chapter 18

41 4 0
                                    

Elena-Rose

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos sa bintanang salamin, Hindi pala naisara ang malaking kurtina.

Bumangon ako at naupo sa kama. Biglang sumagi sa isip ko ang paglapat ng malambot na labi ni Vicent-Deman sa labi ko kahapon...gusto Kong magalit pero hindi ko magawa.

Ang sarap kasi eh...

Napangiti ako sa isiping iyon.
Napahawak ako sa dibdib ko,lumalakas kasi ang tibok ng puso ko kahit iniisip ko lang.

Himalang napawi ang pangamba ko kahapon at nawala ang kakatwang isipin na iyon tungkol sa natuklasan ko sa kanya.

Narealise ko rin na may katotohanan sa mga sinasabi niya dahil alam na niya ang tungkol sa Red Bandits at ang pagbaril ko sa kanya pero iniligtas parin niya ako at inalagaan pa nga sa loob ng ilang linggo at hanggang ngayon ay gusto parin niya akong tulungan para hindi matunton ng mga naghahanap sa akin.

Pero ang bumabagabag lang sa akin ay siguradong nag-aalala na ang mga Red Bandits ngayon dahil wala silang balita sa akin. May ibinigay pa naman akong mission sa kanila bago ako mabaril.

Ano na kaya ang ginawa nila? Tumuloy kaya sila kahit wala ako?

Gusto Kong malaman pero paano?

Wala akong cellphone, wala rin akong gamit ni isa dito sa loob ng kuwartong ito.

Napabuntong hininga nalang ako, sigurado na kasi akong ang stepbrother ko ang nagpapahanap sa akin.

Napailing ako,Hindi ko akalain na ganon na kadesperado ang isang iyon para makuha ang kayamanang iniwan ni Dad sa akin.

But I swear Hindi iyon mapapasakanya! Wala siyang karapatan dahil kapatid ko lang siya sa ina Hindi sa Ama!

Matagal ko ng gustong labanan siya,pero marami pa akong kailangang hasain. Ang mga Red Bandits ay Hindi pa nila naabot ang expectations ko,Hindi pa sila pwedeng sumuong sa gyera lalo pat ang stepbrother ko ang target. They are excellent in many ways kaya kailangan pa akong matalo ng mga red's bago ko sila maaaring isabak. Kung matatalo nila ako ibig-sabihin they are already there...

Nasa kasagsagan ako ng pag-iisip nang bumukas ang pinto. Pumasok ang tatlong mga magagandang babae na nakangiti.

I don't know them, kaya Hindi ko magawang gumanti ng ngiti. Hanggang sa naupo na sila sa naroong mga upuan ay nanatili parin akong nakatingin at walang reaksiyon.

As usual ito na ang nakasanayan ko.

"Hi..I'm Prettina!"

Nakangiting pakilala ng isa sa kanila.

"I'm Kresha...and this is Dra. Wannie,siya ang tumingin sayo."

Friendly ang ngiti nilang lahat.

Huh? Siya pala ang Dra. ko?

Gusto Kong magsalita pero ano naman ang sasabihin ko?

Sigurado namang kilala na nila ako,sa tagal ko ba naman dito ay Hindi pa nila malalaman Kay Vicent-Deman?

"Anyway..how are you Queen?"

Tanong ni Dra. Wannie,doon pa ako natuksong sumagot.

"I'm fine..thank you for caring me."

Nakita Kong nagsenyasan silang tatlo,naisip ko tuloy kung bakit sila napunta rito.

"Ahm... We are here pala Queen dahil utos ni King na bihisan ka at para malinis narin ang mga sugat mo."

Wika ni Kresha na kinuha ang malalaking shopping bag mula Kay Prettina at inilapag sa gilid ng kama.

"You don't have to call me Queen, Hindi naman ako ang reyna ng King niyo."

Mahinang wika ko pero alam Kong umabot iyon sa pandinig nila. Alam kong Hindi nila inaasahan na sasawayin ko sila kaya halatang natigilan sila at ilang Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming apat.

"Layunin po naming igalang ang property ni King kaya Hindi po maaaring tawagin ka namin ng kahit ano,kaya sana hayaan mo nalang kami Queen..."

Malumanay na wika ni Prettina.
Naunawaan ko naman ang ibig niyang sabihin, pero Hindi ko parin gusto ang sinasabi nilang property na ako ng King nila. But I decided to shut my mouth nalang.

"Ah! I think mas mabuti ang Señorita Hallefah nalang, mas bagay sa ganda mo Queen!"

Kresha's exclaimed.

My eyes widen when I heard my real name! Paano nila nalaman ang bagay na iyon?

"How did you know my name?"






SL works


Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now