chapter 2

72 6 0
                                    


Vicent Deman

Kanina pa ako palingon lingon sa mga tindahang nakahilera sa gilid ng lubak-lubak na kalsadang ito ng probinsiya namin.

Pero Hindi na ako naninibago,sana'y na akong baybayin ng DT motor ko ang daang ito.

Imbes na sa bayan ako pabibilihin ni mom ng tire ng motor ni Dad na pumutok daw kahapon ay dito ako pumunta sa pahilagang direksyon ng barangay namin.

Kung Hindi kasi ako nagkakamali ay may nakita akong maliit na hardware dito banda.

Sa paglingon-lingon ko ay nahagip ng tingin ko ang malaking karatulang nakapaskil sa isang malawak na bakanteng lote.

Lot for sale
If Interested call here/ 0906*******

Iyon ang nakasulat doon.

Huminto ako at pinagmasdan ang kabuuan ng area.

Hmm mukhang ayos to ah!

Sa isip-isip ko.

Mabilis kong inisave ang numero at nagpatuloy na ako sa paghahanap ng hardware na iyon.

Habang nagmamaneho ako ay Iniisip ko kung ano ang magandang ipatayo sa lugar na nakita ko.

Nang masuyod ko ng tingin ang lugar ay napagtanto kong napakahirap para sa mga magsasaka dito ang ipalabas ang kanilang crops dahil sa Hindi sementadong daan.

I think malaking tulong para sa mga mamamayan ng Brgy.Tinutulan ang magkaroon ng buy and sell dito mismo sa lugar.

Bukod sa makakabawas sila ng pamasahe ay Hindi na sila mahihirapan sa transportation.

Nang sa wakas ay matagpuan ko na ang mini hardware ay agad na akong bumili at bumalik na sa bahay.

Ipapaalam ko kina dad ang ideyang naglalaro sa isip ko.

*****

Nang matapos kaming mag-usap nina Dad at Mom ay agad kong tinawagan ang phone number na kinuha ko kanina.

Ilang saglit lang ay may sumagot na.

"Hello po,magandang hapon!"

Bungad ng nasa kabilang linya. Boses lalaki rin iyon.

"Good afternoon too..ako si Vicent Deman Murillon, I'm interested about your lot for sale."

Pagpapakilala ko sa kausap.

"Ahm kayo po pala sir..maraming salamat po sa pagiging interesado ninyo,pero ikinalulungkot ko pong sabihin na may nauna na sa inyo. Paid na po si ma'am sir..I'm very sorry po."

"What?! Nabili na pala iyon? Eh bakit Hindi ninyo tinanggal ang letseng karatulang iyon kung ganon? Nanloloko ba kayo ha!?"

Halos umusok na ang ilong ko sa galit dahil sa gago kong kausap.

"Sorry po talaga sir kasi mukhang ilang minuto lang ang pagitan ng tawag ninyo kaya Hindi pa naaalis ang poster."

Napahilamos ako sa mukha ng walang tubig.

"Sino ang nakabili?"

Tanong ko sa kausap.

"Ang pangalan po niya ay Elena-rose Villan sir."

"Villan..that's not familiar family name."

Komento ko.

"Mukhang taga karatig baryo po sir,gustong magpatayo ng business dito sa barangay Natin."

"No! Hindi maaari! Ang lote ninyo ay halos karugtong pa ng Murillon lands kaya ako ang dapat makabili niyon!"

Matigas na wika ko at pinatay ko na ang phone.

Inis akong pumasok sa banyo ng kuwarto ko at mabilisang naligo.

****

Nang makabihis na ako ay agad akong sumampa sa motor ko at pinaharurot palabas ng Murillon property.

Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang loteng iyon.

Ito lang ang paraan para itigil na ni dad ang pamimilit sa akin na maghandle ng negosyo sa bayan.

I hate downtown! Masyadong magulo para sa tahimik kong buhay.

Kaya gagawa ako ng paraan para Hindi makaalis dito sa Murillon farm,this is my love, and life!

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now