chapter 12

59 8 0
                                    


Pangatlong araw na ni Elena-Rose sa mansion namin pero nanatili parin siyang tulog.

Malala pala ang mga sugat niya kaya siya sumuka ng dugo, at maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kinailangang salinan agad. Buti nalang at madali akong nakahanap ng blood donor kaya naagapan ang tuluyang panghihina niya.

Hindi ko alam kung saan siya nanggaling ng gabing iyon,at marahil doon niya natamo ang limang balang bumaon sa ibat-ibang parte ng katawan niya.

Buti nalang talaga at Hindi sa maseselang bahagi ng katawan niya na pwede niyang ikamatay.
Dahil kapag nangyari iyon baka pagdating ng araw ay mataguriang the only heir of Murillon Family ay nabaliw!

Haha! Siguro nga..Hindi malayong mangyari iyon base sa naramdaman Kong pag-aalala noong nawalan na siya ng malay.
Halos tumigil sa pagpintig ang puso ko habang ginagawa ni Wannie ang operasyon sa kanya at ayaw pa nila akong papasukin.
Katulong niya ang dalawa pang babae sa BW organisation, sina Prettina at Kresha.

Sina Arron,Vinny,Prixx,Lacer,Toby at Hathor ay Panay ang usisa ng ibat-ibang tanong pero ni isa sa kanila ay Hindi ko sinagot.

Samantalang ang tatlong bagong miyembro na sina Hoover, Lissando,and Alexio ay tahimik lang silang nakikinig sa mga usapan.

Nang lumabas ang tatlong mga babae ay halos pigain ko si Wannie para sabihing okay na siya,ligtas na siya,malayo na siya sa bingit ng kamatayan. Iyon ang mga salitang gusto Kong marinig at ayaw ko ng kahit anong negative dahil parurusahan ko lahat ng Blue's pag nagkataon!

Hindi nila gugustuhing magalit ang kanilang King dahil kahit gaano sila kahusay sa ibat-ibang larangan ay Hindi nila matatalo ang King of BW organisation!

Elena-Rose...gumising ka na..gusto Kong masigurado kung talagang ligtas kana..kung Hindi ba nagsisinungaling ang Doctora Wannie Clarke na iyon?

Piping hiling ng baliw Kong puso.
Sana naman totoo ang pinagsasabi ng Doctorang iyon kundi tuluyan ko na talagang pigain ang lintik niyang katawan para Hindi na mapakinabangan ng mga lalaking nababaliw sa kanya!

Naipilig ko ang ulo ko para palisin ang tumatakbo sa utak ko baka nga matotoo ko pa ang mga naiisip ko. Malaking kawalan pa naman ang doktorang iyon sa  BW.

Ibinalik ko ang tingin ko sa maamong mukha ni Elena-Rose na payapang natutulog sa ibabaw ng malaking kama.

Sana paggising mo akin ka nalang! Sana..magbago kana after this..sana..humaba naman ang sentence mo pag kinakausap kita! Sana..lumambot na iyang puso mong matigas pa sa bato. Sana.. Mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo...

Ahhhh..!!!puro nalang sana! Sana! Sana! Wala na bang totoo?

Mayron! Ang kabaliktaran sa lahat ng Sana mo Vicent-Deman Murillon!

Tungayaw ng kabilang bahagi ng utak ko.

Ahh..Hindi ako makapag-isip ng matino!

Sana pala Hindi ko pinalayas ang mga ugok na Blue's na iyon dahil kahit papaano ay  may naitutulong sila.

Lumabas nalang ako ng silid para marefresh ang natutuyo Kong utak!

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa sala at nagpatimpla ako ng mainit na kape Kay Nay Moshera,siya ang mayordoma namin na itinuring Ko ng pangalawang ina.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Nay Moshera na may dalang tray ng pagkain at mainit na kape.

"Hijo...kain muna bago iyang kape,malapit na namang mananghalian ay Hindi ka parin kumakain..magkakasakit ka niyan,sige ka!"

Masuyong sabi niya sa akin.

Marahan naman akong nagpakawala ng malalim na hininga. Pagkuway ibinaba ko ang dalawang paa Kong nakapatong sa sandalan ng mahabang sofa.

Tumingin ako sa mabait na bukas ng mukha ni Nay Moshera.

"Nay Mos..paano po mainlove?"

Napamulagat siya,dahil siguro sa gulat sa klase ng tanong ko.

"Mahabaging diyos batang ine! Wag ako tanungin mo hijo, sisenta'y anyos na ako pero Hindi ako nainlove kasi alam mo namang matandang dalaga ako!"

Tungayaw ni nay Moshera.
Napatampal ako sa noo.
Damn.! Bakit hindi ko naisip iyon?

Shit! Baka pagalitan pa ako ng matanda,at akalain niyang inaasar ko siya!

Napasubo tuloy ako ng mga pagkain ng wala sa oras.

"Sorry po nay..magulo lang talaga isip ko."

Hinging paumanhin ko sa matanda.

"Bakit hijo may napupusuan kanaba? O iyong babaeng nasa taas mukhang malaki ang kinalaman niya sa mga nakikita ko sayo ilang araw palang ang nakalipas!"

Biglang sabi ng matanda na parang nakakita ng isang bituin na nahulog sa lupa.

Hindi ko alam pero bakit wala akong maisagot?

Na-empty yata ang utak ko kasi walang matagpuang salita ang dila ko!

"Hmm..silence means yes ika nga nila."

Ewan ko ba pero kusa nalang akong napangiti sa sinabi ni Nay Moshera!

Fuck!

Is this true? In love na ako?!

SL works

Shutdown na utak ni author!

😁😁😁😁😁😁😁

Comment kayo mga Lalabs para ma recharge! Hahaha
Thank u sa mga readers

Who is she? (Murillon Series 1)✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu