chapter 40

32 4 0
                                    


Vicent-deman

Hindi ako makapagdesisyon kung alin ang uunahin ko,sina Fidell at Ridell o si Hallefah at ang isisilang niya.

Ah...!!! Think wisely Vicent-deman, pamilya mo ang nakasalalay dito!

Inis na wika ko sa sarili ko at mariin kong naikuyom ang palad ko.

Hindi pwedeng makarating sina Dad dito na wala ang mga anak namin dahil paniguradong malaking gulo ang aabutin.

Nang dumaan ang isang nurse ay kinausap ko para bantayan si Hallefah habang wala pa sina Mom.

Hindi ko naman kasi siya basta-bastang maiwan dahil estranghero kami sa lugar na ito,bakit ba kasi nayaya ko pa siyang magbeach,Hindi ko naisip na kabuwanan na pala niya.

Ah! Shit!

Lihim akong napamura dahil sa galit ko sa sarili.

Mahigpit Kong ipinagbilin sa nurse na bantayan niya si Hallefah at imonitor ang lagay niya,iniwan ko ang phone number ko sa kanya para agad niya akong makontak in case na may mangyayari.

Tumalima naman siya kaya nagmamadaling nilisan ko na ang hospital at mabilis Kong minaneho ang dala Kong gray hilux.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero matindi ang kabang nararamdaman ko sa mga Sandaling ito.

Isipin ko palang na walong oras na naming naiwan ang mga bata sa cottage ay halos mabaliw na ako.

Mag-aalas nwebe na ng gabi nang isugod ko sa hospital si Hallefah at ngayon ay mag-uumaga na.

Alas kuwatro na ng madaling araw ngayon kaya Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa nila doon sa cottage, masyado pa namang maaga kung gumising ang dalawang iyon!

Alas tres ng madaling-araw ay gising na sila at kung anu-ano ang ginagawa nila, kaya Hindi ko sigurado ang kaligtasan nila.

Nagsisi tuloy ako ng sobra dahil Hindi ako nagsama ng bodyguards nila o kahit isang katulong man lang.

Sa lahat ng nangyari ay walang dapat sisihin kundi ako, ako lang talaga.

Damn!

Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo para makarating na ako sa entrance ng resort.

Ilang sandali pa ay nagpark na ako sa parking area at patakbong tinungo ko ang cottage namin.

Nang makalapit na ako ay bukas ang pinto at narinig ko ang iyak ni Ridell.

Binundol ako ng Hindi maipaliwanag na kaba at takot na baka may nangyari na sa kanila.

Una Kong nadatnan si Ridell na naliligo sa sariling pawis at magkahalo na ang luha't sipon.

"Ridell anak..what happened? Where is your brother?"

Binuhat ko siya at pinunasan ang mukha niya habang naglalakad din ako papasok sa kinaroroonan ng kama nila para tingnan kung nasa loob ba si Fidell.

"Son..wala dito si Fidell,saan siya pumunta?"

Mas lalong lumakas ang hagulgol niya na Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Rid..tell me..nag-away ba kayo? Lumabas ba siya?"

Sunud-sunod na iling lang ang sagot niya sa akin,na para bang takot at galit ang nababanaag ko sa munting mga mata niya.

Bigla akong kinutuban na baka may nangyaring Hindi maganda dito sa cottage.

Inilapag ko siya sa kama.

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now