chapter 26

39 3 0
                                    


Hallefah

My eyes widen when we stop at the front of my headquarter.

Nasa mismong tapat lang kami ng building na ipinatayo ko noon,bago pa ako mabaril at mastock sa mansion ng mga Murillon.

Pero ang higit na ikinagulat ko ay tapos na pala ito,fully painted na ang loob at labas niyon.

Kumpleto narin ang fibreglass na dingding at pintuan niyon.

Nakahilera narin Ang mga glass boxes na sa hinuha Koy lagayan ng mga panindang gamot.

Yes..its really obvious na pharmacy nga ito. Pero paano niya nalaman na pharmacy ang plano ko sa building na ito?
Wala naman akong nababanggit.

Tiningala ko ang front top ng building wala pa naman nakasulat na pangalan doon, kaya Hindi mo pa mawari kung sino ang may-ari at kung ano nga ba iyon.

Nagtatakang binalingan ko si Vicent na tahimik lang sa tabi ko.

Nagtatanong ang mga mata Kong hinuli ng tingin ang mata niya.

Waring naunawaan naman niya ang ibig Kong sabihin pero sa halip na sumagot ay kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinaplos-haplos ang likod niyon.

Saglit akong parang nawala sa sarili dahil sa kakaibang init na dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko.

Ngunit bago pa humantong sa kung saan ang malagkit na tinginan namin at ang mistulang boltahe ng kuryenteng nanunulay sa mga ugat ko ay ibinaling ko na ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse niya para makasagap ng hangin.

Akmang ibubuka ko na ang bibig para isatinig ang mga gusto Kong itanong,pero naudlot iyon dahil sa malaking truck na huminto sa bandang unahan namin kaya kitang-kita ko nang magsimula nang magtrabaho ang mga labor.

Isa-isa nilang dinidiskarga ang naglalakihang karton mula sa malaking truck.

May nakatoka namang naghahatid nito sa mismong building at nagsimula narin ang mga pharmacist na i-arrange ang mga laman ng karton.

Gusto Kong bumaba pero mariin ang pagtutol ni Vicent-deman kaya hanggang ngayon ay nananatili parin kami sa loob ng sasakyan.

Pero maya-maya'y narinig ko ang dalawang trabahador na nag-uusap sa may gilid ng kotse ni Vicent-deman.

Bahagya kasing nakaawang ang dito banda sa akin kaya naririnig din ang nasa labas.

"Saan na kaya si señorita Elena-rose ano?.."

Rinig Kong tanong ng trabahador na Hindi ko makita ang mukha dahil nakasuot ito ng T-shirt na ibinalot sa mukha.

"Oo nga matagal na siyang Hindi nakakapunta dito sa headquarter niya,siya parin kaya ang nagpapatuloy sa paggawa ng pharmacy na ito?"

Ngali-ngaling sabihin ko sa kanila na nandito lang ako at nakikinig sa kanila.

"Balita ko Hindi na daw siya,sabi ni Mang Jack lalaki na daw ang nagpapasweldo sa atin ngayon pati ang mga gastusin sa paggawa ng building na ito ay siya narin ang nagbibigay.."

"Ibig bang sabihin ay sa lalaki narin na iyon ang pharmacy na ito?"

Natigilan ako sa narinig, mukhang may point ang mga to eh..

Ibig sabihin ba nitoy kaya tinapos ni Vicent-deman ang pagpapagawa nito nang hindi man lang ipinaalam sa akin dahil pursigido parin siyang bilhin ito mula sa akin?

Kahit bukal na sa loob ko na mapasakanya ito ay Hindi ko parin maiwasang magduda,kung talaga bang mahal niya ako o sadyang ito lang ang hangad niya.

Ewan ko ba kung bakit bigla ang pagsigid ng kirot sa bandang dibdib ko.

Nilingon ko siya,kampante lang siyang sumasandal sa driver's seat na nakapikit ang mga mata habang Hindi parin binibitawan ang isang kamay ko.

Bakit ang sakit sakit isipin na Hindi niya ako totoong mahal?

Bumibigat na ang paghinga ko,nahihirapan na talaga akong pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko...

Humilig nalang ako sa dibdib niya para Hindi niya makita ang mukha ko.

Dinig ko ang malakas na tibok ng puso niya,at Malaya ko ring naaamoy ang bango niya. Napapikit ako para damhin ang init niya at para pagbigyan narin ang puso Kong hibang kahit sa huling pagkakataon man lang....




SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now