chapter 32

38 4 0
                                    


Vicent-deman

"Bakit parang higit pa sa akin ang galit mo sa kanya?"

Sunud-sunod akong napalunok dahil sa epekto ng boses niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko'y may napakalaking bagay na bumara dito sa lalamunan ko.

Nang maglakas loob akong tingnan ang mukha niya ay ganon nalang ang panginginig ng kalamnan ko dahil inialis na pala  niya ang bonnet na nasa mukha niya,ngayon malinaw ko ng napagmamasdan ang mukha niya.

"M-my L-lady...?!"

Halos Hindi iyon lumabas sa lalamunan ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Yes Vicent-deman I am..."

Mahinang sagot niya.

"B-but how? Why?"

Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Hindi ko talaga lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito.

Halos dikdikin ko ang sarili dahil sa nakita Kong sinapit Ni Hallefah sa silid na iyon,pero ngayon ay nakakausap ko siya at nasaksihan ko pa ang galing nito sa pakikipaglaban!

God! I'm going to be crazy!

"Paano nangyari ito?"

Tanong ko nang bahagya akong mahimasmasan.

"Ang alin?"

"Halos mabaliw ako sa pag-aalala sa babaeng natagpuan kong bihag ni Talfon dahil buong akala ko ikaw iyon,pero bakit nandito karin pala at nasaksihan ko pa ang eksenang iyon?"

"Sssshhh that's enough... Pag-uusapan natin iyan pag-uwi natin...for now, tawagin mo ang mga BW at aalis tayo ngayon din,because within 10 minutes ay sasabog na ang palasyo.."

Napamulagat ako sa narinig. Paano na ang ipinaglalaban niya kung tuluyan na itong mawawasak?

"Don't worry Vicent,plano ko ang lahat ng ito. Hindi ako matatahimik pag mananatili  pang nakatayo ang palasyong ito,
Lahat ng mga kamag-anak ko ay gugustuhing mapasakanila ang lahat ng mayron ako, kaya masakit man sa akin na tuluyang mawawala ito ay pilit ko nang tatanggapin...para sa ikabubuti ng lahat....at para narin sayo."

Napatanga ako sa narinig,Hindi ako makapaniwala!

Dahil sa dalawang rason! Pero magiging malinaw din ang lahat pagkalabas namin dito.

Niyakap ko nalang siya at sabay bulong ng

"I love you so much...My Lady, A mysterious one..."

"I love you too...My King...who build a kingdom inside my heart...!"

Napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil sa narinig,akala ko Hindi ko na maririnig ang mga salitang iyon..

But I was wrong... And because of those 6words ay napawi ang lahat ng agam-agam ko at ang kahungkagang nadama dulot ng pag-alis niya ng walang paalam ay nahalinhan ng matinding saya at galak...

"Vicent we have eight more minutes to survive..."

Naalarma ako sa narinig,Oo nga pala ang mga blues!

"Attention all Blues! Did you here me?"

"Yes King loud and clear!"

"We have seven more remaining minutes to get out from here! Kailangan nating makaalis bago sumabog ang palasyo!"

"But King paano si Queen?!"

Sabay na tanong ng apat na iniwan ko sa silid.

"Iwan niyo na yan,duplicate lang yan!save yourself blue's!"

Habang nagsasalita ako ay hinahatak ako ni Hallefah pababa ng hagdan. Nang matapos ako ay sabay na kaming  patakbong bumababa ng hagdan.

Walang lingon-lingon, walang pahinga, walang kahit ano,diretso lang sa pagtakbo hanggang sa nakarating kami sa gate.
At dahil kami ang nasa third floor ay kami na ang pinakahuling nakalabas.

Kumaripas kami ng takbo papalayo sa palasyo,nagjoint narin ang Red bandits at Blue Warriors at this time.

Saktong ilang kilometer ang nagawa naming paglayo ay natanaw na naming malakas na sumabog ang Royal Palace of Hallefah at tinutupok na ito ng apoy...








SL works

Who is she? (Murillon Series 1)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon