chapter 28

40 4 1
                                    


Here we go again mga Lalabs!
Paramdam naman kayo Kay Ate Shaim' para mainspire kahit papano...😙😙😙love much all of you!!!💖💖💖😘😘

********

Vicent-deman

When we entered at the main way of Royal Palace of Señorita Hallefah ay naghiwa-hiwalay kami.

Kabisado na ng mga blue's ang pasikot-sikot dito dahil nga sa mission noon na iniatang ko sa kanila kaya Hindi kami mahihirapan ngayon na pumaloob sa palasyo.

Nang sumapit kami sa gate ay sarado iyon,kaya dadaan kami sa sementadong dingding ng gate.

Nauna akong  nakaabot sa pinakataas ng bakod kaya binusisi ko muna ang nasa ibaba kung Hindi ba kami agad mapapansin don.

Mangilan-ngilang tauhan siguro ni Talfon Maharashtra ang naglalakad sa ibaba,kaya nagsignal ako sa mga blue's na umakyat na.

Nauna akong tumalon pababa bago sila sumunod sa akin.

Nag-ala ninja kami,pagbaba ay pumatay agad sa naroong mga tauhan na walang kamalay-malay  sa paglusob namin.

Kailangan Kong makita agad si Hallefah.. Pero saan ko ba siya matatagpuan dito sa napakalaking palasyo na ito?

Iniayos ko ang ear bud na nakapasak sa tainga ko at kinausap ko sila Vinny na nasa kabilang panig dumaan.

"King,nasa loob na kami ng gate. Papasok na ba tayo sa mansion?"

Tanong ni Vinny.

"Hanapin niyo muna si Talfon at ako na ang bahalang maghanap Kay Hallefah,itumba niyo ang tauhang manlaban!"

"Copy that King!"

Sagot nilang lahat.

"Okay be careful blues."

Nagsimula na akong humakbang papasok sa mansion at sumunod naman sila Lacer,Prixx,Wannie, Prettina,and Kresha.

Maraming tauhan ang nakakasalubong namin kaya marami rin  ang balang  lumilipad patungo sa amin.

Todo ilag at tago ang ginagawa namin para Hindi matamaan. Pero pag nakakapuslit ay todo rin ang ganti namin.

Akala ko Hindi na mauubos ang kalaban namin dahil kanina ang kapal ng mga nakakasalubong namin. Pero ngayon mangilan-ngilan nalang kaya malaya kaming nakatuloy sa mga kuwarto doon para hanapin si Hallefah.

Anim na kuwarto sa ibaba ay nacheck na namin pero Hindi natagpuan doon ang pinakamamahal Kong Lady...

Agad kong tinakbo ang staircase nang may marinig akong malakas na lagabog mula sa taas.

Anim din ang kuwarto dito sa itaas kaya bawat isa sa amin ay binusisi ang mga naroong kuwarto.

Nang matapat ako sa isang pinto ay may narinig akong kakaibang ingay sa loob,pinakiramdaman ko iyon mula dito sa labas.

Pero bigla namang tumigil iyon,pagdaka'y muli ko na namang narinig. Tumahip ang dibdib ko dahil sa kaba.

Hindi kaya dito sa loob si Hallefah?

Pinihit ko ang doorknob pero nakalock iyon,kaya kinuha ko ang thin card na lagi Kong ginagamit sa mga misyong tulad nito.

Ngunit nakakapagtakang Hindi ko iyon mabuksan!

Anong klaseng pinto ito na Hindi naa-unlocked ng thin card ko?!

Mas lalo tuloy lumakas ang tahip ng dibdib ko.

No! Kailangan Kong mabuksan ang pinto na ito,siguradong nasa loob ang Lady ko...

"Ayaw mong pirmahan ito? Pwes habang buhay ka nang Hindi makakalabas dito Hallefah!"

Napakuyom ako ng kamao sa narinig. Nagtagis ang bagang ko,gustung-gusto ko ng maligtas ang Lady ko..

So now..confirm! Nasa loob nga siya!

I need to do something para makapasok ako!



SL works


Who is she? (Murillon Series 1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon