chapter 13

60 6 0
                                    

We are now reach the #19 rank! Thank u!

*****

Vicent-Deman

Nasa bayan ako ngayon, walong araw na ang matuling lumipas mula ng iuwi ko si Elena-Rose sa mansion.
Kasalukuyang nag-uusap kami ni dad sa kanyang office sa Agri buy & sell building.

Ipinatawag niya ako dahil tanggap na daw niya na Hindi ako hahawak sa mga negosyo niya sa bayan,pero kailangan lang daw niya akong i-briefing para sa pagpapatakbo ng negosyo.

Kung tutuusin Hindi naman kailangan ang briefing na iyan.

Nakakaubos lang ng oras.

Elena-Rose...

Iyon ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Bakit nami-miss ko na siya agad gayong ilang oras palang ako dito?

Haay..anong klaseng tao kaba at nagagawa mo ito sa akin?

"Vicent-Deman Murillon! Pumunta ka lang ba dito para tumunganga? At Hindi para makinig sa mga sinasabi ko?"

Nagulantang ako sa malakas na boses ni dad. I know when he used this kind of tone ay nasasagad na siya.
Kanina pa kasi siya nagsasalita pero parang Hindi pumapasok sa utak ko.

Tanginang brain talaga to..wala ng laman kundi ang imahe ng nakaratay na maladiyosang babae na iyon doon sa malaking kama ng private extra room ko.

"What do you want me to do Dad?"

Malumanay na tanong ko sa kanya.

He let out a heavy sighed and gave me a hard look.

"Hanggang ngayon ba naman Vicent ay Hindi mo ako susundin? Look son! Ikaw lang ang mayron kami ng mommy mo at masasayang ang lahat ng pinaghirapan namin kung Hindi mo mai-manage ng tama..."

May nabanaag akong lungkot na dumaan sa mga mata ni Dad. Naantig tuloy ang damdamin ko.
Pero pinilit Kong huwag ipahalata.

"Don't worry Dad, ilaan mo nalang sa mga apo mo,siguradong marami kang pamamanahan."

Nakangising sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay ni dad at nanunuyang tingin ang ibinato niya sa akin.

Na para bang sinasabing

How sure you are son?

Bagamat Hindi nagsasalita ay alam Kong iyon ang iniisip niya.

"Watch me Dad malapit mo na akong maihahatid sa altar."

Tumayo na ako at naglakad na ako patungo sa pinto ng kanyang office.

"Do in a hurry Vicent-Deman Murillon!"

Habol pa niya sa akin.

"Soon Dad!"

Tuluyan na akong lumabas ng pinto.

Sasaglit lang ako sa Murillon bank nami-miss ko na ang sermon ni Mommy.

Nang makausap ko siya ay nagpaalam na ako para umuwi.

*****
Sumakay na ako sa paborito Kong motor,marahan lang ang pagpapatakbo ko dahil traffic pa sa bahaging ito ng highway. Hindi pa ako nakarating sa may sangang daan papasok sa aming baranggay.

Habang tumatakbo ang motor ko ay tumitingin tingin ako sa paligid tulad ng nakagawian Kong ginagawa.

Hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko ang poster na isang litrato.

Missing!!!
Señorita Hallefah Villan!
1million reward
Contact this #:09362727461-09978300987

Iyon ang nakasulat sa ibaba ng picture.

Itinuon ko ang tingin sa picture ng babaeng walang kangiti-ngiti.

Hallefah Villan...napakunot ang noo ko, at ang higit na nagpalakas ng tibok ng puso ko ay ang mukhang iyon!

Walang iba kundi si Elena-Rose Villan!

Pero bakit iba na naman ang pangalan niya dito?

Alin na ba ang totoo? Tsk,tsk..

Pero gayunpaman ay higit Kong ikinabahala ang 1million reward na iyon,siguradong manganganib ang buhay niya dahil Hindi ito palalampasin ng mga gahaman sa pera!

Ah I need to protect her closely now! Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya.

Sukat sa isiping iyon ay matulin Kong pinatakbo ang motor ko at nang umabot ako sa sangang daan papasok ay Hindi ko na inalintana ang lubak-lubak na daan at Hindi na ako nag-abalang magmenor pa. Wala na akong pakialam sa malakas na pagkakaalog ko,ang importante ay makauwi na ako at masigurong ligtas siya at walang nakatunton sa kanya.

Hindi ko man siya kilala ng lubusan ay alam ko sa puso ko na may special na parte siya dito.

Kahit ano pa ang pwede Kong matuklasan tungkol sa kanya ay nakahanda akong tanggapin masama man o mabuti iyon...

Gagawin ko ang lahat para mabigyan niya ako kahit konting atensiyon man lang,pasasaan bat lalaki din ang konting iyon...

Nang dumating ako sa gate ng Murillon property ay agad na akong pumasok at tuloy-tuloy ako kung saan siya naroroon.

Bawat madaanan Kong tauhan ko ay tinatanong ko kung wala silang napansin na kakaiba o wala bang naghanap sa babae dito sa mansion.

Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman daw.

Pinatawag ko ang ibang mga tauhan at inilagay ko sila sa mismong tapat ng kuwartong kinaroroonan ni Elena-Rose or Hallefah or Bianca, ah whatever her name is.. I don't care,ang mahalaga ligtas siya at walang makakaalam na nandito siya sa poder ko.

Wag lang silang magkakamali!




SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now