chapter 20

44 4 0
                                    


Elena-Rose

"Give me back my phone Vicent-Deman."

Pormal na wika ko Kay Vicent-Deman na kampanteng nakaupo sa swivel chair niya habang nakaharap sa computer.

Mukhang busy siya dahil saglit lang siyang lumingon sa akin at ipinagpatuloy ang kung anong ginagawa sa computer.

"Later Elena-Rose,just give me 15 seconds to finish this."

Napabuntong hininga ako talagang importante nga. Pero important din naman itong problema ko ah!

Ngayon pa yata niya dinidedma ang presence ko..

"I can't wait that damn seconds! I need it now! As in now!"

Mariing sabi ko.

Hindi siya natinag at patuloy lang siya sa mabilis na pagtipa sa keyboard ng computer.

"Ayaw mo talaga akong pakinggan ha,pwes don't dare to find me because I will go out! Uuwi na ako!"

Tumalikod ako at humakbang patungo sa pinto ng kanyang study room.

Nakakainis! pinipilit ko na ngang maging kalmado pagdating sa kanya ay dinidedma pa ako.

"Talfon Maharashtra, he is your stepbrother. Siya ang nag-utos na hanapin ka at mga tauhan niya ang nakasagupa mo na bumaril sayo,siya rin ang nagpakalat ng maraming posters at magbibigay ng 1 million reward sa sinumang makakahanap sayo."

Natigil ang paghakbang ko at Napatuwid ako ng tayo.
Ah! At iyon pala ang pinagkakaabalahan niya.

So what? Matagal ko ng alam,kaya nga ako nagkakaganito e..

Gusto kong isatinig pero baka uulanin pa ako ng mga tanong niya,bahala siyang gumawa ng paraan para malaman niya ang lahat. Ayaw Kong magkuwento.

"And?"

Nakataas ang kilay Kong tanong paglingon ko sa kanya.

Nakita kong nagsalubong ang kilay niya at marahas na tumayo pagkuway lumapit sa akin.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa matiim na titig niya sa akin.

"Elena-Rose,Señorita Hallefah or Bianca Alameda...whatever your fucking name is! gusto kitang tulungan pero sana naman pagkatiwalaan mo ako..."

Natigagal ako dahil sa tatlong rason.

Hindi ko alam na kahit pala ang pagiging racer ko ay alam niya!

At bakit niya kasi ako gustong tulungan,anong rason niya?

Hindi pa pala sapat sa kanya na Hindi ko na sinuway ang gusto niya dahil sa tingin parin niya ay wala pa akong tiwala sa kanya.

I want to speak, pero para akong napapaso sa init ng katawan niya dahil masyado na kaming malapit sa isat-isa.


Pakiramdam ko ay nanigas na ang katawan ko at Hindi narin ako makagalaw,dulot ng tila kuryenteng nanunulay sa mga ugat ko sanhi ng pagkakahawak niya sa baywang ko.

Oh god! Heto na naman siya....!

Bakit ba kasi ganito,sa tuwing malapit siya ay natutuliro ang isip ko at nagwawala ang puso ko?

What's the meaning of this fucking heart and damn brain?

Napatulala nalang ako nang isakatuparan niya ang second kiss ko...

This time ay naging mapusok na siya not like the first time na smack lang.

Lumalalim ang halik niya na para bang gustong pumasok sa loob ng bibig ko.

Wala man akong kasanayan ay natukso akong ibuka ang bibig ko at gayahin ang bawat galaw ng mga labi niya.

Hindi ko narin makontrol ang sarili ko dahil sa masarap at nakaliliyong pakiramdam na dulot ng halik niya.

Mas lalo pa niyang hinapit ang baywang ko at pinaglapit ang mga katawan namin.

Hinayaan ko na siya dahil wala narin sa tamang huwisyo ang takbo ng isip ko.

Hindi ko na kayang labanan ang sensasyong nararamdaman ko.

Anuman ang marating namin ngayon ay Hindi ko pagsisisihan dahil gustong-gusto ko ang mga ginagawa niya....

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now