na ako sa kotse pero palaisipan parin sa akin kung saan nga ba kami pupunta? Hindi niya sinagot ang tanong ko eh...tsk tsk



SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now