chapter 6

79 7 2
                                    

Thank you blixoviolet


___________________

Nang dumating ako sa bayan ng Pikit North Cotabato ay dumiretso na ako sa health center para ipa-dressing ang mga sugat ko.

Mamaya na ako mag-start para hanapin si Elena-Rose,masyado na kasing mahapdi ang mga sugat ko.

When i reach the Pikit health center ay agad akong inasikaso ng mga nurse,nagagahol pa sila habang ginagawa ang dressing.

Yung iba nga halatang nagpa-pacute. Pero nanatili lang akong walang reaksiyon at kunwari walang napapansin.

Maya-maya'y natapos narin at nagbayad na ako sa cashier, kailangan ko ng magmadali para mahanap si Elena-Rose.

Dumaan ako sa shop para magtanong kung may nagawing babae doon na nagparepair,sigurado kasi akong may nasira sa motor niya dahil nakita ko iyon bago pa siya makaalis kanina.

Pero nalibot ko na ang lahat ng repair shop dito sa bayan ay walang makapagturo sa akin.

Naalala ko ang itsura niya,Hindi kaya talagang sasabak siya sa motor race?

Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch ako kung saang lugar may gaganaping motor race.

Lumabas na sa Midsayap ang may gaganaping motor cross, pero base sa mga impormasyon dito ay professional racer lang ang na-authorized na sumabak.
Kaya sa isip ko ay its too impossible na mapapabilang si Elena-Rose doon, she is a woman and that game was probably for men's only!

Pero Hindi na ako nagdalawang-isip at bumalik ako sa direksiyon kung saan patungo sa bayan ng Midsayap.

****
Nang dumating ako sa nasabing bayan ay tinungo ko agad ang lugar kung saan nakahilera na ang napakaraming motor na sasabak sa laro.

Eksaktong nakapuwesto ako ay nagsimula na ang timer at nakabibinging hiyawan at tunog ng mga motor ang maririnig.

Napakataas ng mga humps na kung saan doon nagliliparan ang mga motor.

Dito kaya siya?

But it so impossible! Napakahirap ng mga dinadaanan dito!

Hindi ito makakayanan ng isang babae lang.

Kaya hindi ako mapakali,gusto Kong alamin kung kabilang ba siya sa mga racer na iyon.

Iginala ko ang paningin sa paligid,hahanapin ko ang listahan ng mga racer.

Namataan ko ang isang lalaking nakaupo malapit sa entrance, may hawak siyang logbook at marami ang mga papel na nakalapag lang sa lamesang nasa harap niya.

Marami pa akong nakikitang nasa paligid niya pero Hindi ko na mapangalanan ang mga iyon,marahil dito nga ang information desk.

Lumapit ako doon at nagtanong sa name list ng mga racer.

May ibinigay siyang papel at agad ko iyong binasa.

Paulit-ulit Kong sinuyod ng tingin ang mga pangalan pero wala akong nakitang Elena-Rose Villan,although may isang pangalan ng babae pero Hindi iyon ang hinahanap ko.

Pero nagtanong parin ako sa lalaki.

"Sir ang Bianca Alameda ba na ito'y kilala mo?"

Tumingin siya sa akin na parang Hindi makapaniwala na Hindi ko kilala ang itinatanong ko.

"Syempre naman sir,sino ba ang Hindi nakakakilala Kay Bianca Alameda! Siya kaya ang top racer dito,at sa pagkakataong ito sigurado na naman po ang pagkakapanalo niya!"

Napatingin ako sa malaking screen na nasa harap namin.
Malinaw na nakikita ang mga motor na nakikipagkarera doon.

Nagulat pa ako ng biglang naghiyawan ang nasa likod namin ng lalaking kausap ko.

"Ayan siya sir! Ayan nangunguna na naman!"

Turo niya sa nangungunang motor,napakabilis nga naman nito at napakaswabeng tingnan ang pagpapatakbo niya,at Hindi mo aakalaing isang babae iyon!

Mas lalo ko pang pinakatitigan nang mapalapit ito masyado sa video cam.

Totoo ba ang nakikita ko?!

Binalikan ko pa sa isip ang kulay ng damit at helmet ng nakabanggaan ko kanina. Kaya Hindi ako maaaring magkamali!

Ang Bianca Alameda na tinutukoy nila ay si Elena-Rose Villan!

Pero bakit magkaiba ang pangalan?

Damn this woman paano ko ba siya makikilala ng lubusan?

Ano pa  ba ang sikretong matutuklasan ko sa kanya?

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now