chapter 39

35 6 0
                                    


After 2 years...

Hallefah

At Cagayan beach...

"Fidell...anak! What happened? Why are you crying?"

Nag-aalalang tanong ko Kay Fidell na umiiyak habang nananakbo sa dalampasigan palapit sa akin.

Hindi siya makasagot dahil sa sunod-sunod na pagsigok,naghahalo narin ang sipon at luha sa kanyang mukha.

"Ssshhh..tahan na baby..saan si Ridell? Bakit Hindi mo siya kasama?"

Kambal sina Fidell at Ridell,they are almost 3years na dahil one month nalang ay birthday na nila.

Bago kami kinasal ni Vicent-deman ay nalaman naming buntis na pala ako at magtatatlong buwan na,pero Hindi ko iyon agad napansin dahil wala naman akong kakaibang pakiramdam,Hindi ko nga alam kung ano ang pinaglihian ko sa kanila.

Saka lang namin natuklasan ni Vicent-deman nang isang umagang hilong-hilo ako at nang araw na iyon ay isang linggo nalang at idadaos na ang enggrandeng kasal namin.

Hindi ko na namalayan na dinala na pala ako sa hospital at doon natuklasan na buntis ako.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko noon at si Vicent-deman naman ay halos magtatalon na sa tuwa at agad na ibinalita kina Mama Reditha at Papa Deman.

Akala ko pa noon Hindi sila natuwa sa kaalamang magkakaanak na kami ni Vicent-deman dahil Hindi sila dumalaw sa hospital, dalawang araw din akong naconfine doon.

Pero nang ma discharged na ako ay tumuloy kami sa tahanan nila at laking gulat ko nang mabungaran namin ang napakaraming bisita na masayang nagcongratulate sa amin sa pangunguna nina Papa't Mama.

Napaluha tuloy ako sa galak,dahil nauna nang magkaparty ang baby namin samantalang kami ni Vicent ay Hindi pa naidadaos ang pinakamahalagang araw para sa amin..

"M-mommy...! H-hindi ka p-po n-nakikinig sa akin eh..'!"

Nagulantang pa ako ng pumitik si Fidell sa tapat ng mukha ko gamit ang daliri niya.

"H-ha?! Ano ba iyon anak?"

"S-sabi ko po puntahan natin si Ridell kasi suntukan doon! Ganito oh!"

Nag-acting pa siyang manununtok.

Doon tuluyan na akong napatayo,sigurado akong gumawa na naman ng gulo ang isang iyon! Kay liit pang bata pero ang hilig ng makipag basagulero.
Tsk! Tsk!

Napapalatak na hinila ko na ang munting kamay ni Fidell at iginiya patungo sa itinuro niyang direksiyon.

Bumibigat narin ang tiyan ko dahil nalalapit na ang kabuwanan ng pangalawang ipinagbubuntis ko.

Kaya hirap narin akong maglakad.

Nang medyo malapit na kami ay tanaw ko na si Ridell na mabilis na sinusuntok ang dalawang batang nasa harap niya, na sa tantiya ko'y matanda sa kanya ng isang taon.

Napapailing na binilisan ko na ang paghakbang dahil dumarami na ang kumpulan ng mga Tao sa gilid ng dagat na nakikiusyuso sa away ng mga bata.

"Ridell stop that!"

Agad siyang napatuwid ng tayo pagkarinig sa boses ko.

Bumitaw naman si Fidell sa kamay ko at tumakbo sa kanyang kambal.

Nakita Kong kinokomfort niya ang kakambal na humihingal dahil siguro sa pagod.

"Ridell lumapit ka dito kundi makakarating ito sa dad niyo."

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now