chapter 27

48 3 6
                                    

Dedicated to @exocutime and @YheshaJ... Enjoy reading!

***********

Vicent-deman

It's almost 7:00 am,Pawisan na ako,kakatapos ko lang maghanda ng almusal para Kay Hallefah.

I want to surprise her sa pamamagitan ng luto ko..I think Hindi pa niya kilala ang ganitong side ng isang Vicent-deman. Ang tanging alam niya ay pinagsisilbihan ako lagi ng mga katulong,but no.. I perfectly know how to cook, pero ginagamit ko lang ito para sa mga mahal ko sa buhay,like Mom and Dad and now...Hallefah.

Iba't-ibang putahe ang niluto ko at ngayon ay inihahanda ko na sa mahabang lamesa.

Pasipol-sipol ako habang maliksi ang kilos Kong naglalagay ng mga Plato sa mesa.

Pakiramdam ko ang gaan-gaan ng katawan ko at para akong idinuduyan sa alapaap sanhi ng excitement na nararamdaman ko.

I can't wait to see her eating my recipe's!

Nang maihanda ko na ang lahat ay dali-dali na akong umakyat sa kuwarto ko at mabilisang nagshower.

Diko mapigilang mangiti sa isiping kakatok ako sa kuwarto niya at maya-maya'y bubukas iyon at bubungad ang maamo niyang mukha at kahit Hindi agad nagre-react ay alam Kong mamaya ay ngingiti din yan..

Ah! I'm so fucking in love!

Pagkatapos kong magbihis ng simpleng side pocket short at v-neck shirt ay lumabas na ako sa kuwarto ko mabilisang tinahak ang daan patungo sa kuwarto ni Hallefah.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit kaya parang nami-miss ko talaga siya samantalang kagabi lang kami naghiwalay, sabay rin kaming nagdinner.

Fuck this heart and mind! Nawawala na talaga sa katinuan!

Marahan akong kumatok sa pinto niya.

Nakailang ulit na ako sa pagkatok ay wala paring nagbubukas.

Maybe she's still sleeping...

I used my duplicate key to unlock the door.

Tuluy-tuloy na akong pumasok nang mabuksan ko iyon.

Napakunot ang noo ko dahil walang tao sa kama niya,maayos parin ito at walang bakas ng pagkakagamit!

Pero pilit Kong iwinaglit sa isip ang Hindi magandang naglalaro dito.

Baka nasa cr lang..

Mabilis Kong tinungo ang cr at walang pakundangang binuksan iyon.

But nothing Hallefah is there!

Fuck no!

Where are you my lady??

"My Lady..nasaan ka ba? Wag mo naman akong biruin ng ganito oh.."

Wika Kong umaasang sasagot siya,baka nagtatago lang kung saan.

Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba.

Binusisi ko ang bawat sulok ng kuwarto,baka nga niloloko lang ako ng lady ko..

But to my dismay,wala talaga akong natagpuan.

Nanlulumong napaupo ako sa kama niya, napakislot ako ng may maramdaman akong matigas na bagay ngunit di naman kalakihan na saktong naupuan ko.

Umisod ako ng konti para mahawakan iyon.

Sinipat ko ang bagay na iyon,para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko ang ibig ipahiwatig ng hawak ko ngayon!

Oh my god!

She need me!

Malinaw na napagtagni-tagni sa isip ko ang lahat.

Ang hawak ko ngayon ay isang bala ng baril! It means sumugod siya sa Royal Palace! Na mag-isa! Hindi man lang sinabi sa akin para matulungan ko siya...

Shit! I need to move now bago pa mahuli ang lahat!

Inis na itinapon ko kung saan ang hawak Kong bala at malalaki ang hakbang na lumabas ako ng kuwarto.

Alam Kong magaling si Hallefah sa pakikipaglaban pero Hindi sapat iyon laban sa maraming tauhan ni Talfon Maharashtra!

Madilim ang mukha Kong tinungo ang kinaroroonan ng paborito Kong motor at agad na sumampa roon.

Nang madaanan ko ang pwesto ng mga tauhan ko ay nanggagalaiting binantaan ko sila.

"You all! Mananagot kayo sa akin pagbalik ko! Bakit Hindi ninyo napansin ang paglabas ni Hallefah?! Everyone of you, ready yourself kapag may nangyaring masama sa Lady ko!"

Bakas ang sobrang takot sa mga mukha nila dahil kilala nila ako at kung ano ang kaya Kong gawin.

Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanila bago ako tuluyang lumabas ng gate at tinahak ko ang daan patungo sa BW's headquarter.

******
Pagdating ko sa headquarter ay nagbigay agad ako ng instructions sa mga blue's, sakto namang kumpleto silang nadatnan ko.

"Ready the guns blues..my Lady is in danger right now!"

"Yes King!"

Agad silang nagsitungo sa gun's room at nagkanya-kanya silang kuha ng baril.

Mabilis ang bawat kilos ko habang nagsusuot ng kung anu-ano. okupado ni Hallefah Villan ang isip ko at walang ibang naiisip kundi ang kalagayan niya.

Don't let them defeat you my Lady...

Piping hiling ng puso't utak ko bago kami tumulak paalis.

SL works

Kaninong POV ang guSto niyo sa next chap. Guys..

Who is she? (Murillon Series 1)✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu