chapter 36

35 5 0
                                    

Vicent-deman

3 days later...

Malinaw na sa akin ang lahat tungkol sa mga nangyari,nagkaliwanagan na kami ni Hallefah.

At ang tungkol sa babaeng natagpuan Kong bihag ni Talfon ay artificial face lang iyon,tauhan din ni Talfon na ginawa niyang pain para makapag concentrate daw siya sa mga plano.

At malinaw narin sa kanya na wala akong balak na mapasaakin ang tinapos Kong Pharmacy niya dahil para sa kanya talaga iyon.

Natawa pa nga ako sa kanya dahil akala pala niya, ay kaya ko Hindi agad nilagyan ng pangalan ang pharmacy ay dahil pinag-iisipan ko pa ang pangalan kong ilalagay ko.

Flashback...

"Bakit mo naman naisip iyon,My Lady? At saka iyon ba ang dahilan kaya Hindi mo ipinaalam sa akin ang mga binabalak mo noon?"

Tanong ko sa kanya nang matapos siyang magkwento tungkol doon.

"Paano ko naman kasi Hindi maiisip iyon eh tinapos mo na pala ang Pharmacy ng Hindi mo sinasabi sa akin... At saka narinig ko ang usapan ng mga  trabahador mo na lalaki narin daw ang may-ari dahil siya na ang nagpapasweldo sa kanila..."

Nakapout niyang wika na Hindi ko natiis na Hindi panggigilan dahil napaka-cute niya talaga.

"Hmmm...pwede ba naman yon?..at saka nachallenge lang ako noon sa katauhan mo kaya pinipilit Kong bilhin sayo ang loteng iyon,and now..believe me or not My Lady..ikaw na ang buhay ko nothing else!"

I kiss her forehead  as a sign of my respect and love for her.

"At Hindi ko na ipinaalam sayo ang pagpapatuloy ko sa pagpapagawa ng building kasi alam kong nanganganib ang buhay mo sa labas kaya para agad ng matapos ay ako nalang ang nagmanage."

"Talaga?"

Nakalabing tanong niya,hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon,Hindi ko alam na may ganito rin pala siyang side,akala ko siya iyong babaeng pasan ang mundo noon.

"Of course My Lady.."

I hugged her tightly and kissed her lips sweetly...

*******

At ngayon kasalukuyan kaming nasa lilim ng malagong punong mangga kung saan kumakain at nagpapahinga ang mga trabahador.

Nakahilig siya sa balikat ko habang sabay naming tinatanaw ang papalubog na sikat ng araw,at ninanamnam ang dapyo ng malamig na hanging nagmumula sa malawak na palayan.

Halos manilaw na ang buong farm dahil malapit na naman ang anihan,hinog na ang mga palay..

At saktong matatapos narin ang bonegang pinapagawa ko kaya bubuksan na pagdating ng anihan.

Umuusad narin ang Hallefah Pharmacy na siya narin ang nagmamanage ngayon.

Tahimik lang kami,at tanging malalakas na tibok lamang ng aming mga puso ang tanging pinakikinggan ng bawat isa.

Kaysarap ng pakiramdam ko ng mga Sandaling ito. Hindi ko lubos maisip na ang babaeng pinapantasya ko noon,ay kapiling ko na ngayon..

"My Nobleman.."

Narinig kong bulong niya.

Bahagya pa akong nagulat,dahil una Kong narinig sa kanya ang salitang iyon!

Pero aaminin kong may kakaibang kilig ang hatid niyon sa aking pandinig,para bang tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso..

Napakasarap pakinggan😘😘💏

Humarap ako sa kanya para mabistahan ang maladiyosa niyang kagandahan.

"Pakiulit my Lady?"

Pigil ang ngiting wika ko sa kanya.

"I love you... My Nobleman..."

Nakangiting sabi niya.

I hate myself for being like this..pero ito na eh..kilig na kilig ako,daig ko pa ang isang teenager na nasilayan ang crush!

"Oh My Lady! I love you more.. Alam mo na yan noon pa...kaya answer me now."

Masuyong wika ko sa kanya At hinuli ko ng kamay ko ang dalawang palad niya.

"Hmm..go on.."

"Are you willing to be my Lady forever?"

Malambing na sabi ko sa kanya.

"Of course I do My nobleman.."

"Oh thank you so much...now let's go home, para makapagpahinga kana..and tomorrow you will meet my parents.."

Sabi ko at iginiya ko na siya patayo.

Sabay na naming sinuot ang rubber boots namin at tinahak ang daan pauwi.

Now..magkakatotoo na ang promise ko Kay Dad!




SL works

Ayyieee! May lalaki rin palang kinikilig?
Hahaha

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now