chapter 24

44 4 3
                                    


Hi to all! I hope u like it Lalabs...thank you sa mga sumusubaybay at nagtitiyagang maghintay kahit pa napakatagal ng ud. At kahit boring nandyan parin kayo para basahin ang stories ko...slamat tlga...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Elena-rose/Hallefah

"My lady...!"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko mula sa labas ng pinto ng inookupa Kong kuwarto  ang baritonong boses ni Vicent-deman.

Hindi ko agad matukoy kung para saan iyon,dalawa kasi ang dahilan.

Una dahil palaging ganon ang epekto ni Vicent-deman sa akin. At pangalawa ay dahil ayaw Kong mabuko niya ako sa ginagawa ko ngayon.

Kasalukuyang chine-check ko ang mga armas na pinadala ko sa isang tauhan ko dito sa mansion. Nagkaroon ako ng kumunikasyon sa kanila dahil hawak ko na ang cellphone ko at nakakagamit narin ako ng computer ni Vicent-deman.

Lihim Kong inutusan ang red bandits na padalhan ako ng mga armas para sa misyon ko.

Hindi ko ipinaalam sa lahat na may binabalak ako dahil siguradong magpumilit ang mga Red Bandits at si Vicent-deman na samahan ako.

At iyon ang ayaw Kong mangyari,I decided to play a game with my own tactic versus Talfon Maharashtra,my evil stepbrother.

I don't know if what will happen next..bahala na si god Kung paano niya ako gagabayan at tutulungan,ang importante ay mawawala si Talfon Maharashtra sa Royal Palace of Señorita Hallefah.

Umigting ang panga ko at nagtagis ang ngipin ko nang maalala ang natuklasan.

Sinubukan Kong bisitahin ang Royal palace sa pamamagitan ng computer ni Vicent-deman.

Nanlumo ako sa nakita,pinasok na nga ni Talfon at ang mga tauhan niya ang Palasyo!

Nakita Kong pinakikialaman na niya ang pamamahala doon!

Iyon ang kailangan Kong sugpuin,ang pagkalat ng mga demonyong tulad niya!

"My Lady..."

Nahimasmasan ako nang muli Kong marinig ang tinig ni Vicent-deman.

Napatayo ako bigla at gahol na niligpit ko ang mga armas na nagkalat sa kama ko.

Isinilid ko iyon sa katamtamang laki ng itim na bag at itinago ko sa ilalim ng kama sa may bandang ulunan.

Nang matapos ako ay tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Vicent-deman na nakatunghay sa akin.

"Bat ang tagal naman ..my Lady."

Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Uhm...nagbihis lang ako Vicent.."

Ngumiti ako sa kanya para mawala na ang kung anong katanungan sa isip niya.

Wow! Its effective huh!

Kitang-kita ko kasi ang pagbago ng reaksyon niya,from busangot to a very loving expression of him...

Gosh! Kinikilig na naman ako...

Napayuko ako para umiwas sa nakakapaso niyang titig.

"M-may k-kailangan ka?.."

Nagkakandabulol pa ako sa pagsagot. Napakalakas kasi ng tibok ng puso ko as of now..

"Get dress, may pupuntahan tayo."

Malumanay ngunit maawtoridad ang dating non sa akin.

Bigla akong nalito,naset ko narin kasi ang araw at exact time ng pag-alis ko sa mansion na ito.

At ngayong araw iyon at mamayang gabi ako aalis.

Lihim Kong sinulyapan ang wristwatch ko para siguraduhin ang oras ,its nearly 11:00 Am na,I have only ten hours to prepare everything! And if I'm going to accompany him right now ay konting oras nalang ang matitira sa akin.

Wala pa naman akong idea kung saan kami pupunta.

After thinking deeply,I decided to accompany him.

Okay narin naman ang mga gagamitin Kong baril,patapos narin ako kanina ng kumatok siya.

"My Lady...ano na..?"

Untag niya sa akin na itinaas pa niya ang baba ko.

"Y-yes Vicent,hintayin mo lang ako,saglit lang."

Nagmamadaling pumihit na ako pabalik at tuluy-tuloy ako sa harap ng closet na kinalalagyan ng mga bago Kong damit na si Vicent-deman din ang nagpabili.

Nang makapili ako ay agad na akong nagbihis at humarap sa tokador para mag-ayos ng sarili.





SL works


Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now