chapter 15

49 5 0
                                    

Elena-Rose

Gustong-gusto ko nang makaalis sa kuwartong ito pero saan nga ba ako dadaan?

Ang daming nakabantay sa labas na mga armadong tauhan ni Vicent-Deman,kung tatangkain Kong labanan sila para makaalis dito ay siguradong Hindi ko kakayanin! Marami sila at Hindi pa sapat ang lakas ko para lumaban ng patas.

I have to do something bago pa malaman ni Vicent-Deman na gising na ako.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko,basta para sa akin Hindi ako safe dito.

Inilock ko ang pinto at inilibot ko ang paningin sa loob,nagbabakasakali akong may makitang pwedeng lusutan.

Napangisi ako ng makita ko ang bintana na natatabingan ng malaking kurtina.

Mabilis Kong nilapitan iyon at hinawi ang tela. Binuksan ko ang glass window at tumingin ako sa ibaba.

Nalula ako sa nakita.

Gosh! Ang taas naman! Kung tatalon ako mula dito sigurado akong magkalasug-lasog na ang mga buto ko sa katawan!

Eh anong silbi ng kagustuhan Kong makaligtas kung dito pa lang ay patay na ako?

Sayang naman ang kayamanan ni Daddy na iniwan sa akin kung magtatagumpay ang demonyo Kong stepbrother na angkinin iyon!

Naghanap ako ng bagay na pwede Kong gawing lubid at doon ako dadaan.

Tama!

Nagmamadali akong naghalungkat sa ibat-ibang bahagi ng silid, pati sa ilalim ng kama at lamesa ay Hindi ko pinalampas. Sa bawat sulok ng aparador ay tiningnan ko rin pero wala akong mahagilap!

Pumunta ako sa likod ng aparador para usisain din ang bahaging iyon, my eyes widen when I see the big and long rope na maayos na nakarolyo doon.

Napakunot ang noo ko, para saan kaya ang malaking lubid na ito?

Hindi kaya..itatali niya sa akin pagkagising ko? No way!

Sukat sa naisip ay agad Kong kinuha iyon at hinawakan ko ang dulo, naghanap ako ng pwedeng talian na Hindi basta-basta masira.

Nang maayos ko ng maitali iyon ay inilabas ko ang kabuuan ng lubid at inilugay pababa. Pagkatapos ay maingat akong sumampa sa bintana.

Napangiwi ako ng bahagyang kumirot ang mga nakabendang sugat ko pero Hindi ko iyon pinansin.
Nang maayos na akong makasampa doon ay biglang may humawak sa braso ko!

Napakalakas ng malalaking kamay na humawak sa akin! Kaya muntik na akong mahulog dahil sa gulat,mabuti nalang at maagap akong kinabig ng humahawak sa akin mula sa likod.

Shit! At mukhang nahuli ako!

Bakit ba kasi Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto,siguro dahil nakatutok ang buong atensiyon ko sa ginagawa.

Wala akong nagawa kundi ang lingunin ang taong sumira sa perfect plan ko.

"What are you planning to do lady?"

Malalim at malamig na tonong tanong ni Vicent-Deman sa akin nang magtama ang paningin namin.

Hindi ako agad makaapuhap ng sasabihin dahil sa kakaibang damdamin na lumukob sa akin dulot ng matiim niyang titig sa mukha ko.

"Gusto mo na bang tuluyang mamatay ha Elena-Rose?"

No! Kaya nga ako tatakas diba?

Gusto Kong isatinig pero sa klase ng pagkakatitig niya sa akin ay Hindi ko magawa!

Kaya nanahimik nalang ako at hinintay ang sunod niyang gagawin.

Binuhat niya ako nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin,ramdam Kong galit siya pero maingat parin ang bawat kilos niya. Marahan niya akong inilapag sa gilid ng kama at lumayo sa akin. Tahimik lang akong nakaupo at sinusundan ko ng tingin ang galaw niya.

Lihim ko ring inaalerto ang sarili ko kung sakaling may balak siyang masama sa akin.

Magkakapatayan na pero lalaban ako! I am the only one Monarch of Red Bandits kaya wala sa bokabularyo ko na magpatalo kahit pa sa King of BW na ito!

I remained silent for a moment, nakita Kong lumapit siya sa maliit na lamesa at binuhat niya iyon pagkuway dinala niya sa harap ko.

Pagkatapos ay tinungo niya ang pinto at binuksan iyon,pumasok ang dalawang nakauniform na housemaid na may dalang tray ng pagkain at dalawang pitsel. Tubig at orange juice ang laman niyon. Ibat ibang putahe rin ang laman ng tray,bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding gutom at pangangatog ng tuhod.

Oo nga pala,ang tagal Kong nakatulog at Hindi kumakain!

Pero Hindi ko iyon ipinahalata at nanatili lang akong walang reaksiyon.

"Elena-Rose Villan,eat!"

Maawtoridad na wika niya sa akin nang makalabas na ang mga kasambahay.

Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa klase ng ginamit niyang tono,ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay inuutusan ako.

Tiningnan ko siya ng masama at Hindi ako tuminag,parang wala akong narinig kahit ang totoo'y natatakam na ako sa mga nakahain sa harap ko.

Nagulat ako ng bigla niyang damputin ang kutsara at akmang susubuan niya ako.

"Nganga! Ganito, ah..ahh.."

Mabuti na lang at napigil ko ang pagbunghalit ng tawa dahil sa itsura niya.

Ano ako bata na susubuan niya at susunod sa gusto niya?!

Poor him!

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now