chapter 7

92 7 0
                                    

Naglalakad ako sa pilapil ng aming malawak na palayan.

Kaygandang tingnan ang mga palay na nagsasayaw ang mga dahon sa saliw ng panghapong hangin.

Tinanaw ko ang dulo ng Murillon  farm pero Hindi na iyon naaabot ng tingin mula sa kinatatayuan ko.

Ito ang dahilan kaya ayaw Kong manirahan sa bayan,at ayaw kong malayo sa palayan. Dahil sadyang mahalaga para sa akin ang lupaing  ito. Ito na ang namulatan ko at siguro dito ko narin gugugulin ang buhay ko hanggang sa pagtanda kasama ang magiging pamilya ko.

Para sa mga negosyo ni Dad sa bayan ay ang mga anak ko nalang ang magpapatuloy niyon.

Naipilig ko ang ulo ko sa isiping iyon,bakit anak na kaagad ni wala pa akong girlfriend na pwede Kong pakasalan.

Biglang naglaro sa balintataw ko ang imahe ni Elena-Rose.
Ano kaya ang mayron sa babaeng iyon at napapalakas niya ang tibok ng bato Kong puso kahit na naiisip ko lang siya?

Ang mabilog at maamo niyang mukha,her pointed nose at malalantik na pilikmata,maiitim na kilay at itim na itim niyang mga mata,na puno ng sikreto.

Matangkad si Elena-Rose dahil umaabot siya hanggang sa tapat ng tainga ko kahit Hindi nakaheels.

At naaakit ako sa uri ng pananamit niya dahil Hindi bulgar,shes always wearing a long sleeve na tinutupi lang hanggang sa ibaba ng siko. At sa ibaba naman ay fitted skinny jeans at shoes. Wala siyang anumang kolorete sa mukha maliban sa simpleng powder at light lipstick na inaayon sa kulay ng damit niya.

Laging nakatali ang buhok niya pataas. She's a very simple woman pero nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ko sa isang babae na gusto Kong magiging ina ng mga anak ko.

Pero Hindi ko siya kilala at parang malabo yata na magkakamabutihan kami base sa inaakto niya kapag kinakausap ko siya.

Natigil ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko.

Nang tingnan ko ang screen ay si Dad pala ang tumatawag.

Napatampal ako sa noo,kasi nakalimutan ko palang kontakin si Dad,noong isang araw pa ito kumokontak ano kaya ang kailangan niya?

Mukhang importante.

"Yes Dad bakit?"

Agad na tanong ko sa kabilang linya.

"Son! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko!"

Naghahalo ang pag-aalala at pagkainis sa boses ni Dad.

"Sorry Dad,naging busy lang ako ang dami Kong ginawa this past few days, sinimulan ko ng ipatayo ang gagawin kong Agri buy&sell malapit sa may kalsada."

"Saan banda yan Vicent,doon din ba sa sinasabi mong lote na bibilhin mo?"

"No Dad,nasa loob din ito ng Murillon property."

"Ha? But why? What happened to the lot your going to buy."

"Its a long story Dad..may nauna na pala sa akin."

"Oh! Anyway Vicent,I need your presence here tomorrow, at my headquarter. May dumating na report dito at ako ang gusto nilang gumawa  ng mission na ito,but I'm very busy son. You already know naman na naghahati kami ng Mommy mo sa pagha-handle ng mga negosyo natin dito sa bayan. So Hindi ko pwedeng iasa sa kanya ang para sa akin talaga. That's why I called you because I want you to do this mission for me,and since ikaw narin naman ang papalit sa akin bilang leader ng BW organisation,ay sayo ko nalang ibibigay."

Hindi ako agad nakasagot. Kahit naman ganito ko binuburo ang sarili ko dito sa farm ay hinding Hindi ko matatanggihan ang organisasyon namin.

Si Dad ay isa sa pinakamagaling na agent kaya nang magretire na siya ay bumuo siya ng organisasyon we have 10 members of BW organisation which means (Blue Warriors) we have 7mens and 3womens.

"Son!are you still there?"

Nabalik lang ako sa huwisyo ng marinig ko ang tinig ni Dad.

"Yes Dad! I'll be there tomorrow."

Agad na sagot ko sa kanya.

"Okay and take note tomorrow will be the presentation of new members of BW organisation."

"Yes Dad."

Tinapos ko na ang pag-uusap namin dahil kaillangan ko pang magtalaga ng Tao para sa ginagawang bonega.

SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Where stories live. Discover now