chapter 33

33 4 0
                                    


Vicent-deman

Lulan kami ng apat na sasakyan,ang dalawang van ay driver at isang tao lang ang nagkasyang makasakay doon dahil puno ng mga mahahalagang kagamitan ni Hallefah na lingid sa kaalaman ko'y nagawa na pala nilang ilabas at nailulan na sa mga sasakyan.

Ayon sa kanya ay nakuha niya ang lahat ng kayamanan ng kanyang Ama at ina. Ginto,dyamante at pera na siyang nag-udyok Kay Talfon para ipitin siya upang mapapirma sa mga papeles.

Halos tatlong oras na kaming nagbibiyahe dahil sa bagal ng mga sasakyan,overloaded kasi ang dalawang van dahil nagsiksikan ang mga BW at RB sa bawat isang Van.

Kaya Hindi ako makapatakbo ng mabilis,idagdag mo pa ang snake design na kalsada.

Nasa tabi ko lang si Hallefah  na nakikipagsiksikan kina Wannie at Prettina.

Sa likod naman ay sina Vinny,Prixx,Lacer,Toby,Kresha, Arron,Hathor,at iba pang miyembro ng BW organization.

Lihim na akong naiirita sa mga sandaling ito,dahil gustung-gusto ko ng yakapin si Hallefah at pupugin ng halik,pero hanggang ngayon ay tumatakbo parin ang sasakyan namin.

Mula sa Malapag hanggang sa Carmen lang ang sinabi Kong ako ang magmamaneho pero sa tuwing nakikita ko ang mga blues na parang sardinas na nagsiksikan sa isang lata ay nagbago ang isip ko.

Mas mabuting magmaneho ako dahil si Hallefah lang ang nasasagi ko. Kaya bahala sila diyan magbangayan dahil bawat isa ay nagrereklamo na sinasagi ng kasama at naiinitan.

Napapailing na nag-concentrate nalang akong magmaneho, paano naman sila hindi magkakadikit eh para na nga silang tinuhog na grasshopper!

Tsk! Tsk! Ang mga blues talaga!

Nasa Crossing Cayaga na kami ngayon at paliko na ako sa daan patungong bayan ng Pikit.

Nakafocus lang sila sa  pagbabangayan kaya Hindi nila napansin ang palikong daan.

Sinadya Kong biglang magpreno kaya nagkauntog-untog sila.

"Fuck!"

"Shit!"

"Damn!"

"What the!"

Iyon ang mga salitang sabay-sabay nilang nabigkas at sapo-sapo ang parteng nagkauntog.

Natatawang nahampas ko ang manibela ngunit Hindi ko napansin ang masamang tinging ipinupukol Ni Hallefah sa akin.

"Be careful Vicent!"

Natahimik ako ng mangibabaw ang boses niya sa daing ng mga pasahero ko.

"What the hell are you doing Vincent?"

Napaungol ako ng bahagya niya akong hampasin sa balikat.

"My Lady..bakit?! Wala naman akong ginagawa dito ,nananahimik ang tao eh!"

Hindi na niya ako sinagot pero pinaningkitan niya ako ng mata at may nagbabantang tingin.

Alam ko ang ibig-sabihin niyon,kaya tuluyan na akong natahimik.

Mas tumindi pa ang daing nila nang sumapit na kami sa lubak-lubak na kalsada papasok sa aming baranggay.

Hindi ko nalang sila pinansin,mas matindi na kasi ang paghahangad ko na makarating na kami sa mansion.






SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Où les histoires vivent. Découvrez maintenant