chapter 14

60 5 0
                                    

Didicated to @YheshaJ ..thank you so much!

We are now reach the rank #1!!!

Hi to all silent readers! Finally magkaka POV narin si Elena-Rose!









Elena-Rose

I slowly open my eyes...but I suddenly closed it again,
Upang alalahanin ang mga nangyari sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at bahagya akong gumalaw para alamin kung may masakit ba sa katawan ko. May kumirot sa ibat-ibang bahagi ng katawan ko.

Shit!

Natunton pala ako ng mga tauhan ng stepbrother ko at pilit nila akong pinapasama para dalhin sa kapatid ko sa ina.

Nanlaban ako at napatumba ko ang pito sa kanila. Akala ko naubos na sila pero may tatlo pa pala na kumubli sa katawan ng puno sa gilid ng kalsada kung saan nila ako nakita na tumigil dahil chineck  ko ang gulong ng motor ko,akala ko naflat kasi pagiwang-giwang ang takbo,pero Hindi naman pala.

Nang akmang susugurin ko sila ay pinagbabaril nila ako,nabaril ko naman sila pero napuruhan na ako kaya nagmadali na akong sumakay ng motor ko.
Hindi ko alam kung saan ang pwede Kong puntahan na magiging safety ako,dahil alam Kong Hindi titigil ang kuya ko kakahanap sa akin.

Bigla Kong naalala ang usapan namin ng Vicent-Deman Murillon na iyon. Kaya Hindi ko na naisip na anumang oras ngayon ay tutumba na ako dahil sa patuloy na pagagos ng dugo ko.

Pero ang nasa isip ko lang ng mga Sandaling iyon ay tutupad ako sa usapan namin kaya pilit Kong nilabanan ang sakit at panghihinang nararamdaman ko para makarating lang sa restaurant na iyon.

Malinaw kong naalala na hiniling ko sa kanya na itago niya ako at wag niya akong dalhin sa hospital. Hanggang doon nalang ang natatandaan ko dahil tuluyan na akong binalot ng kadiliman.

I took a deep sighed at inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko.

Nag-iisa lang ako..and it means nasa poder ako ni Vicent-Deman Murillon!

Malaki ang silid na ito at ang kamang kinahihigaan ko ay malahigante rin sa laki.

Kulay blue ang nakapalibot dito,mula sa kubrekama,kurtina at mga unan ay bughaw din. Ultimo aparador at dingding ay napipinturahan din ng kaparehong kulay.

So weird!

Napaismid ako sa naisip,dahil hindi ito ang favourite color ko kundi red,at wala man lang kahit anong bakas ng kulay pula dito.

Pilit akong bumangon at sinuri ko ang katawan ko,para din akong nasa hospital dahil nakasuot ako ng hospital gown na kulay blue. May benda rin ang bawat sugat ko,pero hindi narin gaanong masakit,parang mild nalang siguro medyo humihilom na.

Nakita ko ang blood bag na nakasabit kasama ng dextrose, wala ng lamang dugo iyon,pero ang dextrose ay mayron pa. May nakita pa akong apat na empty bottle ng dextrose na nakapatong sa maliit na lamesa.

Nangunot ang noo ko,gaano ba ako katagal natulog?

Sa akin ba lahat nailagay ang mga to?

This is over! Ang dami ng nadagdag sa katawan ko na tubig kaya tama na. Malakas narin naman ako.

Marami pa Akong dapat asikasuhin.

Umalis ako sa kama at naghanap ako ng cotton at alcohol.wala  akong makita sa labas kaya binuksan ko ang drawer may nakita naman ako kaya agad Kong dinampot,isasara ko na sana iyon ng may mahagip ang paningin ko.

Isa itong blue folder na may nakasulat na BW organisation tapos sa ibaba ay BLUE WARRIORS.

nacurious ako sa nabasa kaya binuklat ko iyon, unang sumalubong sa akin ang larawan ni Vicent-Deman  na naka all blue at may sulat na KING, inilipat ko ang tingin ko sa second page naroon ang ibat ibang larawan niya na may mask at baseball cap!

No!
Sigaw ng utak ko.
Nabitawan ko ang folder na hawak ko,ibig sabihin siya ang lalaking sumira sa misyon ng Red Bandits noon!

Siya ang pinuno ng BW organisation?

Ngayon alam ko ng hindi pala ako safe dito! Kailangan Kong makaalis dito sa lalong madaling panahon!

Agad Kong binuhusan ng alcohol ang kamay kong may dextrose at tinanggal ko ang hose. Idiniin ko sa pinanggalingan ng tusok ang cotton na may alcohol at nilagyan ng tape.

Naghanap ako ng pwede Kong maisuot,buti nalang at may nakita akong t-shirt at jogging pants na nakapatong sa aparador. Agad Kong isinuot iyon at nang matapos ay dahan-dahan Kong pinihit ang seradura ng pinto.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakahilerang mga security sa hallway na nasa tapat mismo ng kwartong kinaroroonan ko!

Shit! Saan ako dadaan?!

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now